Chapter 1: Playing Cupids

12 1 0
                                    



“What the fuck did you say?”

Namutla ang kanyang sekretarya sa sinabi nito.

“A-ahm S-sir, hindi po nakarating yung model sa photo shoot. Tinawagan na po namin siya kaya lang di daw po niya kayang tumayo dahil sa sobrang kalasingan kaya na-cancel po ang photo shoot.” Takot na paliwanag nito.

Muli nanamang uminit ang ulo niya. “Then get another one! San ba kasi ninyo pinulot ang model na yon? I want to slash her in our list! What an incompetent! And make sure na wala ng kukuhang kumpanya sa kanya!” Galit na sigaw nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

“Joseph, its Troy. I’m so sorry for the inconvenience at the photo shoot today. I hope we are still in business.”

Tumawa lang ang kausap. “No problem, sanay na ako sa mga ganitong eksena. We can still continue this session next week if you want.”

“Thank you for understanding.”

“You’re welcome. Just make sure yung kukunin ninyong model nasa tamang pag-iisip.” At tumawa ulit ito.

“Yep.  Anyway, thanks again. Bye.”

Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang kaibigan slash photographer ay dumiretso na siya kaagad sa kanyang opisina. Umupo muna siya at bahagyang ipinikit ang mga mata.

Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Kailangan nilang mai-launch ang bago nilang produkto dahil ang mga ibang competitors nila ay sadyang tuso. Nalaman kasi nilang may nanggaya sa kanilang gadgets at kailangan na nilang mailaunch ang mga ito para masabing sila pa din ang may original concept at hindi ginaya sa iba.

Mataman siyang nag-iisip ng may kumatok.

“Come in.” Walang buhay niyang sagot. Feeling niya ay nadrained lahat ng energy niya ngayong araw.

“Sir, nakakuha na po kami ng bagong model. Sa BOLT agency po kami kumuha. Yhe next day ay darating na po ang model from London.” Pahayag ng kanyang sekretarya.

“Just make sure na hindi na kayo papalpak sa model na ito. If this happens again, sisesantihin ko kayong lahat.” Babala nito sa knayng sekretarya.

“Y-yes sir.”

“Now get out.”

Agad na nagpaalam ang kanyang sekretarya. Pamaya maya ay tumayo na siya, kimuha ang coat na nakasabit sa kanyang upuan. He needs a drink. Kelangan niya munang magrelax para may lakas siyang sumabak sa stress para bukas.




London

“HELL NO WAY!”

Isang nakakabinging sigaw ni Georgia sa kanyang handler. Pinatawag siya ni Shane ang bakla niyang handler slash manager dahil meron daw silang mahalagang project. Agad naman siyang pumunta sa opisina nito. Ang akala niya ay isang malaking project ang ibibigay sa kanya pero isang malaki pagsubok pala ang naghihintay sa kanya.

“How many time that I told you to consult me first regarding with the offers since I’m the model here and you should consider my opinions regarding about it.”

“Yes, I know that sweetheart, you are from the Philippines so I though you want to have a project in that country. I though you will be happy so I accept the project for you.” naka ngiting sabi sa kanya ni Shane hindi alintana ang inis na mukha niya para dito.

Padabog niyang sinabit ang kanyang Gucci winter coat. Nakasimangot siyang kinuha ang kontrata para basahin ang nasa loob nito. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang malaman kung saang kumpanya siya magtatrabaho.

“Bloody hell.” Wika na lang niya.

Tuwang tuwa naming lumapit sa kanya ni Shane na di pinansin ang gulat sa kanyang mata.

“Hell yes, darling. As you can see, Tech Company owned by Montesano  is known worldwide in terms of gadgets and innovated technologies so I grab the opportunity and not just that—this contact worth million dollars so what do you think?” nakangiting sabi nito.

“What do you think? Tinatanong mo ako kung ano ang naiisip ko ngayon? Gusto na kitang patayin alam mo ba yon?!” Galit na sigaw nito.

“Errr—English please, you know I don’t understand your alien language. Duh?” maartend sabi nito kay Georgia.

“I said I want to kill you right now! Oh my god, Shane! I want you to terminate the contract right now!”

“Oh no, honey. I’m sorry but I already signed the contract and if you want to terminate it we will have to pay them fifty million dollars.”

“Need to pay what? Fifty million dollars?!” Punyeta! Saan naman kaya ako kukuha ng ganon kalaking halaga. Bulong na lang niya sa kanyang sarili. Nag-iisip na siya kung saan siya uutang ng ganon kalaki ng pera. Kung tutuusin ay may pera naman siya pero ayaw niyang gumastos ng malaki dahil may pinag-iipunan siya at hindi dapat masayang ultimo sentimo na kinikita niya.

Napabuntong hininga nalang siya. “How much will I get to this project?”

“Forty million dollars, my dear. But no worries, I don’t want to have a share.” Nakangiting wika sa kanya. ,Ito ang gusto niya kay Shane, hindi ito swapang tulad ng ibang handlers. Kung tutuusin ay halos wala nan gang kinikita ang bakla sa kanya pero gusto pa rin siyang imanage. They were friends since college. Nakilala niya ito sa school sa London kung saan siya grumadweyt. Istudyante pa lang siya nuon at inalok siya kung gusto niyang magmodel and the rest is history.

“Okay, I will do this project but please next time please consult me first okay?”

“Yes, honey. I will.” Nakangiting sabi nito.

Humalik muna si Georgia sa pisngi ni Shane bago umalis. Kelangan niya ng maramong tulog at pahinga dahil sa nakikita niya ay sasabak siya sa malaking gera.

Nagmamaneho siya pero wala sa kalye ang isip niya. Malaki ang tyansang magkita silang dalawa ni Troy.  The first guy in her life. Ang tao na ayaw na niyang makita sa tanang buhay niya. Pero mapaglaro talaga ang tadhana, kung sino pa yung taong iniiwasan mo ay siya pa ang makakatrabaho mo. Minsan di na nga niya alam kung siya talaga ang paboritong paglaruan ng tadhana eh. But one thing is for sure at sinisigurado niya sa sarili na hindi na siya ang dating Georgia noon.





A/N: Pagkatapos ng mahabang paghihintay, ito na nga mga besh! Ngayon lang kasi ako nagkaron ng time pero sana keep supporting guys!
Ang ineeeeeeeeeeeeet!

Rekindled Love (MC Book 2)Where stories live. Discover now