Chapter 57:Mystery

Start from the beginning
                                    

Pagkarating namin doon ay maghahalungkat naman ng mga gamit nila sina Airah at Erina kaya mas lalo akong naguluhan. Parang may hinahanap sila, they were all doing the thing that I was also thinking of doing...

"Wala wala bakit...."sabi ni Erina saka napasabunot sa buhok niya.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap pero wala akong makita,nasaan na ba ang kwentas na ibinigay sa amin nila Mom and Dad ng dumating kami dito?

"Nasaan na yun?"inis na sabi ni Airah.

Inilabas naman lahat ni Arianna ang mga gamit niya at naghahanap dun. Sumuko na rin ako kasi wala akong makita, pati sila sumuko na rin...

"Guys...are we all looking for the same thing?"tanong ko sa kanila. Dahan-dahan naman silang tumango sa akin.

"Panong napunta ito sa kanila?"
kunot noong tanong ni Arianna habang nakatingin sa kwentas niya.

"Sa pagkakaaalam ko ay itinago ko lang ito sa bag ko ng makarating tayo dito.Kaya paano napunta ito doon sa mga ugok na yun?" naguguluhang sambit ni Airah.

"I was also thinking about the same thing.
Pano ito napunta sa kanila?Kung ninakaw nila ito, bakit nila ibinigay satin?" tanong naman ni Erina.

"We need to find it out ourselves"sabi ni Airah kaya naman ay nagsitayuan na kami.

Pagkabukas ng aming pinto ay tumambad sa amin si Mommy na may dalang mga pagkain kaso dahil nagmamadali kami ay natabig namin si Mommy kaya naitapon lahat ng mga pagkain na dala niya,pero hindi namin siya tinulungan pa at dumiretso palabas... nagmamadali kami kaya....

"Sorry Mom" I mouthed. Napangiti naman ako ng tumango lang siya saka nagsimulang magligpit.

Pagkalabas namin ay bumalot ang dakilang kadiliman sa paligid. Ni wala kaming makita o marinig man lang ingay ng mga tao.

"Anong nangyayare?"
natatakot na tanong ni Erina.

"Humanda kayo,masama ang kutob ko dito"sabi ni Airah kaya ay nagpalabas  na kami ng aming mga sandata at mayamaya lang ay may nagsilabasan na mga kalaban sa madilim na mga usok na pumalibot sa amin.

Hindi ko na sila nakita pa dahil binalot na ako ng usok.Samantala, ay tinatapos ko na ang mga buhay ng mga kalaban na sumusugod sa akin.

Kasabay ng pagkawala ng usok ay nakita ko ang mga kapatid ko na hingal na hingal na habang nakahawak sa kanilang mga sandata.

"Okay lang ba kayo?"
tanong sa amin ni Airah.

Tumango naman kaming lahat saka naman sumugod ulit ang iba pang grupo ng mga halimaw pero ang mga prinsipe na ang lumaban sa kanila. Di rin nagtagal ay natapos na ang laban.

"Are you alright?"
tanong sa akin ni Daniel.

"Yeah"sagot ko dito.

Napasulyap naman ako kay Airah na nakahawak pa rin sa braso niya at tanaw ko dito ang pag-agos ng dugo doon.

"Akin na 'yang kamay mo" sabi ni Andrei sak hiniklat ang braso ni Airah.

"Tsk tsk tsk"pailing-iling na sabi nito.

"Anong problema mo?"
inis na tanong ni Airah.

"Pasalamat ka Prinsesang Masungit at gwapong prinsipe ang gagamot sa mga sugat mo" sabi ni Andrei saka hinawakan ang  braso ni Airah, lumiwanag lang ito at saka nawala ang sugat ni Airah ng alisin niya ang kamay niya dito.

0___0 healing power...

"Salamat" masungit na sabi ni Airah saka tumayo.

"Yun na yun?walang kiss?"tanong ni Andrei.
Pero sinamaan lang siya ng tingin ni Airah.

"Sige na sige na...ito naman di mabiro." Dagdag naman ni Andrei.

Tiningnan naman naming magkakapatid ang apat habang kaming apat ay nakahilera na nakatingin sa kanila ng masama.

"Oh kayong magkakapatid...ano na naman ba ang atraso namin sa inyo?Dapat nga kayo---" di na pinatapos pa ni Airah ang sasabihin ni Andrei ng magsalita na siya.

"May tanong kami sa inyong lahat,so you all better tell us the truth or else..." pagkasabi ni Airah ng huling salita niya ay agad akong nagliyab, agad namang  umikot sa katawan ni Arianna ang tubig at lumakas bigla ang hangin kasabay ng paggalaw ng lupa.

"Woah,woah sige,sasagot kami wholeheartedly" sabi ni Akihito kaya naman ay si Erina na ang nagtanong.

"Saan at paano niyo nakuha ang apat na mga kwentas naming ito?"tanong ni Erina sa seryosong tono ng boses.

Nagtatakang nagkatinginan ang apat na prinsipe na para bang walang alam sa sinasabi namin.....wala nga ba silang alam?

"Ano ba ang sinasabi niyo...I mean sa inyo ang apat na kwentas na yan?"
sagot na patanong ni Minho.

"O-our foster parents gave this to us"
sabi ni Arianna sa isang garlgal na boses, halatang naiiyak na. Linapitan ko siya at saka yinakap.

"Pano nangyari 'yun?"naguguluhang tanong ni Akihito.

"Ibinigay lang naman sa amin ito nung.." pabitin na sabi ni Andrei.

"That old lady"pagpapatuloy ni Daniel.

"Sinong old lady ba ang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"She's a vendor of a small shop that we got ourselves into"umpisa ni Daniel

"Umayaw kami ng alukin niya kami na bilhin ang apat na kwentas na yan. Pero pinilit niya kami, instead na itinda sa amin ay ibinigay niya na lang ang mga  ito. Napansin naming kapareho ito ng kwentas na bigay sa amin ng mga magulang namin kaya kinuha namin para sa inyo" paliwanag ni Andrei.

"And now,sa inyo pala ang mga 'to?How?" naguguluhang sambit ni Akihito.

"If that is so....sino ang matandang babaeng yun?" naguguluhang tanong ni Minho.

Nagkatinginan naman kaming lahat saka napaisip.

"Posible kaya na may kinalaman ito kay Queen Akera?"tanong ni Arianna.

"No that's impossible, nakapasok siya sa barrier ng inyong kaharian kaya imposibleng dark elemental siya" sabi ni Daniel sa isang malamig na boses.

"Kung gayun,it's either na kalaban ko kakampi natin siya?"uncertain na sabi ni Airah.

"Yan ang kailangan nating alamin. In the mean time pinapatawag kayo ng parents niyo dahil may importante daw siyang sasabihin" sabi ni Minho.

Bigla na lang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Bakit kaya ako biglang kinilabutan sa sinabi ni Minho.

"Problem?"-Daniel

"Nah"-Ako


















Someone's POV

I'm no one,walang nakakaalam at nakakakilala sa aking pag-iral dito sa mundong ito....

Not their enemy,but definitely not their friend as well...isa lamang akong tao na naligaw sa aking landas...

Makakatulong ako...

Pero makakagulo din.....

Sino ba ako?

Sa buhay niyo....

Airah

Flame

Arianna

At

Erina

Ang apat na kwentas....

Forms the best weapon against the enemies,malaman kaya nila ang lahat ng yun ng wala ang tulong ko?

Mom and Dad?

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now