Chapter 1

23 1 0
                                    


Paalala lang po sa mga mahal kong taga basa ang mga tauhan at lugar sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang ...
Maraming salamat po
         ~~   marjoy1109 ~~

Farah POV:

     Nagmamadaling bumangon si Alice sa higaan ng maalalang my huling linggo pa syang pasok sa Unibersidad. bumangon ito at hinablot ang tuwalyang nakasbit sa likod ng kanyang upuan. Sinipat na muli ang orasan bago tinungo ang banyo na kalapit lang ng kanyang silid. Nasa 4th year na ito sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Arketiktura. Bata palamang si Alice ay kinahiligan na nitong mag drawing o magsulat,kaya nung nag kolehiyo na at nakapasa sa entrance exam ng Unibersidad na kilala sa kanilang bayan ay laking tuwa nito na ang kanyang pangarap na maging isang tanyag na Architecture ay abot kamay na nya,kayat hindi nya sinayang ang mga taon na nag aaral ito. Halos matataas ang kanyang mga marka lalo na ang kanyang major subject. Hindi man sya nasa deans list pero pinagmamalaki naman sya ng kanyang Departamento. Sya kasi ang President ng Architect Department,sa kanyang naka atang ang responsibilidad ng buong Department. mga suggestions,comments,at mga proposal ay sakanya pinapasa.at sya naman ang magdadalo sa mga meetings at aktibidades. Halos punong puno at halos kulang ang araw ni Alice sa Unibersidad, minsan nga nakaligtaan na nyang kumain para lang maipasa ang proposal ng mga student council..at pati na ang pagpapaganda sa sarili ay di na rin nya nagagawa,kayat sa edad na bente ay hindi pa naranasan ni Alice na magka boyfriend, hindi naman sya kapangitan.at may mga nanliligaw din naman sakanya,pero hindi talaga inuna ni Alice ang mga bagay na yun.   Lahat nga ng mga kaibigan nya ay nakaroon na ng mga nobyo at sya nalang ang natatanging single sa kanilang magkakaibigan..   nakita din nya kung pano sila umiyak at magpakatanga sa mg lalaki. 
Naisip tuloy ni Alice na mabuti ng ganito atleast walang may gumugulo sakin,malaya ako kung ano ang aking gagawin at walang may hahadlang, "wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganyan,kelangan ko munang makapagtapos,maging rehistradong arketiktura at makapagtrabaho para sa aking pamilya.   Hindi kami mayaman para pamulutin ng aking ama sa kalsada ang pera".

Isang tricycle driver ang kanyang ama at isang guro sa pampublikong paaralan ang kanyang ina,dalawa lamang silang magkakapatid kaya't hindi sila gaanong hirap sa buhay.
Ang kanyang nakakatandang kapatid na si Onin ay naaagtapos ng kursong Criminology at ngayon ay isa ng lisensyadong pulis sa kalapit na bayan.

Mahal Kita Noon Alaala Ka Nalang NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon