In this book, I'm their villain. The mistress. Kahit alam kong sa totoo naman ay ako ang nakasapa niya no'ng walang makita siya? In this ploy, it was me who's their side character.

While he still has her, I'm still the mistress. The other woman.

At wala akong karapatang magalit. Naging makasarili ako. Hindi ko nilinaw at nagpatuloy kahit alam kong mali. Kahit alam kong komplikado.

"Uh, sino 'yong mga tao sa loob?" tanong ko na lang.

"I don't know some of them," ani Zeijan. "Few are Dash's friends way back in college and their family but most of them, kamag-anak at kaibigan ni Rheallyn," he added.

"He knows them?" tanong ko.

"I don't know, basta hindi ko sila kilala," ani Zeijan sa akin.

"Ayos lang 'yon, it's his life, anyway." Sagot ko na lang. Tumayo ako at ngumiti sa kanila.

"Pasok na tayo?" aya ko but they just stared at me like I was saying something crazy they couldn't even believe.

"Pasok na tayo, ayos lang ako." I urged. Napasimangot si Thallia at napabuntonghininga 'yong dalawang magkapatid.

"Kapag ako hindi nakapagtiis, ako na magsasabi sa gungong na 'yan," ani Zeijan at hindi na lang ako umimik.

Hindi naman kasalanan ni Dash ang lahat ng 'to.

Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad ang mga bisita roon na binabati si Dash. Maybe it was his close friends or maybe Rheallyn's. They were already eating, ang iba ay nagkukuwentuhan doon at nakita ko kaagad si Dash at Rheallyn na magkasama habang nakikipag-usap sa mga tao roon.

"Say hi to Tita Fleureah, babies." Lumingon ako nang may magsalita at napangiti ako nang makita si Thallia na karga si Alchiel, ang lalaki nilang anak at si Crest naman ay na kay Kuya Iñigo.

"Hi, babies!" Napangiti ako sa kanila.

"Hi, Tita!" Thallia waved Alchiel's hands. Natutuwang lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi si Alchiel at Crest.

"Ang cute n'yo naman! Ilang buwan na kayo, babies?" tanong ko.

"They're ten months," sagot ni Kuya Iñigo. Napangiti naman ako at nilahad ang kamay ko.

"Pwede pakarga si Crest?" tanong ko.

""Sure," mabilis ko namang binuhat si Crest. She giggled kaya natawa ako.

"Cute naman ni Crest!" I cheered habang buhat-buhat ang baby. Pansin ko na may pagkakahawig sila ni Kuya Iñigo!

"Kuya hawig mo," sabi ko sa kanya.

"Really?" halos magliwanag ang mukha niya.

"She looks like me, too," ani Thallia na nakanguso habang buhat si Alchiel na sumiksik sa leeg nito.

Pansin ko kay Alchiel ay kaugali ni Kuya Iñigo. Tahimik lang ito at mag-iingay kapag may pagkain na gusto niya. He somehow looks like Thallia and Kuya. Half ba, kumbaga.

Pero who knows, they're just little kids. Makikita sinong mas kamukha nila kapag lumaki na.

"Of course, she looks like you," biglang hirit ni Kuya Iñigo at hinapit sa baywang si Thallia. "Hmm? Baby?" he teased her.

Kinilig ako nang halikan ni Kuya si Thallia sa noo namula naman ang huli.

"Ano ba, gusto mo lang makascore e," Thallia hissed. That made me laugh, napansin ko ring humahagikhik si Crest sa kamay ko kaya hinalikan ko ang pisngi nito.

Napaka-cute na bata! Ang sarap i-kiss!

"Pwede ba?" Kuya Iñigo teased her. Napaismid si Thallia at napanguso.

Blind LoveWhere stories live. Discover now