The Guy I used To know

148 8 10
                                    

Una ko siyang nakita noong firstyear college ako. Second year na siya noon. Gwapo, matangkad, matalino, mabait at tahimik.

Lahat na ata nasa kanya, napaka perpekto nya parang di na siya totoo.

Siya yung klase ng tao na nasa kanya na ang lahat pero di parin nagbabago. Napakahumble.

Pero lahat ng katangiang yan ako lang ang nakakapansin. Ako lang ang nakapuna, ako lang ang nagandahan.

He has it all pero nasasapawan parin siya. Nalalamangan.

Nakakapagtaka dahil napaka perpekto niya pero di manlang siya napapansin ng karamihan. Kahit one glance wala. Para lang siyang invinsible. Dumadaan ng hindi nakikita, napapansin.

Buti pa ako, hindi kagandahan pero napapansin.

Panong di ako mapapansin at maaalala dahil minsan na akong mapahiya sa boung student body.

Nangyari yun ng Acquaintance party.

Prepared na prepared ako noon. Alam ko ang kanta, nakapag ensayo ako ng maayos. Kahit nakapikit alam ko ang gagawin ko.

Nasa stage na ako noon. Naka set na lahat. Sinimulan kong kuskusin ng gitara ko at kumanta. Maganda ang naging simula ko. Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng makita ko ang manliligaw ko na may kahalikang iba. Automatic tumigil ako sa pagkanta. Natulala lang ako sa kanilang dalawa.

Shit! Masakit kaya! Napahawak ako sa dibdib ko. Di ako makahinga. Tumingin sila sakin tapos nakangiti. Bwesit lang! Nakuha pang ngumiti sakin? Dahil sa galit at sakit ng kalooban ang kantang dapat kong kantahin ay nakalimutan ko.

Di ko na alam ang dapat na itugtug. Di ko na rin makuhang kumanta dahil naiiyak na ako. Sigawan at hiyawan ang lumukob sa loob ng gymnasiun. Yumuko ako habang tumatakbo paalis. Nang araw na yun nakilala ako ng lahat. Napahiya nga lang.

"Hey Miss-I-Don't-Know-The-Lyrics!" sumunod noon ang tawanan ng mga kabarkada niya.

I just stare with the most famous guy in the campus and leave him.

"The Walk-Out-Lady, bro!" and they laugh even louder. Magpakasaya kayo mga ulol.

Diretsu akong naglakad paalis. Ni hindi ko tinitigan ang dinadaanan ko.

Dahil doon may nabungo ako.

"Sorry. Pasensya kana!" nagtaas ako ng tingin at nakita ko siya.

He just nod and smile then walk away.

He smile. He just smile kahit na natapon ang drinks nya at nabasa ang damit niya.

Nakakabother na siya. Kahit ba magalit wala talaga?

Oo inaamin ko crush ko siya. Just a plain crush. Di yung tulad sa mga past crushes ko na iniyakan ko talaga. Iba to just pure paghanga lang talaga. Paghanga dahil iba siya.

Classmate ko siya sa isang subject dahil nga irregular ako. It was a trigonometry subject. Mahirap! Sobrang nahihirapan ako dahil I really hate Math Subjects. Nagkataon pa na seatmate kami.

Abelardo at Bernabe.

Nagbigay ng problem ang teacher. Lahat nakayuko dahil di alam ang sagot. Pero siya. Si Bernabe, sinolve na yun. Manghang-mangha ako dahil nasagutan nya na walang kahirap hirap. Pumalakpak ang mga daliri ko sa sobrang paghanga.

The teacher preach us that we should be like him. Silent but deadly.

Tumawa ang mga classmates ko.

Bakit sila natatawa?

Lahat sila nagbubulung bulungan at panay ang sulyap sa kanya.

"Siya tularan eh anak ng--."

The Guy I Used To Know (Ongoing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin