Chapter 1

636K 9K 2.1K
                                    

Written by Nerdyirel/Irel B.

All rights reserved 2012. 

----------------------------------------


Chapter 1


Kathryn's POV


"Ma naman!!!! 4th year highschool na po ko! Bat naman ngayon niyo pa ako ita-transfer?" Sigaw ko. Si mama natawa lang sa akin.


Okay sige, alam ko para akong bata dito but ayoko talaga ehh!

Grabe. Nakakainis talaga!!

Ang aga-aga, eto agad babati sakin! Argh!


"Nak, masyado malayo yung school na pinapasukan mo" Sagot ni mama.

"Pero ma, tumagal nga ako dun ng three years!"


Biglang dumating si kuya, kakagising lang.

 "Oh, ano na naman problema nito?" Tanong ni kuya neil kay mama.


Umupo siya sa tabi ko at nag-start nang kumain.

"Kuya, si mama kasi! Transfer na lang daw ako sa ibang school" 


Sana naman ipagtanggol ako ni kuya at sabihin na wag na akong i-transfer.

Kapag siya kasi ang humiling kay mama, payag agad si mama.

Oo, unfair talaga! 


"Ano namang problema dun?" Sabi ni kuya neil na nakangiti sakin parang nang-aasar.

Sinamaan ko nga siya ng tingin.


"Ang problema, one year na lang...ga-graduate na ko. Mahihirapan lang akong mag-adjust sa new school" Sabi ko. Aish! Nakakainis talaga!


"Nak, kilala ko kasi yung may-ari nung school na lilipatan mo, besides ten minutes lang biyahe mo...pwede mo pang lakarin from here to that school. Di katulad dati, twenty minutes pa"


"Pero ma, di ko pwedeng iwan yung bestfriend kong si Julia" Complain ko kay mama.


Si kuya sumabay pa sa pag-sabi ng 'Julia'.

Halatang alam niya na sasabihin ko yun.


Simula kasi bata pa kami ni Julia, magkasama na kami.

Kilalang-kilala na namin isa't-isa.

Sis na nga tawagan namin dahil sisters talaga turingan namin.

Magkasundo kami sa lahat ng bagay at never na nag-away kami.


"Hayaan mo bunso, kakausapin ko mama ni Julia para pareho kaying i-transfer. Papayag yun kapag ako nagsabi, Kumain ka na muna" Itinuro ni mama yung empty plate ko.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon