#7 - Kabit (Dagli)

54 0 0
                                    

Kabit
ni Sponggyana


"Ano ba, 'ma? Hindi na niya tayo mahal. Hindi mo ba naiintindihan iyon?" Buo-buong patak ng luha ang dumadaloy sa pisngi ng kaniyang inang si Fely habang nakatanaw sa amang si Jio papalabas ng kanilang garahe.

Pigil-pigil ng kaniyang mga Kuya si Fely na pilit pinahahaba ang braso upang abutin ang asawa niya.

Wala siyang magawa kundi ang umiyak sa kanilang sinapit. Sa murang edad ay nasiwalat na niya ang katotohanan na sa wakas ay nalaman nila na ang tatay niyang nagpapakasasa sa trabaho-- ayon sa pagpapaalam nito tuwing aalis ay  ipinagpalit sila sa hindi katanggap-tanggap.

Sa sobrang pagmamahal ni Fely sa kaniyang asawa ay nakawala ito sa mga bisig ng kapatid, habol-habol ang asawa niyang sinukuan na siya.

"Mama!" Sabay-sabay na tawag nilang magkakapatid ngunit hindi nagpapigil si Fely. Mas binilisan nito ang takbo patungo sa asawa niyang bitbit-bitbit ang mga damit.

Sinundan nila ang kanilang ina. Sa bawat paghakbang ni Trisha ay ang kaba na nadarama. Pinananalangin na sana'y hindi maabutan ng Ina niya ang kaniyang Ama, kundi mas lalong masasaktan ang kaniyang ina sa malalaman.

Isang buwan na buhat nang malaman niyang nagtataksil ito sa kaniyang Ina ngunit hinayaan niya upang hindi masira ang kanilang pamilya, ngunit mismo ang panganay na Kuya na niya ang nakakita. Agad na sinumplong sa kaniyang Ina na ngayo'y naging bunga ng gulo sa kanilang buhay.

"Jio! Jio! Jio, bumalik ka!" Humahangos ang boses ng ina. Hingal at pagod na sa kakatakbo.

Napansin niyang huminto sa pagtakbo ang kaniyang mga kuya gano'n din ang kaawa-awa niyang ina.

Nasilayan na ni Fely ang taong ipinalit sa kaniya..

"Jio.. bakit?" Hindi nakasagot ang kaniyang Ama. Nakatitig lang ito sa asawa niya at sa kanilang mga anak.

Puno ng awa ang nararamdaman ni Trisha sa kaniyang Ina. Hindi niya alam kung papaano aaluin ang puso nitong ramdam kong may milyon-milyong kutsilyo ang nakatusok.

Nilapitan niya ang kaniyang Ina. Mas lalong lumakas ang mga hikbi nito't habol na ang paghinga.

"Tama na, 'ma. Paki-usap, tama na." Pagmamakaawa niya sa kaniyang Ina ngunit hindi ito nakinig.

Lumapit ito sa kaniyang Ama. Isang malakas na tunog ng palad ang maririnig sa paligid na tila sila lang ang naroroon.

Nasampal nito ang kaniyang Ama.

"Fely! Hindi na ako masaya! Mas nabibigyan niya ako ng mga gusto ko! Mas napapasaya niya ako. Mas nabibigyan niya ako ng pang-sugal ko!" Isa muling sampal ang iginawad ng kaniyang Ina.

"Oo, alam kong mahirap lang tayo. Pero, bakit?! Ipagpapalit mo kami, sa walang matress pa?!"

Random Stories Compilation.Where stories live. Discover now