Chapter 36:Training(Part 3)

992 39 0
                                    

Airah's POV

Sa wakas ay nagawa ko na lahat ng dapat kung gawin at natutuhan ko na lahat ng dapat kong matutunan without the help of this idiot guy here.

"Hoy!nakakahiya naman sayo at naaarawan ka pa sa pagpapahinga mo gusto mo payungan kita?"
sarkastiko kong tanong. Pano ba naman kasi wala na siyang ibang nagawa kundi ang magpahinga,matulog at minsan iwanan ako. Akala ko ba training 'to?

"Oo nga eh ang init talaga,pwede ba?"
gatong naman niya.Ay....nakakahiya naman talaga para sa'kin,ang sarap paliparin....saka ibagsak sa lupa tingnan ko lang kung anong mangyari sa kaniya.

"Aba't siraulo ka pala eh!
bakit pa ikaw naging trainer ko eh wala ka namang kwenta!"
sigaw ko saka pinalabas ang latigo ko at saka hinamon siya ng laban.Pareho na lang din eh,kaya naman ako na ang manghahamon.

"Ako?!?,walang kwenta!
look who's talking?Bakit sino ba
ang ayaw magpaturo sa atin?"
tanong niya.

"Bakit,sinabi ko ba 'yun?"-ako

"Eh ano ang ibig mong sabihin sa
'Kaya ko nang gawin to' ako pa ang sisisihin"-siya

"Sino ba walang common sense?"-ako

"Ikaw,sino pa ba?"-siya

Ah,ganun pala ang gusto niyang ipalabas ngayon ang kapal din niya!

Walang pasabi akong sumugod sa kaniya.Gamit ang aking latigo ay ipinalupot ko ito sa kaniyang paa ng matumba siya saka naman ako nagpalabas ng katanna.

"Woah!Airah,chill!"
awat niya saka iwas ng iwas sa aking mga atake.

Chill niya mukha niya!
Ngayon ako pa pinapachill niya,ang kapal talaga.Hindi ko na siya pinansin at patuloy lang ako sa pagsugod sa kaniya.

"Airah...."
sambit niya saka siya nagpalabas ng kaniyang air spear saka ako sinugod. Sinangga ko naman yun gamit ang aking katanang gawa sa hangin.

"Pagmatalo ka.....may deal tayo"
sabi niya na nagpatigil sa akin.

"Anong pinagsasasabi mo?"-ako

"Let's make a deal"-siya

Mga sira din kami,habang naglalaban kami at the same time nag-uusap din kami.

"Pagmatalo ka at manalo ako.
You will do anything I want you to do"
turan niya na nakangiti ng nakakaloko.

"At sinong nagsabi na pumapayag ako?"
taas kilay kong tanong. Sino ba kasi nagsabi na payag ako?

"Bakit naduduwag ka na baka hindi ka manalo?"-siya

"Kailan pa ako nagpatalo?"-ako

"Then you agree?"-siya

"Oo na. Ano ba ang kaparusahan?"-ako

"Gaya ng sabi ko kanina,pagmanalo ako you will do everything I ask you to do.Or you will be my girlfriend aside na nakatakda ka na sa akin"
-siya

"At kung ako ang mananalo,you will be my dog at wala kang iaaangal"-ako

"Teka,bakit may masama akong feeling dito?"-siya

"Bakit ayaw mo?"-ako

"Sinong nagsabi?"-siya

Bigla na lang niya akong sinugod.
Gamit ang kaniyang spear na gawa sa hangin ay pilit niya akong iniistab. Pero di niya ako mapatamaan.

Akala niya magiging madali akong kalaban nagkakamali siya.

Bigla siyang nawala sa harapan ko at namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya.Nakalean na ako sa wall ngayon habang pilit niya akong idinidiin sa wall.Ang lakas niya.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now