pchapter 1

22 2 0
                                        

Chapter 1

(Cashmier's POV)

"Lalong dumadami ang late comers ngayun ah."Wika niya  at bigla siyang umakbay sa akin.Pinagmamasdan niya lang ang mga high school students sa di kalayuang field ng school habang naglalakad kami sa corridor ng collage building.

"Oo kaya wag mo nang dagdagan."Sabi ko naman sa kanya.Kasi,ako, bilang inuutusan ng titser na mag lista ng late sa klase ,sawa na akong isulat ang pangalan niyang Josh Nevile Versolis.

"Ito namn.Wag mo nalang ilista pagalan ko .Boyfriend mo naman ako eh."

"Hindi parin pwede."Tuwid kong sabi.

"Ano?Gugustuhin mo bang makita akong pinaparusahan kapag ma lelate ako?"hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Kasalanan mo naman kasi. super batugan ka."

"Osige na.Kasalanan  ko na pero kung tutuusin nga kasalanan mo rin eh."

"Bakit?"

"Gabi-gabi ba naman kitang napapanaghinipan.Malamang hindi ko na gustuhing magising pa ng maaga hindi ba?"Hindi ko alam pero parang hindi ako makakapaglakad ng maayos hanggang kasama ko ang lalaking 'to.

"Kinikilig na yan"Pang-aasar niya sabay pisil ng pisngi ko. 

"sige sige.. tinatawag na ako doon.kita nalang tayo mamaya pagkatapos ng klase mo ah?"Sabi niya sabay alis ng pagkaka akbay sa akin.Hindi naman papasok yun. Uunahin nanaman niya ang bola niya.

Inirapan ko lang siya kahit hindi masyadong halata dahil sa eyeglass ko.Kahit papaanu kinilig talaga ako.Inaamin ko yan.

Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanya kahit 4months na kami.Hindi kasi ako masanaysanay sa ginagawa niya sa akin. Ngayong collage lang ako nakadama ng ganito yung feeling na mag kakaboyfriend ng sikat sa buong school  na basketball player at  isang miyembro ng sikat na bandang fallen pigments...Bihira lang yun.

"aray-"napaupo ako sa sobrang lakas ng pakatama ko sa kanya.Inalalayan niya naman akong makatayo at bigla nalang may nagsalita. Doon ko napansin na pinagtitiginan na kaming dalawa.

"Look oh.everyone !!a nerd bumps into another nerd.. what a combination. total epic to. ma picturan nga.!"

Sumakit ang ulo ko hindi dahil sa pagkaka bangga ko kundi sa pagkaka rinig ko ng boses ng babaeng 'to.siya na naman?negative ions talaga tong Niña Bayawak sa buhay ko.

"Sorry."simpleng sabi ng nakabunggo ko. Hindi ko siya matignan sa mata kasi nakayuko siya at iisa lang ang napapansin ko sa mukha niya. May nunal siya may right temple niya. Di namn masyadong malaki. Yung tipong makikita mo lang kapag matagal mo nang pinagmasdan ang mukha niya.Ang boyfriend ko rin ba may nunal??mm nakaka curious.

Teka bakit yan ang una kong iniisip?

"Sorry rin kasalanan ko rin naman"Sabi ko sa kanya  at umalis naman siya kaagad. Naaalala ko ang sarili ko  sa kanya noon. Noong hindi pa ako pinagtatangol ni Josh sa tuwing pinagtutulungan akong i bully ng kaklase baming babae.Josh is my knight in shining armor, ako naman nerd in shining forehead.

"Hey Cashmiere kahit kailan you are so lampa."ang conyo conyo ng babaeng to.

Napatingin ako bigla kay Niña at lumapit ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

"owww look at you cashmier ,a poor ner----awww!!!!"

"Tumahimik ka!Masyado kang maarte."

Yun ang huli kong sinabi tapos at dumiretso na ako ng room. Iniwan ko yung Niña Bayawak na yun doon sa corridor.

Ang arte niya talaga. Dapat lang siyang kurutin sa pwet. grrr.

Agad akong umupo sa upuan ko at nag study. Teka asan na yung assignment ko?Halos masira na ang zipper ng bag ko sa kakahanap ng assignments ko pero wala parin akong nakikita.

