Chapter 50:Mission Accomplished

Beginne am Anfang
                                    

"Tawagin ko na lang si Tierra"sambit ni Erina saka pinalabas si Tierra ang alaga ng Goddess na si Nathya, grabe di pa rin ako makapaniwala. Dati sa Myth ko lang sila nakikita tapos....aish! Hindi ito ang tamang panahon para diyan!

"Ano po na ang maipaglilingkod ko?"
nakangiting  tanong nito.

Sabay kaming nagkatinginan ni Erika, at pareho kami ng reaksiyon,grabe ang dami ko ngang na-miss.Totoo ba itong aming nakikita?Human form ng mga elemental pets....woah...tulo-laway,ang ganda at sexy niya,grabe siya na!!!

"Girl...grabe ka naman,tikom mo bibig mo mamaya pasukan pa yan ng langaw tsk!" nagbalik ulirat ako sa sinabi ni Erika.

Napatawa na lang ako ng mahina.
Saka ito gumawa ng isang kulay dilaw na susi na umiilaw at saka bumukas ang kulungan.

"Pwede bilisan niyo! Nakakapagod na dito oh"sambit naman ni Andrei,oo nga'no?Kanina pa siya diyan..

"Tsk,pabida ka kasi...halika tulungan na kita"sambit ni Airah saka itinutok ang kamay niya sa kanilang harapan at tumulong sa paggawa ng barrier.

Ayiieeh...dito na nga kaya magsisimula ang kanilang LOVE STORY?ehhh..

"Ayan tapos na!"sambit ni Tierra.

"Maraming salamat!"
nakangiting sabi ni Erina.

"No prob..buhbye"sabi nito saka naglaho.

Ang galing talaga.
Isa-isa naming kinalagan at iniligtas ang mga bihag.Agad naman kaming yinakap ng mga magulang namin ni Erika.
Pinakawalan din namin ang ibang mga bihag,kabilang na ang mga pasaang mga tao na matagal ko nang nakikita dito sa piitan,ano kaya ang mga katungkulan nila?ang gagara ng mga damit nila kaso punit na yun at madumi,pero nandoon pa rin ang maganda nito designs. Maganda ang babae at gwapuhin naman ang lalaki kaso may katandaan na sila,sino kaya sila?

"Kailangan na nating umalis"sabi ni Flame.

"Headmistress Glow!!!" sigaw ni Erina sa babaeng nakakulong habang nakakadena ang kamay at nakaluhod.

"Royalties...."sambit nito.
Agad naman itong pinakawalan ni Erina gamit ang kaniyang kapangyarihan.Saka nila ito yinakap.

"Royalties?"kunot noong tanong nung babaeng nasabi ko kanina.

"Oo,sila na nga"nakangiting sabi ni Headmaster Glow.

"Umalis na tayo kung lahat ay ligtas na"
maawtoridad na utos ni Daniel.

"Ako na ang bahala diyan"sabi nung lalaki na puno ng sugat ang katawan na kasama nung babae na aking nadescribe kanina, grabe gaano na kaya sila katagal dito?

Simula nang ikulong ni Dark Queen ang mga magulang namin ay nandito na sila at patuloy silang pinahihirapan kaya napaisip tuloy ako,ganun ba talaga kalaki ang atraso nila sa dark queen at ganito ang naabot nila?

Naglabas siya ng portal.
Nagkatinginan kaming lahat pero pumasok din doon.Ang sunod na nangyari ay nakabalik na kami sa elementasya.











































Dark Queen's POV

Nakangiti kong pinanunuod ang mga kalaban ko na pinapakawalan ang mga bihag.Magaling kung ganun kasi lahat ng mga bagay na nagaganap ay umaayon sa plano.

Ano kaya ang gagawin ng mga kalaban ko este mga pamangkin ko kung maganap na ang lahat ng mga bagay na hindi nila inaasahan

"Mahal na Reyna,ano po ba talaga ang nais niyong mangyari at hinayaan niyo silang makuha ang kanilang mga pakay.Lalo na ang hari at Reyna?"
tanong ni Aika.

Tama,binuhay ko si Aika.
Ngunit sa pagkabuhay niya ay ako na ang kinilala niyang panginoon at reyna na kaniyang sinusunod.Tinanggalan ko lang naman siya ng alaala at pinalitan ng mga pekeng alaala na kasama ako,at lahat ng kaniyang panunungkulan.

"Huwag kang mag-alala,Aika.
Pati sila masusurpresa sa mga susunod na mangyayari.Bibigyan natin sila ng panahon para magsaya,para sa kanilang get-together at you know to earn more good memories para sa kanilang pag-iyak.Sisiguraduhin kong dadanak ang dugo mismo sa kanilang lupain,mismo sa kanilang kaharian,iiyak sila,iiyak sila ng walang hanggan,habang ako tatawa lang at pagmamasdan sila sa kanilang pagbagsak,hanggang sa ako na ang maghari sa buong Elementasya,
hahahaha"

Tama,yun ay mangyayari.Abangan niyo ako Armina at Megumi,sisiguraduhin kong nasa akin ang huling halakhak. Yuyukod kayo sa aking harapan at ako ang inyong kikilalaning reyna....

"Mahal na Reyna,nandito na po ang ating mga kapanalig.."

"Magaling,sige..dalhin mo ako sa kanila"
























~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt