CHAPTER 1

5.8K 164 5
                                    

SA Kasalukuyan...

"Serafina! Tanghali na, Hija. Mahuhuli ka na sa klase mo. Ngayon pa naman ang first day mo," tawag ni Cornelia sa pamangkin.

"Nariyan na po, Tita Cory," sagot ni Fin sa tiyahin sabay sungaw sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

Naku, baka mahuli na ako. Nagkumahog sa pagbibihis, nag-ayos, dinampot ang bag saka lumabas ng kwarto. Unang araw niya ngayon sa bagong eskwelahan dito sa Barrio Manibay. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na silang nagpalipat-lipat ng bahay at ilang ulit na ring nag-transfer ng school. Hindi niya rin alam kung paano nakukumbinsi ng mga tiyahin niya na tanggapin siya sa gitna ng school year ng lahat ng school na nilipatan niya. September na, pero tinanggap pa rin siya sa Alcantara High University. Isang private school sa Barrio Manibay sa dulong bahagi ng San Isidro.

Pang-fourth year na ni Fin sa Junior High ngayon, grade 10, pero naka-anim o pito na yata siyang school sa loob lang ng dalawang taon. 'Di na niya talaga mabilang.

Lumipat sila matapos magkagulo sa isang museum sa Antipolo na pinuntahan nila noong nag-tour sila na ni-require sa school. Iyong isang estatwang lalake na nakahubad ay bigla na lang gumalaw sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang naalala lang ni Fin ay tinitingnan niya iyong estatwa na iyon, "Magtakip ka nga ng kuwan mo!" pabiro niyang sabi sa estatwa.

Pagtalikod ni Fin ay may kumaluskos sa likuran niya na tila nagpatili sa mga estudyante. Gumalaw ang estatwa at tinakpan ng dalawang kamay ang harap nito. 'Di malaman ni Fin kung paano iyon nangyari pero sa sobrang takot niya ay kumaripas siya ng takbo palayo. Ikinuwento niya iyon sa Tita Cornelia niya pag-uwi sa bahay. Napansin ni Fin na ang takot na rumehistro sa mukha nito pero ipinagwalang-bahala na lamang niya dahil kahit siya ay natakot din. Kinabukasan ay bigla na lamang nitong dineklara na lilipat na sila ng tirahan. Ilang beses nang naulit na may weirdong pangyayari mula noon kaya hanggang ngayon ay palipat-lipat na sila sila ng tirahan.

"Nasaan na po pala si Tita Nitz?" tanong ni Fin habang sumusubo ng hotdog. "Naro'n at nasa herbal store natin. Ngayon ang opening."

"Si Franz?" Anak ng Tita Cory niya at matanda lang siya ng walong buwan. Ang Tito Ed naman niya na asawa ng Tita Cory niya ay nasa business trip daw.

"Nauna na sa'yong pumasok sa school. Excited makita ang bago nyong papasukan. Hala sige na at bilisan mo na diyan. Ihahatid kita sa school."

"Okay po. Tara na, Tita."


"MAIWAN na kita dito, ha," habilin ni Tita Cornelia. Binuksan ni Fin ang pintuan ng kotse upang bumaba. "Sabihin mo sa akin 'pag nagkaroon ka ng problema, tulad noong mga nangyari noon."

"Tita, wala naman po sigurong multo dito. 'Di naman siguro susunod dito ang estatwa na 'yon." Natatawang sabi ni Fin.

"Ah basta, sabihan mo agad ako 'pag may nangyaring 'di maganda, okay?" Pangungulit ni Cornelia. "Okay po." Sabay halik sa pisngi ng tiyahin.

Malaki at malawak ang school. May limang building na tanaw mula sa gate, nakapalibot ito sa buong campus. Isa sa gitna na mayroong malaking orasan sa bandang taas na bahagi at tig-dalawang building sa magkabilang bahagi ng campus. Mukhang bagong renovate pa. Ang gitna ng campus ay may malaking fountain at mini-garden. May pathways papuntang main building sa magkabilang gilid ng fountain na napapaligiran ng mga puno. May parking space sa kaliwang gilid ng campus katabi ng pinakabagong building. May mangilan-ngilang pumapasok doon na naka-civilian. Mukhang mga college na sila.

Naglalakad si Fin sa campus ground papunta sa main building nang mapansin niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Nahihiya siya kapag tinitingnan siya ng gano'n kaya 'di na lamang niya pinansin at naglakad na lamang ng mabilis.

Wiccan: Unleash The Power (Published - MWI)Where stories live. Discover now