Chaper 1: The Audition

32 0 0
                                    

Ano ba naman ito at ang aga aga ang traffic sa EDSA. Malalate na ako.

"Kuya wala na po bang ibang daan?" tanong ko sa driver.

"May ginagawang kalsada po sa bandang Ortigas Ma'am kaya kahit saan traffic." sagot nya.

Hay! Ano ba naman ito malalate na talaga ako.

Hindi naman na ganun kalayo at nandun na din kami sa pupunta ko. Kaya naisip ko na lakarin nalang.

Binuksan ko ang pinto at kinuha ang bag at gitara ko.

"Kuya lalakarin ko nalang mula dito. Wag mo na po akong sunduin pagkatapos baka may pupuntahan pa po ako" paalam ko sabay sara ng pinto.

Ito na at nagsimula na akong maglakad. Mali ako, pang limang kanto na ang nadaanan ko at hindi ko pa din natatanaw ang A&M Building.

Pang anim...

Pito..

Walo...

Ayan na natatanaw ko na. Sa wakas. Nang biglang.

"ARAY!" napasigaw ako sa sakit ng pagkabangga sa akin. Napaupo ako..

Naku! Ang gitara ko.

Una kong chineck ang gitara ko kaysa sa sarili.

Ito kasi ang pinakaimportante sa akin.

Buti nalang at walang sira.

"Are you okay?" sabi ng lalaking nakabangga sa akin.

Pagkatingin ko sa nagsalita nakita ko ang pag aalala sa mata nya.

"I'm okay." sagot ko sa kanya.

Inabot nya ang kamay ko at itininayo nya ako sa pagkaupo ko. Pinagpag ko ang mga duming kumapit sa katawan at damit ko.

"Sorry, I don't mean to dump on you. But are you sure your fine?" sabi nya habang ineexamine ang katawan ko kung may galos o kung ano man ang nangyari sa akin.

Bigla nalang kumirot ung left hand ko nang hawakan nya.

"I think you’re not okay. I'll bring you to the hospital." yaya nya sa akin.

Naaptingin ako sa oras. At nako! 15 minutes nalang mag uumpisa na.

"I'm okay. I need to get going. Thank you and sorry." paalam ko sabay takbo. Hindi ko na ininda ung sakit ng kamay ko.

Ito na, andito na ako. Hay naman. Ang malas ko ang damimg tao. Nasa dulo na ata ako ng mga gustong mag audition.

Mag au-audition pala ako para sa lead vocals ng The Infinite. Sikat sila at nangangailangan sila ng female lead vocal para naman daw gumanda ang grupo nila at magkaroon ng bagong twist ang bago nilang album.

Syempre dahil dun andaming aspiring singers na sasali at mag auaudition.

"Sigurado ako na ang makukuha. Sa galing kong ito." sabi ng babaeng nasa harapan ko.

"Aww!" sumakit bigla ang kamay ko.

Naku! Pano ito. Sinubukan kong igalaw galaw. At salamat nawawala wala din ung sakit.

Binuksan ko ang bag ng gitara ko at inilabas ito.

Sinubukan kong tumugtog.

Ayan. Buti nalang hindi ganun kagrabe ang pagkabagsak ko kanina kaya kaya pang mag gitara.

...

Isa isa nang nagsisipasukan ang mga mag au-audition.

...

No PrincessWhere stories live. Discover now