Prologue

3.7K 61 1
                                        

Prologue

"Bessyyyyyyyyy! Gising naaaaaa!"

Ano baaaa! Nakakainis naman tong babaeng to ang aga aga nambubulabog.

"Madam! Ano ng oras bumangon ka na dyannnn!" Sigaw nanaman nya at hinila pa ang paa ko.

Di ko sya pinansin at bumalik nalang ulit sa pag-kakahiga inaantok pa talaga ako.

"Hoy! Aba ang tindi mo rin e no! Bumangon ka na baka ma late pa tayo!"

Anong pinag sasa-sabi nitong babaeng to, anong baka ma late san kami pupunta?

"San ba tayo pupunta?" Inaantok na tanong ko sa kanya.

"Aba itong gagang to! Mag papa enroll tayo ngayon! Diba sabi ko sayo nung nakaraan"

ay shit! Oo nga pala ngayon pala kami papa enroll.

Dali-dali akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo. Pinababa ko narin muna si Aica, bestfriend kong loka-loka pag di ko kasi sya pinababa tiyak guguluhin nanaman ang mga gamit ko.

4th year high school na ako this coming school year at ngayon kami mag papa enroll. Familiar sakin yung school kasi dun ako nag elementary noon. Ngayon nalang ako makaka balik ulit dito after 3 years kasi lumipat kami ng family ko sa states kaya doon ako nag 1st year-3rd year. Ngayon napilit ko sila na dito nalang mag aral ulit pinayagan naman nila ako kaso di ko sila kasamang umuwi kasi marami silang inaasikaso dun kaya ako lang mag isa umuwi.

Si Aica naman ay kilala ko na bata palang kami kasi malapit lang ang bahay nila dito samin, naging mag best friend kami kaso umalis sila at nag punta ng states kaya nag kahiwalay kami. nag kita nalang ulit kami nung nag punta na kami ng states basta ganon mahabang kwento.

Bumaba na ako ng kwarto at nag aantay na sakin si Aica sa may sala hindi narin ako kumain kasi nag mamadali na rin kami baka kasi ma late na nga talaga kami.

"hays! Kanakabahan ako! ngayon nalang ulit ako makakabalik dun" sabi ni Aica kasalukuyan kaming nasa sasakyan ngayon kasama yung driver namin.

"ang OA mo, kabahan ka sa first day. Mag papa enroll pa nga lang tayo o!"

"Maka OA naman to! Sana naman mag karoon tayo agad ng mga kaibigan, para naman kahit papano may kilala na tayo sa pasukan."
"Alam mo bess na balitaan ko na ang daming gwapo na nag aaral dun, excited na ko! HAHA" ito talagang babaeng to.

"Ewan ko sayo! Puro ka kalokohan!"

Ilang sandali pa ay natanaw na namin ang malaking Building ng school.

'Marbury Christian Academy'

Star SectionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon