Chapter 16:Our Princes

2K 61 0
                                    

Airah's POV
Nandito kami ngayon sa clinic.Dumating naman bigla ang mga prinsipe na ito na sabi nila,Aya ay mula sa kaharian ng mga elemento.Yumuko naman kaming anim sa kanilang harapan.Ano ba naman kasi ang ginagawa nila dito?

May humawak naman sa chin ko at iniangat ang mukha ko. Isang lalaking mukhang manyakis(gwapong manyakis) ang bumungad sa akin habang nakangiti. Kung hindi ako nagkakamali siya yung si Andrei.

"Sh*t!"usal ko saka inilayo ang mukha ko sa pagkakakahawak niya. Tumawa naman siya ng tumawa. Luh!nababaliw na siya!

"Epic naman ang mukha mo. Anong akala mo na gagawin ko?hahahahaha.." aba't siraulo pala siya. Sasampalin ko na sana pero nasalo niya. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"You don't want to hurt
your future husband,my Princess"
turan niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Future husband my arse,akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo noon,siraulo ka. You came out of nowhere now you're saying you're my prince?tsss..." binungangaan ko na siya, sana tumigil na ang gagong 'to.

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi nila. Napatingin naman ako kayna Erika,Aya,at Aika na gulat ang expresyon ng mukha.

Napabaling naman kami bigla kay Flame,magigising na siya! Agad naman kaming nagsilapit sa kaniya.

"Akala ko patay ka na" biro ni Erina habang nakahawak sa kamay ni Flame.

"Ba't nandito ka?" seryosong tanong ni Flame.

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa bungad ni Flame. Mayamaya naman ay tumawa siya...teka, si Flame?Ang kapatid naming maldita at cold,tumatawa?Well pangalawa na ito. Kailangan ko 'tong itake note.

"Teka,sino ang mga panget na 'to?"
tanong niya referring sa mga lalaki na nasa loob ng room na ito.

"Ewan ko....sa pagkakaalam ko na sila ang mga prinsipe ng mundong ito."
sagot ko naman sa kaniya. Napatingin naman siya sa kanila. Tumayo siya at naupo sa kama niya.

"Ikaw!" turan niya saka itinuro yung lalaking nagdala sa kaniya dito noong nahimatay siya. Siya na nga siguro yung si Daniel.

"Maraming salamat"
turan ni Flame. Napangiti naman ng tipid yung binata. Tsss,choosy pa palibhasa kinilig kasi kay Flame,I guess.

"Teka,bakit nga ba kayo nandito?"
malambing na tanong ni Arianna.

"Nandito po kami dahil kayo ang nawawalang prinsesa ng mundong ito"
nakangiting turan nung lalaking mukhang chix-boy. Siya naman siguro si Akihito, whoo! Kitams na memorize ko ang mga names nila.

"P-Prinsesa?"
pag-uulit ni Erina.

"Prinsesa!"napasigaw pa tuloy ako. Panong naging prinsesa kami?

"Baliw ba kayo?Pano naman kami naging prinsesa?"tanong naman ni Flame.

"Dahil dito..." turan ni Daniel saka kinuha yung scarf sa leeg ni Flame.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Pano nila nalaman yun?

"At dahil din dito" nakangiting turan naman ni Andrei saka kinuha yung ribbon sa legs ko.

"Manyak!"sigaw ko saka siya sinipa. Napaupo naman ito sa sahig pero tumawa lang ang loko.

"Didiretsuhin na namin kayo,kami ang nakatakda sa inyo na makasal sapagkat kayo ang mga prinsesang matagal na naming hinahanap,ang mga prinsesang nagtataglay ng kaparehas naming elemento. Besides,may ganun din naman kami kaya huwag niyo na itong itago pa"
paliwanag naman nung Minho ng seryoso saka nila lahat ipinakita ang kanilang mga birthmark. And tama nga sila kapareho yun ng sa amin.

Ito pala ang sinasabi nina Mommy at Daddy na ito ang magle-lead sa amin sa tunay naming pagkatao. Pero ang makasal sa mga ugok na yan? Ano kamo? Ikakasal sa kanila?

"Kung ganun you're our PRINCES?"
tanong naman ni Erina.

"Tama,yun na nga"
sabi naman nung Minho.

"You're my prince?"banat naman ni Erina. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Erina,umayos ka ngayon"
turan ko sa kaniya, kaya naman bumalik na siya sa dati.

"Teka,kami magpapakasal sa inyo?Huh, mangarap kayo, hindi nga namin kayo kilala" turan ko saka inirapan sila.

"Naiintindihan namin. Sige,bibigyan namin kayo ng pagkakataon na makilala pa ang inyong future husband" nakangiting turan nitong si Andrei, naku ayaw ko talaga sa kaniya.

Baliw na sila.....ngayon naniniwala na talaga ako kay Flame na malas nga ang mga birthmark na ito sa amin..

Napansin ko naman na nawala ang tatlo. Nasaan na kaya sina Aya,Erika at Aika?

"Sino ang hinahanap mo,Babe"
turan nitong lalaki sa tenga ko.

Bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan saka ako lumayo sa kaniya. Aaminin kong gwapo siya pero ang creepy niya.

"Wala!" sagot ko saka bumalik na sa mga kapatid ko. Ang creepy niya, bakit ba ito ang ibinigay niyo, Lord!











~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Four ElementalsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang