chapter 5

18 1 0
                                    


Chapter 5

After ng paghihiwalay namin ng landas ni antipatiko, agad kong hinanap si Kinah. Maingat ang aking bawat kilos. Medyo paranoid pa akong mag ikot at baka makasalubong ko ang mga MIB.  

"Pssst.... Kinah!" Mahina kong tawag ng mamataan ko s'ya. Mabuti na lamang at hindi s'ya lumayo doon sa pwesto namin kanina bago ako nahatak ng antipatiko.

Dali dali s'yang lumapit sa'kin. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Oh.... sa'n ka ba nanggaling? Sino 'yung lalaki na bigla nalang humatak sa'yo kanina? Boyfriend mo? Gwapo ah! Hmmmpp.. 'di mo man lang sinabi sa'kin na may katagpo ka dito! Hindi ko tuloy napanood ang artista!" Dire-diretsong putak niya.

"Teka teka! Ang dami mo naman tanong at sinasabi. Isa isa lang. Okay? .... Hindi ko boyfriend ang isang 'yon. Kung boyfriend ko 'yon malamang kilala mo." Paliwanag ko.

"Oo nga noh?! Talino mo talaga, bes." Sabi nya.

"Eh bakit ka n'ya pala hinila kung gayon?"

Nagpalinga linga ako sa paligid to make sure na walang MIB na nakasunod sa'kin. Hinatak ko s'ya sa medyo tagong part habang mabilis kong ginala ang aking mga mata.

"Wala din talaga ako idea. Pangalawang pagkakataon ko pa lang nakita ang lalaki na 'yon dito. Yung una ay noong muntik na niya akong masagasaan."

"Ano?! Kagulo naman ng sinasabi mo. 'Di ko ma-gets!"

"Umuwi na muna tayo. Hindi ako safe dito. Baka pati ikaw madamay din. Iku-kwento ko sa'yo sa susunod." sabi ko.

"Sige" pagpayag niya.

Palabas na kami ng plaza ng makita ko si antipatiko. Hawak sa magkabilang kamay ng dalawang MIB. Nakasunod naman ang iba pa.

"Fuck! Get your filthy hands off me!" Sigaw niya.

"H'wag ka ng magpumiglas. Sumama ka na lang." Sagot ng isang MIB.

"Pag ako nakawala. Lagot kayo lahat sa'kin." Mariin at may pagbabanta'ng sabi ni antipatiko.

Cool pa din kahit nasakote na. Hanep...

Wala ng sagot mula sa mga MIB. Sa halip ay pilit na isinakay na lang si antipatiko sa kulay itim na kotse.

Seriously?! What's with the black?!

Bago pa ako makapag-isip ng tama. Tumakbo ako papunta kay antipatiko at sa mga MIB. Habang si Kinah naman ay parang itinulos sa kanyang pwesto.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang para gawin iyon.

"Hoy mga lalaking itim! Sino ba kayo at bakit ninyo pinipilit na isakay ang isang 'yan?! Kidnapping 'yan ah?! Tatawag ako ng pulis." tapang tapangan na sita ko.

Tumingin sa akin ang mga MIB. Nanlamig ako bigla. Maharas akong napalunok. Nadoble ang kurap ng aking mga mata. Takot man ako'y pinilit kong hindi ipahalata. Sa halip, taas noo akong tumingin sa kanila.

"Brad... 'yan yung babaeng kasama kanina. Isasakay din ba natin?" Tanong nung isa.

Animo'y nag-isip ang tumatayong leader ng grupo. S'ya din ang may hawak sa kanang braso ni antipatiko.

Shit naman kasi Nikka. Ligtas ka na nga eh, umepal ka pa.

Nang akmang kikilos na ang ibang MIB para dakpin ako...

"She has nothing to do with me. Leave her alone. Sasama na ako." Bored na sabi ni antipatiko.

"Okay." Sabi ng MIB.

Bago isakay si antipatiko...

"Oi babaeng pangit. Hindi ako magpapasalamat sa ginawa mo. Pero dahil kawawa ka naman kung mag-aalala ka... don't worry I'll be fine." Sabi nya sabay kindat.

Wow! Speechless ako. The nerve!

Nakaalis na't lahat ang itim na kotse at tulala pa din ako.

Biglang tumakbo sa akin si Kinah. Saka lang ako nakakilos.

"Okay ka lang? Sabi n'ya.

"O-oo." alanganing sagot ko.

"Grabe! Nakakatakot ang mga iyon."

Napatango na lang ako. Totoo naman na nakakatakot...

"Ano ka ba naman! Bakit ka pa nakialam? Buti na lang at hindi ka napahamak. Sa uli uli 'wag ka ng makikialam sa mga gano'ng bagay! Baka d'yan ka pa ma-dedo!!!"

Napabuntong hininga ako. Tama naman s'ya. Kaya lang 'di kasi matiis ng konsensya ko.

Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Lutang pa din ang isip ko sa nangyari. Medyo kinikilabutan pa din ako pag naiisip ko 'yon.

Ano na kayang nangyari kay antipatiko? Baka nakatay na? Shocks! Buti na lang at hindi ako tuluyang nadamay.

Araw araw ay pasimple kong pinakikibalitaan kung may balita ba na lumutang na bangkay sa ilog o kaya naman ay itinapon sa sabana ngunit wala naman akong makuhang impormasyon.

Hindi ko din maiwasan na mag-alala kahit papa'no tao pa din naman ang isang 'yon kahit pa nga asal hayop....

Babysitting the BADBOY!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz