Chapter 2

6.6K 94 3
                                    

CHAPTER TWO

 

NAPALINGON sa kanya ang bawat madaanan niya sa kanilang opisina kinabukasan ng pumasok na siya. Nagulat ang mga ito sa pinagbago ng pananamit niya. Mula conservative ay naging revealing na ito. She wears a plain white blouse na manipis ang tela na sinapawan niya ng black coat. Sa ilalim naman ng white blouse niyang iyon ay nagsuot siya ng push-up bra na siyang lalong nagpapalusog sa kanyang hinaharap na halos lumuwa na sa kanyang blouse. Tinernuhan naman niya ng itim na mini-skirt kaya formal pa rin siyang tingnan. Lalo siyang tumangkad sa suot niyang high-heels na mula 5'6" ay nagmukha siyang 5'8". Kaya lalong na-emphasize ang kanyang mahahaba at makinis na legs.

            Agad siyang sinalubong ni Maureen na katabi niya ng cubicle. Namangha ito sa bago niyang ayos.

            "Wow ter, ano bang nakain mo at nag-change image ka?" tanong nito sa kanya habang paikot-ikot ito sa kanya na sinipat-sipat ang bawat anggulo ng katawan niya.

            "Hey! Tumigil ka nga sa kakaikot d'yan at ako'y nahihilo sa'yo," saway niya rito.

            "Kaw talaga! I'm just wondering, kung bakit biglang nagbago ka ng pananamit. Pero infairness, ang ganda mo , te."

            "Infairness, matagal ko nang alam na maganda ako," ismid niya rito. "Wala, naisip ko lang 'yung sinabi mo sa akin noon na mag-change image na ako. 'Yung manang image ko kasi noon ang naisip kong dahilan kung bakit walang lalaking magkagusto sa akin."

            "Tama!" anito na ginaya pa ang boses ng sikat na DJ. "'Yun naman pala, eh. Siguro kinukulit ka na naman ng nanay mo na maghanap na ng boyfriend, ano?"

            "Oo nga, eh. Alam ko may punto din siya na medyo tumatanda na ako. Natakot tuloy ako na baka magaya ako sa mga tiya ko sa probinsiya na OM na," anang niya na bahagyang lumungkot ang mukha.

            "Anong OM?"

            "Old Maid! Para ka namang hindi sanay sa mga salitang bakla."

"O siya! 'Wag ka nang magdrama d'yan at hindi bagay sa'yo. Tingnan mo 'yung mga lalaki sa kabilang grupo kanina pa tingin ng tingin sa'yo," sabi nito na ang tinutukoy ay ang mga lalaki na may hawak ng ibang accounts sa call center nila.

Pinandilatan niya ang mga ito at nagsipagtawanan ang mga iyon. Napansin niya si Dexter na nasa isang sulok lang tahimik at nakatuon ang mga nito sa computer.

Wala yatang effect ang drama mo ngayon Twinkle, sa isip niya.

Itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa kanyang computer at handa na siyang tumanggap ng mga tawag.

ALAS-DOSE ng madaling araw ay break nila. Kaya pumunta siya ng banyo para umihi dahil kanina pa siya ihing-ihi. Napadaan siya sa CR ng mga lalaki. May narinig siyang umuungol mula doon. Na-curious siya kung ano iyon kaya sinilip siya. Halos masuka siya sa kanyang nakita. Nakita niyang nakaluhod si Dexter sa harapan ng kaopisina nilang lalaki. Nakababa ang pantalon ng lalaki habang nandun naman sa harapan nito si Dexter na paatras-pasulong ang ulo nito sa harapan ng lalaki. Napatakbo siya sa CR ng mga babae at doon sumuka.

            Ngayon ay nalaman na niya ang dahilan kung bakit hindi siya magustuhan ni Dexter. Pareho pala sila ng gusto nito. Lalaki. Bakla ito. At hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita na ginagawa sa kasamahan nila.

            Agad siyang naghilamos matapos siyang sumuka doon. Now, tapos na ang kanyang pagpapantasya kay Dexter. Hindi pala sila talo nito. Wala pala sa kanya ang deperensya kundi nasa kay Dexter.

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon