chaper 6

26 1 0
                                    


Chapter 6

Ngayong araw ang kapistahan sa aming Barangay. Isang araw na pinaghahandaan ng halos lahat ng tao sa aming lugar. Halos lahat ng bahay ay may mga nilutong iba't ibang putahe ng pagkain na ihahain sa mga bisita.

Sa aming bahay, umaga pa lamang ay abala na si nanay sa  paghahanda ng pagkain. Just in case na may dumating kami na bisita. Ilang putahe ng ulam ang kanyang niluto at para sa dessert, lecheflan naman ang kanyang ginawa. Simple lang kung tutuusin ngunit mabuti ang meron kesa totally wala.

Mga bandang tanghali, may mga ilan naman na bisita ang dumating. Mostly ay kumpare at kumare ng aking mga magulang na galing sa karatig bayan. Ang ilan naman ay kaklase ng mga nakababata kong kapatid. Naging abala kami sa pag aasikaso sa mga iyon.

Mabilis na lumipas ang oras at kailangan ko naman na mag-prepare para sa ibang bagay ---- ang sagala.

Sa gabing ito iyon gaganapin. Medyo may kaba akong nararamdaman dahil ito ang unang beses na lalahok ako sa ganitong ganap. Kahit na hindi naman ito isang beauty pageant o kung ano pa man, hindi ko pa din mapigilan na maging uneasy. Isa din kasi ito sa mga anticipated event sa araw ng pista. Marami ang mga taong manonood at siyempre, they're expecting nothing but the best.

Gaya nga ng ipinangako sa akin ng tagangasiwa ng Flores De Mayo na si ate Carol, wala na nga akong ibang inalala kung hindi ang magpaganda.

Pinakiusapan ni nanay ang kanyang kaibigan na bakla para ako ay ayusan. Mabuti na lamang at pumayag. Wala naman daw siyang tanggap na trabaho ngayong araw kaya okay lang.

Kumpleto siya sa mga gamit pang ayos, simula sa mga pampahid sa mukha hanggang sa iba't ibang klase ng pang ayos n buhok. Ang galing!

Simimulan na niya akong ayusan. Inayos niya ang aking kilay dahil ayon sa kaniya, kailangan daw 'yon para matulungan na ma-define ang aking mga mata. Tiwala naman ako sa kanya. Konting foundation lang ang inilagay nya sa akin. Makinis naman daw ang mukha ko kaya no need for much concealer. Light make up lang ang kanyang ipinahid, pinili niya ang kulay na magko-complement sa kulay ng aking gown. Iniayos ng updo ang aking buhok. Naalala ko tuloy ang ayos ng buhok ni Taylor Swift sa isa MV ng sumikat niyang kanta noon. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa habang ako ay mine-makeup-an. Sa huli, inilagay na niya ang maliit na tiara sa aking ulo bilang accesory na din.

Isang napakagandang off white lacy long gown na may gold na laylayan ang aking isusuot. Sayad hanggang lupa ang haba niyo. Napaka eleganteng tignan. Hapit ito sa aking katawan revealing my slim yet shapely body. Aakalain mo talagang ipinasadya iyon para lamang sa akin. Kulay white din ang aking sapatos na may kulay gold na takong.

Nang matapos ang lahat, pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nagpaikot-ikot ako sa harap nito. Feel na feel ko ang kabuuang kinalabasan ng halos isang oras na makeover.

Wow! Ako ba talaga ito? Parang ang ganda ko...

"Nako, hija. Ang ganda ganda mo! Bagay na bagay ka talagang maging Reyna Elena..." Sabi ng baklang nag ayos sa akin.

Manghang-mangha ako sa itsura ko. Iba talaga ang nagagawa ng make-up. Akalain mo 'yon?! Muntik ko ng hindi makilala ang sarili ko. Very satisfied ako sa nakikita ko ngayon.

Maging si nanay ay nagalak sa nakikita niyag itsura ko ngayon. Sabi n'ya ang ganda ko daw at bagay daw sa akin ang suot at ayos ko. Nakakataba tuloy ng puso...

Inihatid ako sa pagsisimulan ng parada. Makukulay na floats ang mga nandoon. Nakahanda na din ang mga bagay na gagamitin. Everything's set and it's perfect!

As expected, madami ng tao ang nag-aabang. Nandito na din ang iba pang kalahok sa sagala. Halos lahat ay magaganda at gwapo naman ang kanilang mga consorte. Mas lalo akong natuwa dahil hindi ako iwan sa mga ayos ay gayak nila.  Halos kompleto na ang mga kalahok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Babysitting the BADBOY!Where stories live. Discover now