Magica 1: 16th Birthday

19.5K 478 50
                                    

Chapter 1: 16th Birthday

•Edited•

Vote po kung nagustuhan niyo..

Picture at the side,imagine nalang hihi,white hair with black highlights..thanks

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Chrysie's Pov

Iminulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na hallway.  Natatandaan ko ang lugar na ito. Lumingon lingon ako sa paligid upang alalahanin kung nasaan ako ngunit ako ay nabigo.

Medyo nakaramdam ako ng panghihina pero kahit ganoon ay tumayo na ako at naglakad kung saan man dalhin ng mga paa ko…umaasang may makasalubong kahit isang tao.

Madilim ang paligid at tahimik… tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para makita ko pa ang daanang tinatahak ko.

Kanina pa ako naglalakad parang walang hanggan ang linalakad ko... Kahit sa pagod at takot na nadarama ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

At hindi nga ako nagkamali at may naaninag akong isang pigura ng tao sa kalayuan. Agad akong lumapit dito. Malinaw ko ng nakita na isa itong lalaking nakatalikod. Sobrang natuwa ako at sa wakas may kasama na ako, mababawasan na ang takot na nararamdaman ko sa lugar na ito at baka makakatulong din sa akin ang lalaking iyon.

"Excuse-" napatigil ako dahil sa takot na bigla kong naramdaman na mas malakas pa kaysa sa takot ko kanina noong magisa pa ako.

Humarap siya sa akin at doon mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Para bang pinipisil ang puso ko dahil sa hindi ako makahinga. Hinawakan ko ang Tshirt ko sa may dibdib ko upang pakalmahin kahit papaano ngunit nabigo ako lalo na ng unti-unti na siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapagsalita.

Ngayon naaalala ko na. Naaalala ko na ang lugar na ito pati na rin ang lalaking ito. Kailangan ko ng gumising! Isa itong masamang bangungot!

Ipinikit ko ang mga mata ko…umaasa na magising ako ngunit hindi ko nagawa. Iminulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na magkalapit na ang mga mukha namin. Ngumisi siya at lumapit sa may tenga ko.

*KKKRRRIIINNNGGG*

Napabangon ako sa gulat,una kong nasilayan ang liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko at sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. I closed my eyes and focused. Nagtagumpay naman ako at medyo kumalma na ang puso ko. I opened my eyes.

That nightmare again… palagi na lang. Bakit ba lagi ko na lang iyon napapanaginipan? Sino ba siya? At parang may sasabihin pa siya sa akin…whatever!! Panaginip lang naman siya. Ano man iyon ay kathang gawa lang ng isip ko para takutin ako! Hindi siya totoo.

I slapped my cheeks para magising ako sa katotohanan. Isinawalang bahala ko na lamang iyon katulad ng ginagawa ko kapag napapanaginipan ko iyon.

Anyways…Ano na nga palang date?

Tumingin ako sa calendar ko...

December 15 na! Bukas birthday ko na! Napakabilis ng panahon at magsi-sixteen na ako! Parang kailan lang naglalaro pa ako ng mga bahay-bahayan. Napangiti ako habang inaalala ko ang pagkabata ko. Nakaraan na iyon Chrysie! Ngayon ay big girl ka na!

Excited akong tumayo at nagayos ng sarili...

*Ligo*

*Damit*

Magica Academy (Under Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon