"May nakabangga po kasi kay Kath at natapunan po siya ng coke kaya nagpalit pa po ng damit" Explain ni Julia.


"Ah ganun ba? Akala ko naligaw na kayo"

Tinulungan na namin si Mama magbuhat ng groceries papuntang parking lot. Tapos nag-drive na si mama agad.


Habang nagkwe-kwento si Julia, hindi ko na naman mapigilang maisip yung guy kanina.


Ok aminin ko, I found that guy cute but that doesn't mean i like him! Turned off na ko agad! And besides, wala na sigurong pagkakataon na magkikita pa kami. Hindi siya mukang mabait. In fact, I found him na mukang badboy. Yung tipong nagpapaiyak ng babae. And halatang mayaman siya. I mean, who the hell gives 1000 to a stranger just because natapunan mo siya ng coke?


"Huy sis, nakikinig ka ba?" Na-interrupt ni Julia yung thoughts ko.

"Huh? Oo naman" Nag-lie na lang ako para hindi siya magalit.

"Weh? Sige nga, anong pinaguusapan natin?" Nag-roll yung eyes ko at nanghula.

"Hindi ano, kundi sino. si Albie" Sabi ko at bigla siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagkekwento.


Inadd daw siya sa facebook ehh. Galing ko naman manghula.


Tumigil si Mama sa bahay nila Julia para kausapin si Tita Cha. Kabadong-kabado naman itong bestfriend ko, para bang sumali sa X-Factor. Nakakatuwa...

Sabi ni Tita Cha, pag-iisipan muna daw niya. Sana naman pumayag siya! O kaya wag na lang, para hindi na ako ilipat ng school! haha.


Pag-dating ng bahay, nag-stay na lang ako sa kwarto. Naka-open naman yung aircon kaya masarap tumambay sa kama. Kinuha ko yung Diary ko tapos nagsulat na lang ako.


Dear Pink Diary,

Long stressful day. Feeling ko, magkakaroon ako ng pimples nito!

Super bwisit pa rin ako. Si mama ko kasi, gusto mag-transfer ako ng school. Maganda bang idea yun? Parang hindi naman. Baka nga mag-regret pa kong lumipat ehh. I mean, feeling ko bad vibes babati sakin sa Padilla University.


Ay oo nga pala, kanina sa mall while namimili si mama, I met this guy.

Gwapo siya, naka black na shades. Black t-shirt at may necklace pa. Cute siya? Oo. Pero nakakainis. Natapunan niya ko ng coke sa damit ko! Sinong hindi magagalit? And parang mayabang. Yes nagsorry siya pero ewan! Galit pa rin ako sa kanya! Binigyan niya ko ng 1000 bilang kapalit nung damit. Di ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi...


Love, Kath.


Tapos ini-stapler ko yung one thousand dun. Ayoko ngang galawin yun, baka malasin ako. Hahaha.




Daniel's POV


Sumakay na ko sa limousine. Nagmamadali akong umalis sa mall, baka may makakita saking schoolmates ko or paparazzi, pagkaguluhan pa ko. They didn't know I'm back from States. I stayed there for a month, pinagbakasyon kasi ako ni daddy.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon