Scripts

12.1K 40 16
                                    

Ibong Adarna Script
Tauhan: Fernando, Valeriana, Pedro, Diego, Juan, Matanda, Manggagamot, Ermitanyo, Ibong Adarna, Juana, Higante, Leonora, Serpyente, Agila, Maria, Salermo, Negrito, Negrita,

Scene 01:
Reyna: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?
Mangagamot: Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na kondisyon na ang sakit ng hari.
Reyna: Bakit? Ano ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?
Mangagamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya kalungkutan at pag-aalala.
Reyna: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?
Mangagamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ang awit ng isang mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukan ng Tabor.
Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagkukusa ko pong hinihingi ang inyong bendisyon upang ako’y payagang maglakbay, hanapin at dalhin sa Ibong Adarna sa inyong tabi.

Scene 02:
Reyna: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita sa aking panganay na si Pedro. Ako at ang inyong amang hari ay lubusang nag-aalala sa kung anumang pwede niyang sinapit.
Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susundan ko’t hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarnang kailangan ninyo.

Scene 03:
Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako po’y pahintulutan ninyong sumunod at hanapin ang Ibong Adarna na siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.
Hari: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at tiyak kong ikakamatay.
Juan: Ngunit, amang hari, kahit po ako’y pigilan, kahit anong mangyayi ako’y aalis pa rin upang hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.
Hari: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.
Juan: Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.

Scene 04:
Matanda: Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakain. Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.
Juan: Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay. Ito po at tanggapin ninyo at ako’y busog pa naman.
Matanda: Salamat. Salamat. Maraming salamat, Ginoo. Sana’y ikaw ay ipagpala. Kung hindi man ninyo mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa inyong paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.
Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. Ang sabi ng manggagamot n gaming kahariang Berbanya, tanging ang awitin ng ibong Adarna ang makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang hari.
Matanda: Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan. Kaya, ngayon ang bilin ko ay itanim sa inyong puso. Tandaan mo, mag-ingat ka upang ika’y hindi maging bato. Sa pook na natatanaw mo ay maroon kang punong madadatnan na tiyak na kawili-wiling tingnan ngunit huwag ka doong tumigil. Sa ibaba noon ay bahay ng isang ermitanyo na mayaman sa kaalaman tungkol sa Adarna. Itong limos mong tinapay ay dalhin mo na dahil mas kakailanganin mo iyan sa iyong malayong paroroonan kaysa sa akin.
Juan: Hindi ko po matatanggap ang tinapay. Naibigay ko nap o iyan at ang bawiin pa ay hindi ko magagawa.
Matanda: Salamat, Ginoo.

Scene 05:
Ermitanyo: Ano ba’t mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang sadya mo, Ginoo?
Juan: Ang pangalan ko po ay Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw at hirap sa aking paglalakbay upang makamit ang matamis na awitin ng Adarna na siyang lunas sa sakit ng aking ama. Ikinababahala ng aking kalooban nab aka ikamatay ng aking ama ang sakit nito kapag hindi agarang malunasan. Kaya ngayon po ay humihingi sa inyo ng pangaral tungkol sa ibong aking sadya.
Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ika’y makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay may kahiwagaang taglay kaya’t hindi pa ito nadadakip ninuman. Naninirahan ito sa isang punong-kahoy na makinang na kung tawagin ay Piedras Platas. Tuwing hatinggabi dumadating at namamahinga ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa iba’t ibang lugar. Bago ito tuluyang maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin. Kapag narinig mo itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at dalhin mo ang labaha’t pitong dayap. Sa bawat awit nito, ang iyong palad ay hiwaan at agad mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng pitong awitin, ang Adarna ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan upang ika’y hind imaging bato tulad ng ibang mga sumubok bihagin ang ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik na’t lumalalim na ang gabi.
Juan: Salamat sa inyong bigay na labaha’t pitong dayap gayundin sa inyong babala. Tiyak na sa pagbabalik, Ibong Adarna ay akin nang nahuli.

Ang Alamat Ng Ibong AdarnaWhere stories live. Discover now