Chapter One

68 12 4
                                    

Klaire POV,


Nanlulumo kong pinagmasdan ang mga taong nag kukumpulan sa labas. May pinatay nanaman sila.


Ayokong lumabas sa silid ko. Natatakot ako na baka pag lumabas ako ay iyon na ang huling araw ko.



Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Mahigit 3 buwan na mula ng mapunta ko dito. Araw araw akong hirap makatulog dahil sa takot na baka may mangyari sakin. Gabi Gabi ay nagsisisi at umiiyak.




Sa isip isip ko, Bakit ko ba hinayaan na mapunta ako dito? Kahit na simula palang ay parang may Kakaiba na sa lugar nato?



"G-gusto ko nang m-makaalis dito..." Umiiyak na saad ko sa sarili ko. Pero paano? Dahil sa kagustuhan kong makapagtapos ng pagaaral ay eto ang inabot ko. :/



-Flashblack-


Isang taon na kong ulila sa mga magulang. Tanging sarili ko nalang ang kasama ko sa hirap ng buhay. Nagtatrabaho ako pero kulang na kulang parin ang kinikita ko para sa mga gastusin ko.



Kaya naman naisipan kong huminto muna sa pag aaral. Kahit mahirap para sakin ay tumigil ako. Pero sa oras na makaipon ako ay pagaaral ulit ako! Yun kasi ang pangako ko kila mama at Papa.



Wala pang buwan na huminto ako ay may matandang babae akong nakasalubong sa kalsada na nanghihingi ng tulong. Sobrang init pa naman ng sikat ng araw!



"Lola. Okey lang po ba kayo? Ano pong problema?" Tanong ko sa matandang babae.



"T-tubig..." Agad ko naman ibinigay ang tubig ko na kokonti nalang ang laman. Yun nalang kasi ang natira.




"Salamat hija... Saan kaba patutungo hija? Tanghaling tapat pa naman. Papasok kana ba sa eskuwela?" Napangiti naman ako ng magkaroon na sya ng kahit kaunting lakas dahil sa tubig na ininom nito.




"Ay. Hindi po lola. Huminto po kasi ako sa pagaaral. Pauwi na po sana ako sa bahay nung makita ko kayo." Makungkot kong sagot. Hay!




"Eh bakit ka naman huminto hija... Mahalaga pa naman ang edukasyon sa ating buhay...."




" Hmm nakakalungkot man pong sabihin ay, kapos poko sa pera para po maipagpatuloy ko ang pagaaral ko"




Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni lola na ipinagtaka ko. Pero agad din yon mawala sa sinabi nya. "May alam akong eskwelahan na libre ang lahat hija... Tanging ang nais lang nila ay makapagturo at makatulong sa mga katulad mo na walang kakayanan na makapag aral."




Natuwa naman ako sa sinabi ng matanda. May ganun pa palang school? Grabe! " Ang galing naman po lola! Saan po yang school nayan? Mageenroll napo ako Ora mismo! Haha" Hindi ko mapigilan ang tuwa na nararamdaman ko! Dahil sa kagustuhan kong makapag aral ulit ay kukunin ko na tong chance nato.




"Ang kaso hija, hindi mo maaaring makita kung saan ang papunta roon. Masyado kasi silang maingat sa mga tao. Ang tangi lang kasi nilang tinatanggap ay ang mga kapos lang talaga sa Pera pampaaral."




Pinaliwanag ni lola ang dahilan kung bakit hindi ko pwede makita ang lugar patungo doon habang nagiimpake ako! Oo! Nagiimpake nako! Nakumbinsi naman ako ni lola. Dormitory school daw kasi yun kaya kaylangan kong magdala ng mga gamit ko.




Nang matapos akong mag ayos ng gamit ay nagtaka pa ako ng mga nakaabang nang sasakyan sa labas ng bahay. Kanino to?




"Ahh hija.. Sya ang maghahatid sayo doon sa paaralan. Halika na, iparing na natin ang iyong mata."





"S-sige p-po." Nagtataka man at kinakabahan ay pumayag nako. Inalalayan ako ni lola na makasakay sa sasakyan. Ang creepy man sa pakiramdam pero, nang tuluyan akong nakasakay ay biglang kumabog ang dibdib ko. Masyado ata kong kinakabahan? B-baket?




Ilang oras din ang naging byahe at huminto na ang sasakyan. Marahil ay narito na kami. Hindi parin kasi pwedeng tanggalin ang paring sa mata ko. Kahit curious ako sa itsura ng school na papasukan ko ay nanatiling nakatakip ito sakin hanggang sa makababa ako. May umalalay sakin papasok sa loob. Baka si manong driver?




Pero habang naglalakad kami ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Para bang pinipigilan ako sa pagtuloy ko sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Takot? Kaba? Alin ba doon?




"M-malayo pa poba?" Hindi kona napigilang magtanong. Pero wala akong natanggap na sagot dito bagkus ay binitawan nya ang kamay ko at sa tingin ko ay binuksan nya ang gate.




Malakas na tunog ang namutawi sa pagbukas ng gate. Tunog ng lumang gate! Nang bumukas ng tuluyan ang gate ng school ay sya namang malakas na hangin ang bumungad samin, dahilan upang matanggal ang nakatakip sa mata ko.




Agad kong pinagmasdan ang paligid. Malaking tatlong gusali ang bumungad sakin. Gitna. At sa magkaibang gilid.



Para bang napapalibutan ang buong lugar n g madilim na aura.
Pero nasagot din ang tanong ko sa dalawang salita na nahagip ng mata ko.



Demon High




At Ito ang hudyat upang magsara ang malaking gate....

Demon highWhere stories live. Discover now