Chapter 51:The King and Queen

Start from the beginning
                                    

"It was the test"sabi pa niya.

"Sana ganun din yung sakin"sabi naman ni Akihito saka napatawa ng mahina.

"Ano naman ang ginawa mo?"dagdag na tanong ni Andrei

"Wala"maikling sagot nito.

"Anong wala ba??" Tanong ko pa kasabay ang pagpaharap ng katawan niya sakin.

"As in wala"walang kaemo-emosyon nitong pagdeny.

"Ayayay!" Usal ni Andrei sabay pailing-iling

"Was it bad?"inosente nitong tanong pero as usual walang emosyon,tsk!

"Syempre dapat may gawin ka,hay naku,tsktsk!BAGITO" dismayadong sabi ni Akihito kasabay ang pag-iling ng ulo nito.

"Huwag kang mag-alala,tuturuan kita" nakangising sabi naman ni Andrei.

"I have a weird feeling about what you said" naka kunot noo nitong sabi.

Umakbay naman si Andrei sa balikat  niya, habang patawa-tawa pa.

"Huwag kang mag-alala ako bahala sayo"confident na sabi nito.

Napailing na lang kaming dalawa ni Akihito dahil sa nakikita namin. Syempre kami lang naman ang matino dito isama mo na rin si Daniel maliban kay Andrei na puro kalokohan ang naiiisip.

































Airah's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto nina Mom and Dad,I am damn happy knowing na may parents pa kami. Gayumpaman, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayare, like the hell kung papaano kami nagkahiwalay, at si Headmistress Glow ay auntie namin tapos ang Dark Queen Akera auntie ko din.

"So,Mom and Dad paano nga ba nagsimula ang lahat?"tanong ni Erina

"It all started when your Dad, king Nathan , came into my life, our life. Napapansin ko na parang nagkakailangan pa silang dalawa ni Akera kaya naman ay napaisip ako kung bakit. Hanggang sa natuklasan ko na lang na dati pala silang magkarelasyon at nakipaghiwalay ang dad niyo sa kaniya dahil sa akin, nalungkot ako dahil dun at saka ipinagtulakan pabalik sa kaniya ang inyong ama, pero siya na mismo ang umayaw. Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat, lalo siyang nagniig sa galit ng ako ang koronahang reyna ng aming kaharian, simula noon ay umapoy na ang galit,inggit at pagkamuhi niya sa akin,doon sa puso niya." malungkot na saad ni Mommy.

"Mas lalo pa niyang ikinagalit ang pagkaalam na nagsilang ang aking kapatid ng mga sanggol na babae na siya pang itinakdang tatapos sa kaniyang kasamaan. At doon na niya sinimulan ang pagtakda ng sariling hukbo at sinugod ang mga kaharian ng elementasya ganun din ang sa amin,
para pamunuan at maging reyna bagay na gusto niya noon pa man.

Ng magsimula na silang sumugod ay pinatakas kami ng inyong ama at sa kalagitnaan ng pagtakbo namin ay nahanap pa rin kami at nagawang habulin ni Akera, dahil sa nais niya ay paslangin kayo, iniwan namin kayo sa isang bahay sa kagubatan para kayo maging ligtas. Ng iwan namin kayo doon ay nagawa naman kaming hanapin ni Akera,sa kasamaang palad ay nahuli niya ang reyna at hari,pero ako ay pinatakas nila para atasan ng misyon,yun ay hanapin kayo"mahabang  salaysay ni Headmistress Glow...este auntie nga pala.

Ngayon lumilinaw na ang lahat sa akin.
Lahat ng mga ito na pangyayari ay naaayon sa tadhana.

"Pano niyo nalaman na kami nga ang nawawalang prinsesa ng inyong mundo"
biglang tanong ni Erina.

"Oo tama,mahina pa ang aming kapangyarihan noon, ni hindi pa nga namin yun nalalaman, bukod sa aming birthmarks?" patanong na turan ni Arianna.

"Ang kapangyarihan niyo noon.....tama kayo ay mahina, pero sa kabila nun ay lumalabas naman ang awra ng pagiging dugong bughaw niyo, isa pa ang mga prinsipe na mismo na  nakatakda sa inyo ang nakaramdam noon"salaysay naman ni Auntie Armina.

"Ganun ba? Kung alam niyo naman,bakit hindi niyo sinabi man lang sa amin ang lahat?" maawtoridad na tanong naman ni Flame.

"Para na rin sa proteksiyon niyo" In fairness nagsasalita naman pala si Daddy,ang tahimik niya kasi.

"Ganun ba? Proteksiyon laban saan?sa pagkaalam namin ng katotohanan?Kung nalaman namin ang lahat ng maaga,wala sanang nangyaring masasama sa mga kambal ko!" sigaw ni Flame saka lumabas ng kwarto.

Lahat kami nagulat sa ginawi niya.
Alam namin na nahihirapan siya sa pag-intinde sa mga nangyayari ako din naman, kaya naiintindihan ko siya.

"Pasensya na po kayo,Mom,Dad sa inasal ni Flame, ganun lang po talaga siya.
Pagpasensyahan niyo na lang po siya" paghingi ng despensa ni Arianna.

"Ganun na ba siya?"tanong naman ni Mommy.

"Opo"nakangiting sagot naman ni Erina.

"Kung gayun,mana pala siya kay Nathan" nakangiti nitong saad.

"Masungit po pala si Dad..."hindi na ako nakinig pa at sumenyas na lang kay Daddy na sibat na ako. Tumango lang naman siya.

Nakita ko si Flame na nakaupo lang sa taas ng puno at nakatingala lang sa langit habang pinupunas ang luha sa mga mata niya. Linapitan ko siya at saka siya yinakap, nabigla man siya ay hindi ko na pinanasin, alam kong kailangan niya ako,kailangan niya kami....















~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now