Scene 06
(no script; just actions and expressions; singing of Ibong Adarna) Page 33-34

Scene 07:
Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papano ang aking mga kapatid?
Ermitanyo: Heto ang banga. Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato upang bumalik bilang tao ang mga ito.

Scene 08:
Diego: Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!
Pedro: Nasaan na ang Adarna, Juan? Nagtagumapay ka ba sa paghuli sa kanya kaya’t hindi kami ngayon bato? Tayo na’t humayo papuntang Berbanya upang mabigyan lunas ang amang hari.
Ermitanyo: Ginoong Juan, kunin mo itong hawla at ang adarna at kayo’y magmadali at baka kung napano na inyong amang hari.
Juan: Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong mararapatin ay bendisyon ninyo ay hihingin sa aking pag-alis.
Ermitanyo: Ngunit ako’y hamak na ermitanyo lamang.
Juan: Utang namin sa inyo ang aming buhay.
Ermitanyo” Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking benibendisyunan na maging mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik sa Berbanya.

Scene 09
Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Juan.
Diego: Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka naging bata na tayo habambuhay.
Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalaman niyang si Juan ang nag-iisang nakahuli ng ibong Adarna at tayong nakakatanda ay nabigo? Mag-isip ka Diego, kahihiyan ito na kakalat sa buong kaharian.
Diego: Ayokong mapahiya.
Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin si Don Juan upang hindi na siya makatuntong pa sa Berbanya!
Diego: O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagawang patayin ang sarili kong kapatid. Dugo at laman, tayo’y magkaparehas. Tayo ay magkakapatid.
Pedro: Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo akong pipigilan at baka pati ikaw ay isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ika’y manahimik sa nakita!
(*insert fight scene here)

Scene 10:
Pedro: Kami’y nakabalik na at dala namin ang Ibong Adarna.
Reyna: Maligayang pagbabalik!
Hari: Nasaan ang aking bunsong si Juan? Nasaan si Juan?!
Reyna: Aking mahal, ika’y huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala.
Ito nga ba ang Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi ng manggagamot, ito ay mayroong pitong balahibong likha n engkanto.
Pedro: Inang Reyna, ito nga po ang Ibong Adarna.
Hari: Bakit parang nagdurusa ang Ibong Adarna? Kung tutuusin ay mukha pa itong maysakit kaysa sa akin. Kung ang ibong ito ay ganyan din lamang ay tiyak at lalo kong kamatayan.

Scene 11:
Don Juan: Inang birhen, ako po’y nananalangin. Ngayon pong ramdam ko na ang malapit kong kamatayan, ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng pakiramdam ng aking ama. Sana’y siya ay mabuhay pa ng mahaba at maligaya. Siguro po ay naging mabuti naman ako, hindi man sa pagsusumbat ngunit ang kabutihan ng kalagayan ng aking mga magulang ay ang aking tanging hiling. At sana po’y patawarin ng Diyos ang aking mga kapatid na siyang nagtaksil. Ah, kay ganda ng langit. Bituin ay maririkit. O, Inang mapagmahal, kung ako ngayo’y iyong makikita, tangis at paghihinagpis ang tiyak mong madarama dahil ang aking katawan at bugbog na at puno ng sugat at pasa. May pag-asa pa kaya akong ika’y makita? Sino ang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng iyong bunsong anak na anak mo rin ang may gawa? Aking amang magiliw sa anak, kumusta na ang iyong kalagayan? Dalangin ko kay Bathala na ika’y gumaling na at sana’y madatnan kitang masayang-masaya na. Nariyan na ang Ibong Adarna. Kahit hindi man ako ang may dala ay sana ika’y nasa ayos na.
Matanda: O, Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari sa inyo, Ginoo? Ang inyong kalagayan ay mukhang kalunos-lunos. Halika’t ika’y aking gagamutin. O, Prinsipe. Konting tiis na lamang at ginhawa ay iyong mararamdaman.
Juan: Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat po. Sinagip niyo ang aking buhay na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang maaari kong gawin upang mabayaran ang kabutihang inyong nagawa.
Matanda: Ang layon ng kawanggawa ay hindi nangangailangan ng kabayaran. Ika’y aking tinulungan sapagkat tiyak ako’y iginayak dito ng Diyos upang ika’y matagpuan. Hala, humayo ka na at ang Berbanya sa’yo ay naghihintay na.
Juan: Salamat. Kayo po sana ay ipagpala.

Ang Alamat Ng Ibong AdarnaWhere stories live. Discover now