Chapter 64:Kaanib

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo naman boto ako kay Flame!"-Erina

"Huwag nga lang kaming tustahin,haha"-Minho

"She will be a perfect leader"-Daniel

Napatingin naman si Flame sa kanilang lahat saka yumakap kay Airah. Lumuha pa ito.

"Isa itong malaking responsabilidad Airah, pero hindi ko alam kung anong kabaliwan itong naisip natin,naisip mo. Pero may tiwala ako sayo, gagawin ko ang lahat at hindi kita ipapahiya" natatawang sabi ni Flame saka kumawala sa yakap.

Ngumiti naman si Airah saka yumakap sa kaniya ang lahat ng mga kakambal niya.

Hanga talaga ako kay Airah,pareho sila ni Flame,matatag at matapang. Hindi siya marunong sumuko bagkus ay ginagamit niya ito para umahon at matutong lumaban.

Matapos ang yakapan nila ay nagkatinginan na lang kaming apat na magkakaibigan at tinawanan sila.

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan!"
inis na tanong ni Erina.

"Nakakatuwa kasi kayong panoorin eh" sagot naman ni Minho.

Mayamaya ay may pumulupot na vines sa kamay at paa ni Minho saka may dahon na tumapal sa bibig niya kaya hindi na siya nakagalaw at nakapagsalita pa,pero nagpupumiglas siya.

"Yan ang para sa'yo,neknek mo!"
sabi ni Erina saka binilatan pa si Minho.

"Hahahahaha"tawanan naming lahat, syempre maliban kay Minho.

Nakakamanghang isipin na sasabak kami sa isang madugong labanan pero hindi bakas sa mga mukha nila ang takot at pangamba.

Masaya lang silang lahat kasama ang isa't isa. Ako aaminin kong kinakabahan at natatakot para sa aking kaharian para sa aking minamahal, pero isa akong prinsipe at susunod na tagapagmana ng aming kaharian kaya magiging malakas ako at matapang para sa lahat ng pinahahalagahan ko.

"Malungkot ka ba o sadyang nagpapansin ka lang?"nagbalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses niya.

"Hindi ah,masaya lang ako"sabi ko sa kaniya kaya naman kumunot ang noo niya.

"Masaya ka kasi sasabak tayo sa labanan?Sira ulo ka talaga ano?ewan ko sayo!makaalis na nga lang!"bugnot na sabi niya saka ako tinalikuran pero hinila ko ang kamay niya at saka ko siya yinakap.

"Pangako,hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo kahit buhay ko pa ang maging kapalit"bulong ko sa kaniya.

"Baliw"mahinang sabi niya.










Airah's POV

Mayamaya ay may biglang lumitaw na babae sa aming harapan. Weirdo ng mukha niya at hindi namin siya kilala,nakangiti siya ng nakakaloko kaya agad kaming humanda,baka kalaban siya.

"Sino ka?"tanong ni Andrei sa kaniya saka ako itinago sa likod nito.

"Huwag kayong mag-alala hindi ako kalaban at nandito lamang ako para tumulong "nakangisi niyang sabi.

"Pano kami nakakasiguro na totoo 'yang sinasabi mo?"inis na tanong ko sa kaniya saka itinaas ang kabila kong kilay kasabay ang paglakas ng hangin dito sa paligid. Naiinis kasi ako sa kaniya,hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

"Isa pa hindi naman kami baliw para maniwala agad sayo. Aside from the fact the baka kalaban ka, maybe nagmula ka rin sa mga kasamahan ni Akera na pinapunta dito para kami paslangin!"mataray na saad ni Flame saka nagliyab ang mga kamay niya.

"At bakit ka naman nakangisi diyan. Mas lalo kang nakakakilabot"saad naman ni Erina saka humigpit ang pagkakahawak sa braso ni Minho.