Asan na yun?think..Cashmier ..think..

NO WAY!!!whaaaa. ngayun ko lng naisip. Gagong Josh yun. Yung kaninang inakbayan niya ako may parang kinuha siya sa bag ko. Biglang nagflashback yung kanina.Tama nga.

Napatakbo ako palabas ng room at hinanap ang katawan ng Josh na yun.

Asan na ba yung Josh na yun??Wala naman siya sa gym.Asan na ba yun?Hindi naman siya nagrereply sa mga text ko. Kailangan makita ko siya kung hindi yari ako nito. Kailangan ko nanamang ulitin yung assignment ko. Aanhi pa ba niya yun? Sinabi niya rin kasi kanina na hindi siya papasok ngayon. grr.  Ma pa praning na ako nito eh..letse.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay naisipan ko na rin  bumalik ng room. Pagdatig ko doon ay nag checheck na sila. Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo at sabihing naiwan ang assignment ko.

Hindi ko mapigilng mapatigin sa mga pepel ng iba ng maynapansin kong isang kukay dilaw na papel... teka... akin yun ah.. yun ang pinagsulatan  ko ng assignments. Hindi ko mapigilan ang curiousity ko at lumapit ako para masigurong akin nga yung papel. Hindi ako nagkakamali... Akin nga. Magnanakaw..

 "Akin yang papel na yan ah .. "giit ko doon sa nakatalikod na babae.Humarap siya sa akin.

"Anung pinagsadabi mo?"nanliit ang mga mata ko dahil basilaw ako sa mapupula niyang lips.

"Akin yang papel na yan."

"No."Matigas niyang parating."Binigay to sa akin ng boyfriend KO!"Sigaw niya."Kaya umalis ka sa harap ko ugly creature."

What?!Bigay sa kanya ng boyfriend niya? Hindi kaya si Josh ang tinutukoy niya?Hindi.Baka binigay lang ni Josh sa boyfriend niya.Hindi dapat ako padalos dalos.

"Hindi ka dapat tinatawag na nerd!Dahil kung totoong may utak ka sana hindi ka nauuto at matagal mo na sanang narealize kung gaano ka kapangit. "

"Aba sumusobra ka ah!Eh anu ngayun kung pangit ako?Ikagaganda mo ba yun?Diba hindi?Kahit anung kapal pa ng lipstik ang ilagay mo sa lips mo hindi parin natatapan ang ma ala simento katigas mong lips!Nakakasira sa lalo sa mata ang kulay red!"sigaw ko rin pabalik sa kanya.

Nagoopen cliae ang bibig ng babae nang mTapos ko siyang sigawan.Bakit ba?Masama bang ipagtanggol ang sarili?Sasabunutan na sana ako ng mga kasama niya ng umeksena na ang prof namin.Pinagsabihan kami nito na huwag kaming magiskandalo kay nakayuko lang ako habang pinapaulanan kami ng nala ng aming prof.

Nasettle rin ang lahat at uupo na ako sa upuan ko pero hindi pa ako nakakalayo ay nakita kong inismiran ako ng mapula niyang lips at staka nagsalita uli.At labis akong napatulala sa sinabi niya.

"Naging boyfriend lang ang sikat na Personalidad nagaganyan na.Akala mo naman mahal ka talaga nun.Ginagamit ka lang nya kasi nagpapagamit ka rin.Whahahaha"

Hindi ako nagpapagamit.Iniligtas ako ni Josh noon at wala siyang balak na gamitin lang ako.Yun ang pagkakaalam ko.Yun ang tanging iniksip ko.Linagtatakpan ko lang ang tltoo niyang pakay.Ngayun lang ako naubusan ng sasabihin.. hindi ko alam kung anu ang paniniwalaan ko.Ang sarili ko ba o ang sinasabi nila. Wala na akong dapat pagkatiwalaaan.. umupo ulit ako sa upuan ko at hindi ko parin maalis-alis ang tingin ko doon sa papel na yun at ngisi parin ng ngisi si Paulin.Kanina ko lang nalaman ang pangalan niya noon tinawag siya ni prof.

"Papel ko yun.Imposibleng ibigay yun ni Josh sa kanya.Hindi.Hindi niya lang ako ginagamit.Diba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nerd plus NerdWhere stories live. Discover now