"S-salamat," he whispered. I nodded and smiled at him, pinunasan naman niya ang mukha niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.

Namumula ang kanyang leeg at tainga dahil sa pag-iyak. His eyes and nose were still puffy from crying.

"R-Reah..." tawag niya pagkaraan

"Bakit?" tanong ko. He sighed again at inabot niya ang kamay ko. I stared at our intertwined hands at nagitla ako nang bigla siyang sumandal sa balikat ko.

"I-I don't know what to do," mahinang sabi niya. "P-please, give me strength." Hinaplos ko ang buhok niya at 'di ko alam kung paano ko nakuha ang lakas at hinalikan ang ulo niya.

"Everything will be fine, Dash," I assured him. "Malalagpasan n'yo 'to, you can do this." I motivated him.

Umalis naman siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko bago sumulyap sa akin. He smiled a little when our eyes met, hinawakan niya pang maigi ang kamay ko at marahang tumango.

"O-okay," he gently answered me.

"H'wag ka nang iiyak, huh?" pagkausap ko sa kanya. Marahang hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi ka na gwapo niyan." Pagbibiro ko pa para gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.

That made him laugh, mahina lang at pagkatapos ay nailing at bahagyang tumungo.

"S-should I call Kuya?" tanong niya.

"You should..."

"P-pero paano kapag hindi si Zid—"

I cut him off. "You should call Kuya. Kahit anong mangyari, you should tell him..."

He sighed and nodded. I saw him fish his phone out of his pocket before looking at me.

"Go," I encouraged him. Mariing napapikit muna siya bago huminga ng malalim at nag-dial ng telepono niya.

He placed his phone on his ear at inantay ang pagsagot sa kabilang linya. It's past eleven in the evening kaya hindi ako sigurado kung sasagutin pa ni Kuya ang tawag.

"K-Kuya?" He started. Umayos siya ng upo at nakinig sa sinasabi ng kapatid sa kabilang linya.

"K-Kuya, call Zeij," aniya.

Lumingon siya sa akin nang tumayo ako at umiling lang ako sa kanya ng akmang tatayo rin siya.

"I'll go get you a coffee." Mahinang sabi ko. Napatango naman siya at napabalik ng upo sa bench.

"K-Kuya si Zid," narinig kong sabi ni Dash sa kapatid. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong mahigpit na ang hawak niya sa kanyang phone.

Saglit akong sumulyap sa kanya bago tumalikod para pumunta ng banyo. I fixed myself first pagkatapos ay nagpahinga muna.

Naka-school uniform pa rin pala ako, mabuti na lang din at linggo bukas kaya wala akong klase at masasamahan ko si Dash dito at kailangang-kailangan niya ng karamay.

I am not sure kung makakapunta sina Kuya dito pero pakiramdam ko naman ay oo.

Hindi muna ako kaagad bumalik kay Dash para makausap niya ng maayos sina Kuya. He needed the space to tell his brother anything.

Halos fifteen minutes akong nanatiling nagpapahinga roon bago ko napagdesisyunang bumalik na kay Dash, I went to the canteen first to buy some coffee for him.

Naglakad ako pabalik sa pwesto namin kanina. Mula sa malayo ay kita kong nakatayo siya at nakasandal sa pader.

Kagaya kanina ay tulala pa rin siya. Napabuntonghininga ako sa itsura niya at naglakad pa palapit sa kanya. I was about to call him when a woman's voice stopped me.

Blind LoveWhere stories live. Discover now