Chapter 1

1.1K 18 2
                                    

#HisPersonalSlave

"Papa! Bakit ho ba ang kulit nyo? Hindi ba sabi ko sainyo uminom kayo ng gamot nyo at sabihin nyo sakin kung ubos na!" Pagalit kong sigaw kay Papa.

Nakakainis kasi. Alam nya naman na ayokong napapabayaan nya ang sarili nya. Lalo na't kami na lang at ng kapatid kong lalaki ang mag kakasama. 'Di ko kaya kung pati sya mawawala.

"Pasensya na anak. Alam mo naman na ayaw ko lang na gumagastos ka pa para saakin."

Sabi saakin ni Papa kaya naman niyakap ko sya agad. Alam ko naman na nag papalambing lang 'to eh. 'Di ko talaga sya natitiis eh.

"Pa naman. Responsibilidad ko yun sayo. Pati si Kuya Sean pinapag-alala nyo pa." Sabi ko nang may pag lalambing sa boses.

Si Papa talaga.

Sasabihin ko na sana kay Papa na nag text si Kuya Sean ng biglang ng Ring ang phone ko. Pagka tingin ko si Maru.

"Bes! Where are you? I have an offer to make. Hindi mo to matatanggihan. Meet me on the coffee shop near our School. ASAP!"

"Teka-----"

"Toooot tooooot tooooot..."

Bwisit talaga tong si Maru eh

"Pa, alis muna ako. Yung gamot nyo ah. Pag may kaylangan kayo tawagin nyo lang si Manang. Bye Pa"

Nagmamadali akong pumunta sa sakayan ng Jeep. Badtrip naman kasi tong si Maru eh. Wala ngang klase epal naman sya. Tsk!

---

Enjoy reading :)

-MPL14

His Personal SlaveWhere stories live. Discover now