Chapter 1

49 1 0
                                    

Chapter 1

"Dy, okay lang ba talaga sayo na dun ako mag-aaral?"

Kabadong sabi ko kay Ian.

"Julianne wag kang magaalala. Okay lang sa akin. Para naman mabantayan mo si Tito."

"Sige na nga. Salamat Dy."

Uuwi kasi ako sa amin sa Dumaguete. Tumawag si Mama sakin kagabi para ibalita na may sakit si Papa sa kidney at kailangan niyang magpa-dialysis. Kaya kailangan kong lumuwas.

"Please, wag ka nang malungkot. Makakaya natin yan. Basta tatawag ako sayo para hindi mo ako mamimiss. Okay. I love you My." Sabi niya sakin at yumakap.

"I love you too dy."

Pagkatapos naming magusap ni Ian ay pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko na si Jaye.

"Jaye, babalik na ako sa probinsya at dun na ako mag-aaral."

"Talaga?! Seryoso?" Sabi niya in a joyful tone.

That's strange. Parang excited yata siyang umalis ako rito sa Cebu City.

"Ahhh yah." Sabi ko na lang ka sa kanya.

"Kailan ang alis mo? Bukas na?" Sabi niya sakin na parang natutuwa.

"No! No. Next week pa Jaye."

"Okay lang yan, maraming opportunities don."

"Yah. I guess you're right."

Hay. Diba dapat I discourage niya ko na lumipat sa probinsya? Pero bakit parang pinapaalis niya ako?

After a week, umuwi na ako sa amin. Tuwang-tuwa sila mama na nakauwi nako kasi matagal na akong hindi pumupunta dito.

Pagdating ko sa amin, tinawagan ko agad si Ian pero unattended siya. Sa isip ko, baka tulog na sya kasi 11 na. Tinawagan ko din si Jaye tinawagan ko pero out of coverage area siya.

Naghanap kaagad ako ng summer job. Para naman matulungan ko financially ang aking pamilya kahit papaano. Sa loob ng isang linggong pagtratrabaho, minsan lang kami nakakapag-usap ni Ian. Bawal kasi magcellphone pag job hours.

Hindi din siya tumatawag sakin. Makakapagusap lang kami pag ako ang tumawag pero hindi din mag tatagal kasi limited lang ang paggamit ng cellphone sa trabaho.

Si Jaye, di ko alam. Di ko na siya ma contact. Feeling ko nag change yun ng number. Pero kung papalitan nya ang number nya, diba dapat ipapaalam niya sakin kasi bestfriend niya ko?

One day, nag text ako kay Axel para ipaalam sa kanya na babalik ako ng Cebu.

Text Message

To : Ian Dy♡
  Dy, babalik ako jan sa Cebu. Pero hindi din ako magtatagal kasi 3 days lang ang hiningi kong leave.

From : Ian Dy♡
   Ah, ganon ba? Okay.

What the heck! Ganon lang yun? Wala man lang bang I miss you? After 2 months namin hindi magkita?

Inipon ko ang aking sweldo. Para sa plano kong icelebrate ang aming 3rd Anniversary. Di kasi ako sure if makakabalik pa ako. Pero na udlot kasi sinugod si papa sa hospital para ipaopera sa kidney. Ang pera para sa anniversary namin ni Ian ay napunta sa gamot ni papa. Kaya hindi ako nakabalik ng Cebu. Tinawagan ko si Ian para mag-sorry pero hindi ko ma contact.

Isang araw, nag open ako ng facebook. Plano ko sanang i chat si Jaye at ipaalam sa kanya na na ospital si papa kasi close sila. Pero hindi ko mahanap ang account nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Letting GoWhere stories live. Discover now