Chapter 13: That Kiss

216 3 1
                                    

"But before we start this romantic celebration, let us first welcome the one of the shareholders of this university since andito naman siya ipapakilala ko na siya sa inyo guys, again let's welcome Mr. Alexander Grey!"

Alex proudly welcomed himself as he stood up and waved at everyone. Hindi lang naman sila ang nabigla, ako rin naman. Taimtin siyang naglakad patungo sa entablado.

"Good evening ladies and gentlemen, I'm not really good at public speaking but thank you for your warmest welcome especially to Ms. Zalerio who invited me to this gala. Let's give ourselves a hand please."

At talagang minention pa ako?! Jusko issue na naman.

"Ooooh, so ininvite mo pala siya huh." Greta frowned

"Are you hittin' on him?!"

"No Jax! We're just friends, chill."

Nag-iba agad ang simoy ng hangin nang makabalik na si Alex sa pwesto niya.

"Kahit alam kong shareholder ka pa, hindi na sana kita inimbita rito. Sinabihan na kita, 'di ba?" I'm maybe beaming right now but I'm stabbing him in my mind.

"So Ricci gave you that thing." And he stared at what I am wearing

Ah kaya pala, nakaharap kasi yung R. Pero, pake ba niya? Binago niya lang ang topic.

"No."

Hindi kami nagkaimikan at hindi ko rin na enjoy ang party kahit na ako pa ang tinanghal na "Queen of the Night" dahil sa mga pinagagawa ni Alex.

Pero joke lang, naenjoy ko naman talaga eh lalo na nang mag rave. Nakalimutan naming nakasuot pala kami ng pormal na kasuotan nang gabing 'yon. Napagod din ako sa mga nag-aalok ng sayaw. Pero sige lang, go lang.

Kinabukasan, napuno ang social media accounts ko ng tagged photos mula sa mga kaibigan ko at ka batchmates. 'Di rin naman talaga nagpahuli si Alex na napuno ng siyam na litrato ko at naming dalawa sa kanyang Instagram feed.

I hope Ricci is seeing this.

Lol no way, he can't see this.

Umuwi ang iilan sa mga malapit naming kapamilya mula pa sa iba't ibang lugar para magcelebrate sa aking pagtapos. Charot!

Sa wakas, natapos na rin ang lola niyo! Makakatravel na ako kahit saan at kailan ko gusto.

At yun na nga, kahit hindi kayo maniwala, may latin honors po ako kahit lagi akong gumagala at lumalandi. Sinalubong pa nga ako ni Alex at ang kanyang dalang bulaklak na halatang mamahalin.

Nakagraduate na rin sina Jax, Miho at Greta sa kanilang mga kurso at congrats kay Jax na may latin honors din. Tinulungan naman ako ni mama para sa pag-alis namin papuntang Canada bukas. Exciting no?

Natapos na rin kaming magcheck-in, flight na lang talaga namin ang aming hinihintay. We told Kourt and Rina to wait for us there since we are new to that place. At nang tawagin na ang aming flight..

"Oh gosh! This is it! Hot French-Canadian boys, wait for meee." It's Greta with her seductive look

"Feelingera, Pinoy ang makakatuluyan mo doon girl." Pamimikon ni Jax

"Okay na ang Pinoy, basta gwapo, hot, yummy AT basketball player. Right Hera?"

"Mapapagod lang kayo sa kanila girls." And I rolled my eyes instantly

"Bakit nga ba kayo nagb-"

"Wala lang"

"Anong wala lang? Third party ba?! Gosh, mga basketball players talaga." Si Jax habang nakatingin sa mga kararating lang na pasahero galing Manila.

May I? (A RICCI RIVERO FANFIC: COMPLETED)Where stories live. Discover now