Chapter 68:War Begins

Začať od začiatku
                                    

Matapos nun ay nagsimula na kaming maghanda habang may ginagawa pa ang aking mga kakambal at ang iba pa. Ginamit ko ang festival para maging curious sila, ngayon lalaban sila ng hindi kumpleto at salamat kay Mayuri may ideya na ako para sa gagawin ng mga estudyante ng academy.


End of Flashback...

"Ngayon Flame ang signal"sabi ko kay Flame. Tumango naman sa akin si Flame saka isang napakaliwanag na ilaw ang pumaibabaw sa kaniya pataas sa kalangitan at doon ay sumabog ito na bilang hudyat ng labanan.

"Magaling,ngayon Erina at Minho gawin niyo na ang inyong papel."sabi ko. Tumango sila at umalis na kaagad.

"Arianna,Akihito"tumango ako sa kamila kaya naman agad silang tumakbo ng magkahawak kamay patungo sa likod ng academy.

"Flame,Daniel kayo na ang bahala" sambit ko sa kanila. Ngumiti lamang ng nakakaloko si Flame saka na sila tumakbo papuntang entrance ng academy.

Sina Erina at Minho ay nandidito sa kagubatang nakapalibot sa academy, ito ay upang hindi nila magawang pasukin ang loob ng academy.

Sina Arianna at Akihito naman ay nasa lugar dito sa academy kung saan ay maaari nilang maging exit route.

Si Flame at Daniel naman ang bahala para sa entrance kung saan ay sasalubong sa kanila ang mga paparating na kalaban, ngunit hindi naman sila nag-iisa. Kasama nila ang mga white witches na proprotekta sa kanila gamit ang kanilang mga spells.

Dito naman kaming dalawa ni Andrei sa loob kasama ang mga estudyante at proprotektahan namin ang academy.

"Impressive,mukhang handang-handa pala kayo,Princess Airah" napalingon ako sa gawing likuran ko at nakita ko doon ang isang lalaki na may kasamang napakaraming balck elementals na pumapalibot sa amin. Pano sila nakapasok?

Napahigpit ang hawak ni Andrei sa aking kamay saka siya nagpalabas ng air blades sa dalawa niyang kamay.

"Let me introduce myself,I am Kent,the leader of the Ogres"pakilala nung lalaki saka naging malaking ogre.

Natulala na lang ako at napatitig sa kaniyang tramsformation. Nag-atrasan ang mga estudyante.

"Mahal na Prinsesa,matatalo po ba natin sila?" tanong nung estudyante kaya nakonsensya ako. Mga bata pa sila kaya dapat siguro pataguin ko muna sila.

"Mayka, magtago kayo muna at saka niyo na gamitin ang kapangyarihan niyo kapag may humarang sa inyo, huwag kayong mag-aalangang gamitin ang kapangyarihan niyo. Sa ngayon kami na muna ang bahala dito" sabi ko. Tumango naman sila at saka na umalis.

Napatingin naman ako sa malaking halimaw na nandito ngayon sa aking harapan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Andrei saka pasimpleng nagpalabas ng air sword sa kamay ko.
Kasabay nun ang pagpalibot ng makapal na hamog sa amin, tumango ako at humiwalay kay Andrei.

"Execute Plan A" bulong ko saka pinalitan ang hawak kong air sword at ginawa kong latigo na gawa sa hangin.

"Nasaan na kayo!naduduwag na ba kayo at pinagtataguan niyo na ako ngayon?! hahaha mga duwag pala kayo" tumatawa niyang sabi.

"Huwag kang pakampante"bulong ko saka pinatay ang mga namamataan kong black elementals na walang makita.

Walang ingay namin ni Andrei na inuubos ang mga nakikita naming mga black elementals na walang makita. Ng mawala ang hamog ay agad kong nakita ang malaki niyang katawan at ang maiitim niyang mga mata,na humarap sa amin.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now