"What?! Yna..." Tumingin pa sya Kay yna tila pinapapayag si yna na sumama

"Hindi ako pwede Jane, may pasok pa ko mamaya eh"

"Marami pa naman bagong damit ngayun sa mall" pag pout ni jane

"Pano mo alam, eh hindi ka naman taga dito?"-natatawang tanung ni dj

"Eh? Basta alam ko lang"

"Bahala ka, parusa mo yan"

"Totoo naman ah..ang daya!" Pagmamaktol ni Jane..

Habang nagtatalo pa yung dalawa, sumenyas na ko Kay yna na papaliguan ko lang si JD..pagdating namin sa kwarto nya, mahimbing pa na tutulog si bailey ng nadatnan namin..hindi na nahiya feeling kwarto nya to nasakop na nya yung Kama ni JD eh tsk! Tsk!

"Here tita ninang.." Inabot nya sakin yung damit na susuotin nya.."saan po tayo unang mamamasyal tita ninang?" Tanung nya habang tinatanggal ko yung pangtulog nya..

"Kahit saan basta dun sa sasaya ka." Pinindot ko yung tip ng ilong nya.."kasi kapag nakangiti ka  masaya na rin kami ng tito ninong mo..pwede mo ba akong bigyan ng isang ngiti Jan?" Ngumiti naman sya sakin na ikinatuwa ko naman kaya napayakap nalang ako sakanya..parang anak ko na rin tong batang to eh..Sana pag nagkaanak ako yung katulad rin ni JD na matalino, magalang at mabait...

"Wait mo nalang ako dito tita ninang hah, liligo lang muna ako" tumango ako at dumeritso na sya sa cr ng kwarto nya..habang naliligo sya, tinawag ko naman na si DJ para maligo na.

--
"Tita ninang, ang ganda po dito! Wow..." Halos hindi ko marinig na sabi ni JD. Maingay kasi yung fountain. Manghang mangha sya dun. Masaya syang nanunood habang kami ni DJ nasa likod lang nya. Napagalaman ko rin na ito pala ang inaabangan nilang magina kaya ganun ka nalang excited pumunta dito si JD kasama ang mommy nya. Tulad ng mga bata, sa park namin unang pinasyal si JD sabi ko nga, ngayun ang unang bukas ng fountain na to..

"Ano, nagenjoy kaba?" Masayang tanung ni DJ pagkatapos nung show. Naupo kami sa isang bench.

"Opo...kaya lang mas masaya Sana kung kasama natin si mommy.." Nakayuko nyang sabi..kinandong sya ni DJ.

"Sa ngayun, wala dito ang mommy mo para samahan ka. Pero sure naman ako na babawi sayo ang mommy mo eh. sa time na yun, kayo naman dalawa ang mageenjoy kaya wag kanang malungkot. Kami muna ngayun ang magpapasaya sayo ok?" Paliwanag ni DJ..

"Nagugutom kana ba?" Tanung ko..

"Ako gutom na mine!" Tinaas nya pa yung right hand nya..

"Tara Kain muna tayo JD.." Humawak sya sa kamay ko. Nasa likod lang namin si DJ.."hindi ka nagbreakfast kanina kaya dapat lang kumain ka.."

"Tita ninang ang sarap po ng mga inorder nyo..nabusog po ako ammmm!" May pahimas himas pa sa tyan^_^

"Buti naman kung ganun"

"Teka? Asan po si Tito ninong??" Saktong pagkatanong ni JD ay ang pagdating naman ni dj..

"Oh, nabayaran mo na ba?"

"Walang problema!" Mayabang nyang sagot. Nag roll eyes lang ako tsaka umuna na kami ni JD. Dapat lang na sya ang magbayad ng mga kinain namin, Sya kaya ang pinakamadaming kinain..tsss

"Saan ang next punta natin JD?" Tanung ko..tumingin sya kaya DJ na nasa likod.

"Sa mall tita!" Masaya nyang sabi tapos nagapiran silang dalawa. Hindi lang ako sinama sa trip nila(-_-)

Habang papunta kami ng mall, si DJ ang nasa driveseat si JD naman ang nasa front seat. At ako? Nasa backseat lang naman walang kausap habang yung dalawa nagtatawanan at nagdadaldalan. Edi sila na magkasundo. Ako na yung OP dito. Sinama ko nalang Sana si Jane para may kakwentuhan ako. Amp!..

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt