Simula

311 11 15
                                    

"Jino! Jino! Jino!"

Napangiti ako sa nakakabinging sigawan ng mga kapwa kong estudyante habang umaakyat sa podium ang ngiting-ngiti na si Jino Tansengco, isang kandidato para sa University Student Council President.

"Ang daming fangirls ni Jino!" sabi ni Ezra, kaklase ko sa major.

Tinuro niya ang ibabang bahagi ng right wing ng theatre at tama nga siya, puro babae ang nagsisigawaan sa gawing iyon. They're not squealing like some crazy fangirls, though. They are cheering for him wholeheartedly not as fans, but as supporters.

Understandable naman.

Jino Tansengco is the most flawless person that I have ever seen. Member siya ng limang organizations, tatlo sa mga iyon ay committee head siya at sa isang org naman ay chairperson din siya. The last one is more of a volunteer organization kaya naman walang hierarchy. Kumbaga, yung adviser lang talaga ng org ang humahawak sa kanila. Imagine niyo nalang kung gaano karaming events na ang na-handle niya. Ewan ko nalang kung di kayo masampal ng credentials niya.

He's a business economics major at graduating na siya next year. Magna cum laude standing pa rin siya despite his busy schedule. He is also one of the organizers of our week-long fair na kahit outsiders ay aligagang-aligagang maka-attend dahil sa bigating performers.

Credentials pa lang attractive na and I'm not even describing him yet!

Siya yung tipo ng tao na fresh pa rin kahit gaano ka-hassle at ka-haggard ang pangangampanya. Imagine, palipat-lipat sila ng buildings para mangandidato pero pagdating niya sa rooms, parang dagdag factor pa ang magic pawis niya to make him look fresher! He is tall, chinito and maputi, but! He doesn't look like a fuck boy at all! He wears his glasses sometimes and he never forgets to bring his brightest smile whenever he interacts with anyone. If friendly were a person, it would definitely look like Jino Tansengco.

And oh, na-mention ko na bang maraming food chains ang hinahandle ng pamilya niya? Yes, you read it right! Isang real life chaebol ang oppa niyo.

Above all, he's single! Kaya naman talagang napakaraming admirers ng isang 'to. Nasubaybayan ko kung pano lumago ang twitter followers niya from 800 to two thousand in just two weeks of his candidacy. More than a thousand started liking him, imagine that!

Jino Tansengco has become an instant celebrity sa university namin and everyone looks up to him and likes him.

"Bakit mukha pa rin siyang mabango?" tanong ni Ezra habang pinapakinggan namin ang sinasabi ni Jolo.

Tumawa ako. "Mabango naman kasi talaga!"

Patago kaming kumakain ng chocolate chips kahit may nakapaskil na 'No food and drinks allowed inside' sa gilid namin. It's 7 pm and lunch pa ang huling kain namin so sorry, I won't obey! Di rin naman kami makikita dahil sa stage lang may lights.

Natapos ang meeting de avance bandang alas-nuwebe. Ezra offered me a ride on her red Vios, but I refused. Out of the way kasi. One jeep away lang naman mula dito hanggang sa condo.

"Sure ka ba? Gaga ka, you're wearing a button-down skirt! Gabi na!" Ezra nagged, di pa rin umaalis sakay ng kotse niya.

"Alam mo, huwag kang OA. Isa pa, bawal mag-park sa harap ng building! Aware ka bang ang laking harang niyang sasakyan mo sa mga nasa likod na sasakyan?"

She rolled her eyes at me and brushed her hair with her fingers na kulay pula rin ang nail polish. This girl really looks like a generic kontrabida with her hair curled at its ends and her lips tinted with red.

"Fine, do what you want Laurice!" Sinara niya ang bintana ng kotse pero ibinaba ulit. "Mag-tricycle ka! Ikaw lang ang kilala kong mayaman na sobrang tipid!"

I groaned. "Shut up, Ezra! I will, okay? Now go."

Tuluyan na niyang isinara ang bintana at nag-drive palayo. Umiling ako. This girl  can be sweet at times pero medyo weird ang paraan niya para ipakita.

Naglakad ako palabas ng campus para mag-abang ng tricycle dahil iyon ang ipinangako ko sa nagger kong kaibigan. Nadaanan ko ang tarpaulin ng partido nila Jino.

He did pretty well a while ago. I bet he'll win tomorrow, baka landslide pa. Not sure about Gene Castillo though, his partner slash bestfriend who's running for Vice President. Medyo challenging 'yong kalaban e.

Nawala ang mga iniisip ko nang mag-vibrate ang phone ko. I sighed when I saw who it was. Kaiden Torres.

Kaiden: Laurice! Are you done? I'm done with my training. Should I pick you up?

Hindi ko nireplyan ang text na iyon. Paano naman nalaman ng isang 'to na gagabihin ako ng uwi? A few seconds later, nag-vibrate ulit.

Kaiden: I'm near your school. Where are you?

Hindi ko ulit dapat sasagutin pero tawag na ang sunod na dumating. If I don't answer this now, this will continue until who knows when. Isinilid ko ang ID ko sa bag at naglakad papunta sa susunod na kanto. Wala kasing tricycle dito. I couldn't turn off my phone kasi baka magsumbong siya kay Papa kaya sinagot ko na.

"Hi!" he chuckled. "I'm on my way there. Where are you exactly?"

Nagda-drive siya habang nakikipag-usap ea akin!

"Ibaba mo ang tawag, Kai. You are driving."

"Sweet mo naman! Are you worried about me now?" He sounds amused.

"No. Wag mo na akong sunduin. Malapit na ako sa bahay. Umuwi ka na sa inyo."

"You liar." Tumawa siya.

Isang kalabog ang narinig ko malapit sa akin. Tumigil ako sa paglalakad. Lumingon ako at nakita si Kaiden sa labas ng kotse niya, with his signature asshole smile.

I really hate him.

"Miss, galingan mo namang magsinungaling."

Inirapan ko siya. He approached me and grabbed my wrist. Kumawala ako.

"What now? I'm offering you a free ride!"

Bumuntong hininga ako. "Kai look, thank you for the offer, but I don't need it. Utang na loob ang lapit lang ng condo ko from here!"

"Kaya nga. Malapit ka lang—"

"I'm with someone!" I shouted.

He looked confused at dumungaw sa likuran ko para tignan kung may tao ba. Lumingon din ako at wala akong nakita bukod sa isang puting kotseng nakaparada ilang metro mula sa sasakyan niya.

"Nagsisinungaling ka na naman? Come on, tara na. Unless may kasama ka ngang hindi ko nakikita." Tumawa siya.

"I'm not lying!" Of course I am! Sobrang lame nga lang kaya lalo akong naiinis!

He grabbed my wrist again and attempted to guide me to his car pero may humawak sa braso niya at kinalas ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.

"Pare, kasama ko siya," a familiar voice said beside me.

Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko. It's Jino Tansengco. Oh my god.

Nakita ako ang inis sa mukha ni Kaiden. Gusto ko nalang siyang sapakin. We are not even close! Bakit ba niya ako kinukulit!

"Sino ka naman?" tanong ni Kai.

Sumulyap si Jino sa akin. Napalunok ako. I'm a stranger to him!

"I'm her—"

"Friend?" Kai interrupted. "Sorry bro, pero huwag kang makielam sa relasyon namin kung kaibigan ka lang."

Jino gave him a smug look. "I'm her boyfriend. What relationship are you talking about?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Why? Dahil una, hindi ko siya boyfriend. Pangalawa, hindi niya ako kilala. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SunshineWhere stories live. Discover now