"Bahala kayo kung maniniwala man kayo o hindi. Pero sasabihin ko sa inyo na magtungo kayo sa Rosetania, yun ang una niyang sasalakayin. At mag-iwan kayo ng hukbo dito. In short hatiin niyo ang grupo, niyo. May hukbo kayo na susugod sa Dark Kingdom habang wala sila. At panigurado na mananalo kayo,farewell"sabi niya saka biglang naglaho.

Sino kaya ang babaeng 'yun?
Bakit niya sinasabi ang mga yun sa amin?Bakit ang dami ata niyang alam?Nakakapagduda naman.

"Don't tell me Airah na maniniwala la doon" sabi ni Flame ng tumingin ako sa kanila.

"Sinabi ko ba?"tanong ko sa kaniya kaya sumilay ang ngiti sa labi nila.

Kung ganun may plano siya na hindi maganda. Tuso siya at mapapansin mo yun base sa kilos at pananalita niya, gusto niya na magkagulo-gulo ang lahat ng mas madali niyang magapi ang mga kalaban niya. Hahayaan niya kaming magpatayan at papatayin niya rin ang mananalo,tulad  siya ni Akera uhaw sa kapangyarihan at baliw sa paghihiganti. Kung tama ako,siya nga kaya si Mayuri?Ang anak nina Mommy at daddy?

"Stick to plan tayo, pero may kaunting pagbabago"sabi ko ng nakangisi.

"Sino kaya siya?"tanong ni Arianna.

"Siya si Mayuri,kasamahan nga siya ni Akera" saad ni Akila.

Shoot,tama nga ako.
So it will be show time....*evil smile*
Let the game begin...






















Queen Akera's POV

Ginagalit talaga ako ng mga prinsesang yun! pwes hindi ko sila hahayaan na gawin ang mga nais nila!

Nandito ngayon si Mayuri at isinalaysay niya sa amin ang mga plano ng mga royalty at masasabi kong mangha ako sa lakas ng loob nila.

"Gamit ang aking kapangyarihang makapaggaya ng wangis ng ibang tao,mula sa malayo ay pinakinggan ko ang plano nila at mukhang hindi nga sila magpapatalo. Tutungo sina Princess Airah,Arianna at sina Prinsipe Akihito at Andrei sa mga tribo ng mga  Fairies,pixies,mermaids,werewolves,
white witches,and vampires,sila ang plano nilang gawing kaanib." nakangising ulat ni Mayuri.

Kung ganun...yun pala ang plano nila.
Mas mabuti nang unahan ko sila bago pa man nila magawa ang nais nila.

"Orga,tawagin ang iyong hukbo at sugudin ang tribo ng mga Fairies at patayin silang lahat, siguraduhin mong wala ni isa sa kanila ang matitirang buhay."utos ko kay Orga ang hari ng nga ogres.

"Masusunod Akera.....tayo na"sagot nito saka umalis na sa harapan ko.

"Ang mga natitirang mga pinuno,pumili kayo ng inyong uubusing tribo at lumakad na kayo ngayon din" utos ko sa iba.

"Mahal na Reyna bakit hindi niyo po pasugurin ang natitira niyong mga sundalo sa kaharian ng Rosetania habang wala pa silang alam. Natitiyak kong matatalo niyo sila lalo't ang alam nila na pagbilog pa ng buwan ang inyong pagsalakay"suhestiyon ni Mayuri.

Hindi ko maitatanggi na magaling si Mayuri. Gusto ko ang plano niya,at alam ko na mataas ang posibilidad na matatalo namin sila.

"Paano ang mga prinsesa?"tanong ko. Baka sila makatunog papalya pa ang plano at ang masaklap pa kung sila ang sumugod ay matatalo kami lalo't wala dito ang iba kong mga kaanib.

"Huwag ho kayong mag-alala sapagkat ako na ang bahala sa kanila" sabi nito saka biglang naglaho sa aking harapan.

Igaganti ko kayo, aking mga anak.





































~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon