Bani and Kat - 3

15 2 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Stay positive in a negative situation"
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

<<Kat Time!>>

Hello Mina! Ako nga pala si Kathie or Kat for short! Hehehe! May kapatid akong si ate BaNi.

Naghahanda kami para kumain. Yeah! Magtitimpla ako ng kape pero...

"Hala ateee! Wala nang gatas!!!" sigaw ko kay Ate Bani.

"Hala! Pano na yan? Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong niya

"Alam ko na!" *ting* "May naisip akong magandang idea!" Sabi ko habang nakangiti at nakaturo sa taas. Hehe.

Napangiti ng malaki si ate Bani, "Talaga?! Ano yun?"

"Bibili ako dun sa may malayong tindahan! Oh diba ang galing ko! Hehe!"

"Oo nga noh! 'Bat di ko naisip yun? Hihihi! Ang galing mo talaga, Kat!"

Dali-dali akong kumuha ng pera at umalis. Dahil malayong nga ang tindahan, tumakbo ako ng tumakbo. Marami akong mga nadaanan na hayop at nakarating din ako sa wakas!

"Tao po! May tao po? Pagbilan po!" Syempre kailangan malakas yung boses para marinig ni ale! Hahaha! Medyo mahina na kasi pandinig niya eh!

Nakita ko si ale na lumabas habang nakakunot yung noo. Oh no!

"Ale, Pabili po ng gatas hehe." Medyo kinakabahang sabi ko.

"Oh. Ikaw palang bata ka na nagpaload sakin dati. Saglit lang at kukuha ako." Woooh! Buti nalang hindi siya nagalit!

Kumuha si Ale ng gatas at binigay niya sakin. Inabot ko ang pera.

"Salamat Ale!" Tuwang tuwa kong sabi at umalis. Tumakbo ulit ako ng tumakbo hanggang sa makauwi ako. Wieee!

----------

Sa wakas! Nakarating din! Papasok na sana ako sa loob nang...

Bakit bukas ang pinto?

Si ate talaga! Iniiwang bukas yung pinto namin! Hehe. Pumasok na ako sa loob.

"Ate! Andito na ang gatas! Ate? Asan ka?" Bakit walang sumasagot? Nasaan si ate?

"Ateee? Yuhoooo! Nandito na akooo! Nasaan kaaaa?!" sabi ko at hinanap ko siya sa ilalim ng lamesa, sa kwarto, sa ilalim ng upuan, at sa ilalim ng pwedeng ilalim ng bahay.

"ATEEEEEEEEEE!!!!!! ASAN KAAAAAAAAA?!"

Oh noooo! Nawawala si ateee! Huhuhu!

Patuloy ako sa pag-iyak pero be positive! Naghanap-hanap parin ako. Napansin kong may sticky note sa mesa. Kinuha ko ito at binasa.

'Hahaha! Kuha namin kapatid! Meron clue! Punta kwarto mo clue!'

Ano daw? Ano kayang language ng nagsulat nito?

Si ate kaya? Imposible!

Pumunta ako sa kwarto dahil sa nakalagay ang 'Punta kwarto mo clue!' Pagdating ko ay may sticky note ulit. Kinuha ko ito at binasa.

Bani and KatWhere stories live. Discover now