Chapter 74:Surprise

Start from the beginning
                                    

"Pwede ba,nababagot na 'ko. Ano ba ang kabaliwan na 'to?"naiinis kong tanong.

"Wala naman,gusto lang sana namin na pasayahin kayo" sabi ng isang matapang na boses.

Teka.....

"Tapos,hindi ka pala masaya...sayang naman ang effort namin para bumalik" sabi ng isang kikay na boses.

"Namiss ko pa naman si Prinsesa Arianna"sabi nito.

"At,pasensya na nga pala"sabi nung isang boses ng babae na may pagkamalambing.

Nagbalik.....s-sila?

"Aya!"sambit ni Airah saka yinakap si Aya.

"Namiss mo ko 'no?"tanong ni Aya.

"Hindi nga eh"sambit ni Airah.

"Erika......ba't nagalit ka pa?"kunwaring yamot na tanong ni Erina.

"Eh namiss ko kasi ang panget mong mukha eh,kaya bumalik ako para pagandahin ka."natatawang sambit naman ni Erika.

"Mahal na Prinsesa,patawad kung pinaiyak ko po kayo...pasenya--"hindi na natapos pa ang sasabihin ni Akila ng yinakap siya ni Arianna.

"Huwag ka nang humingi pa ng tawad...ako dapat ang humingi ng tawad. Patawad kasi hindi namin kayo nailigtas,patawad kasi nahuli kami...patawad" umiiyak na sambit ni Arianna habang pahigpit ng pahigpit ang yakap kay Akila.

"Uh....Arianna kasi...di ako makahinga" reklamo ni Akila kaya agad na kumawala si Arianna at yinakap ang iba pa.

"Uhmmm.....Flame"
napataas ang kabila kong kilay sa narinig ko. Oh great if it isn't Aika....

"Yes?"masungit kong tanong.

"Wow ha!akala mo naman na napakalaki ng kasalanan ko ah... Ang kasalanan ko lang naman ay naging mahina ako, nagsakripisyo at walang nagawa para tulungan ang mga magulang ko. Kasalanan ko lang naman ang magtryador tapos.... tapos"tuluyan na siyang umiyak. Sa di ko matukoy na kadahilanan ay yinakap ko siya.

Parang sabik na sabik ako sa kanila.
Hindi ko sila kaclose,aaminin ko pero masaya ako at nakasama ko silang muli.

"Maraming salamat at ibinalik niyo sila samin"pasasalamat ni Airah.

"Walang anuman,besides nahirapan kami diyan ha,ang sungit kaya ng God of Death buti na lang at umobra ang unique na beauty nitong si Fuego"sabi ni Tierra.

"Tss,can you stop recalling that?It's annoying at the same time it's creeping me up!"bagot na sambit ni Fuego.

Kasunod nun ang tawanan.
Mayamaya ay nagkayayaan na bumalik sa loob ng ballroom pero laking gulat ko ng magkalat ang mga patay na elementals sa loob ng ball at ang iba ay gumagapang pa..

"T-tulong..."sabi nung isa.

Biglang nagbalik ang lahat sa akin.
Mga bagay na hindi ko na dapat naalala.
Mom,Dad.....

Biglang uminit ang pakiramdam ko at nagbago ang aking anyo kasabay ng pagbabago ng anyo nina Airah,Erina at Arianna. Galit at poot ang laman ng puso ko at pagkapanabik sa dugo ng pagpaslang.

"Akala niyo ba na tapos na ang lahat!?
Matapos niyong kunin ang lahat sa akin.
Tapusin ang aking mga pinaghirapan ganun na lang kayo magpapakasaya?! ang kakapal ng mga mukha ninyo?! magbabayad kayo!?"alburuto ni Mayuri.

"F*ck you!?ang sarap mong sunugin habang humihingi ka ng tulong. Ang malas mo kasi nabuhay ka pa,ngayon doble ang mararanasan mo."galit na sambit ko saka pinalabas ang fire sword ko.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now