Chapter 1.

26 3 0
                                    

"What?  Pinalayas ka na naman sa apartment mo? ".

Nandito ako ngayon ,ay kami pala sa isang cafè na pagmamay ari nitong kaibigan ko siya kasi ang una kong pinuntahan pagkatapos kong mag empake at pinalayas sa tinitirhan ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Goodness, Myca pangatlong apartment na yan. Bakit ba kasi hindi ka nagbabayad?".

"Kasi nga wala akong pera pambayad, ayaw niyo naman akong pautangin at isa pa wala akong mahanap na trabaho na malaki ang sahod". Angal ko sa kanya. 

Napa face palm naman siya.

"Seriously Myca?  Papautangin ka namin? Eh mas mayaman ka pa nga kesa sa amin ahh,  ano ba kasing drama mo at lumayas ka sa inyo? ". Tanong niya.

Tama ang narinig niyo, lumayas ako saamin kung ano man ang dahilan tyaka ko na sasabihin. Kahit isa sa mga kaibigab ko waoang nakakaalam kong bakit ako umalis saamin well, it's a long story to tell.

Napasimangot nalang ako sa kanya at inubos ang natitirang pagkain at kape sa plato ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Kasi naman Friend, kesa naghihirap ka bakit hindi ka nalang bumalik doon sa inyo?  Para naman hindi ka na mahirapan pa".

Mas mahihirapan nga ako pagbumalik ako doon.

Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko nalang.

"Ayaw ko munang bumalik doon Kaye, hindi pa tamang oras".

Nagkibit balikat lang ito. "So?  Anong plano mo ngayon saan ka tutuloy niyan? ".

"Anong saysay na naging magkaibigan tayo kung hindi mo ako tutulungan? ". Napanganga siya sa sinabi ko at nandidilat ang matang tumingin saakin.

"Like WTH?!  Ilang beses na kitang tinulungan babae ka aah, wag mong gagamitin sa akin ang linyang yan, porke't mag kaibigan tayo inaabuso mo na kabaitan ko at sorry not sorry hindi kita tutulungan ngayon bahala ka na sa bubay mo ikaw may gusto niyan panindigan mo. Meron naman kasing madaling paraan para hindi ka na mag hirap pa ayaw mo naman kaya magtiis ka dahil hindi kita papautangin kasi ang damu mo ng utang saakin at No.Hindi ka rin pwede mag stay sa bahay. " mahabang lintaya nito.

Napanganga nalang ako sa kanya at napatitig. Like seriously? Kaibigan ko ba talaga to?. Tiningnan ko siya ng nagpapaawa peri deadma lang siya ayaw niya akong tingnan. Napa pout nalang ako.

"Thank you ha? Ang bait mong kaibigan". Sarkastiko kong sabi sa kanya. Nginitian niya lang ako na parang aso kaya napasimangot ako.

Katelyn Ramos my friend since college, how should I describe her? she's rich,oh well ,all my friends are rich bitches. They came from a wealthy families.  Her attitude is very opposite to mine, siya kasi kaya niyang saluhin lahat ng problema na walang tanong at reklamo, we called her "A puppet" kasi lahat ng sabihin ng mga magulang sinusunod niya hindi naman sa ayaw namin siyang sumunod pero yung iba kasing pinag-uutos ng magulang niya ay mali na.

Pero isa talaga siyang mabait at matulungin na kaibigan kahit hindi talaga halata.

"Zhamaica Girly Rocco,  are you listening to me? ". Napatingin naman ako sa kanya at napasimangot bigla. 

"Huwag mo nga akong tawagin sa buo kong pangalan Katelyn Ramos." angal ko sa kanya at tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Hello girl,  ang layo kasi ng utak mo kanina pa ako tawag ng tawag sayo duh!. " maarteng wika nito. 

"Ano ba kasi sinabi mo? ".

"For the nth time kaya you listen to me." with matching roll eyes pa,tusukin ko kaya mata nito. Tss.

Reaching The StarWhere stories live. Discover now