#6 - Nagpasalin-salin (TNMJ)

34 0 0
                                    

Note: Tambayan Ni Mang Juan (Conscriptors First Anthology Book)
Soon...

Title: Nagpasalin-salin.
Penname: Sponggyana

Malapit ng mabigyang liwanag ang buwan nang mapagdesisyonan ng aking asawa na umalis. Mag-se-service raw ito sa kaniyang pinsan na may sisingilin.

"Sasama ka ba?" tanong sa akin ng asawa kong si John.

Isang linggo na kaming nakikituloy sa bahay ng kaniyang lolo't lola; dito sa Nueva Ecija. Bakasyon lang ang aming pinunta. Nagbabaka-sakaling naisin ko ang buhay roon kapag kami'y kinasal na.

Sa tingin ko nama'y maganda ang buhay rito. Hindi naman masyadong probinsya ang dating dahil hindi ito bundok, walang dagat at mausok din gaya ng sa Manila.

Sa umaga'y sariwang hangin at malamig na hamog ang sasalubong kaya't kaysarap gumising. Sinamahan pa ng malambot na pandesal na tinernuhan ng mainit na kape ang karaniwang almusal.

Malayong-malayo sa Maynila ang buhay-umaga na hindi na magagawa pang kumain dahil sa dami ng ginagawa.

Sa labas naman ng bahay ay ang tunog ng mga sunod-sunod na sasakyan.

Trycicle ang malimit na kinabubuhay ng tao rito. Halos lahat ng mag-asawa ay may sari-sariling traysikel kaya't kabi-kabila ang linya ng puwede nilang pagpasadahan.

Sa gabi nama'y hindi mainit ang klima at hindi rin malamig. Sakto lang para sa akin.

Alas siyete pa lang ng gabi at tahimik na ang buong kapaligiran. Bagama't may hawig sa Maynila ang lugar dito, hindi maitatangging buhay probinsya pa rin ang nananalaytay sa gabi.

"Ano pa bang gagawin ko rito? Siyempre sasama ako." Pananaray ko sa kaniya atsaka inismiran pa. Hindi ko alam kung bakit mainit ulo ko sa lalaking 'to. Lately, parang hindi na makatarungan ang pagiging topakin ko.

Agad akong nagbihis, nag-ayos at nagtali ng buhok. Mas gusto kasi ng asawa ko na nakapusod ang mahahaba kong buhok. Mas maayos daw tignan kaysa nakalugay.

"Tapos ka na ba?" tanong niya. Nasa labas na kasi siya't inaantay ako. Siya kasi ang magda-drive ng trycicle kaya't nagmamadali.

"Sandali, patapos na ako mag-kilay!" sigaw ko. Oo, isa ako sa mga babaeng hindi umaalis nang hindi nagkikilay. Para kasi sa akin, mukha akong si Lucia Joaquin kapag hindi makapal ang kilay ko.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin. Agad akong tumungo sa kinaroroon ng aking asawa kasabay ng pag-angkas sa kaniyang likuran.

Mabuti't nakapagsuot ako ng Jacket. Sigurado akong maginaw na naman mamaya lalo pa't umaandar ang motor.

In-on niya ang kaniyang cellphone upang magpatugtog ng musika. Sinuot ko ang kanang parte ng earphone upang dalawa kaming makarinig.

Mayamaya pa'y nagsimula na siyang paandarin ang motor. Ganado ako't kumikendeng-kendeng pa habang sinasabayan ang tugtog na Closer ng The Chainsmoker.

Nawala ang topak ko't nabuhayang muli. Yumakap ako sa likuran ng aking asawa kaya't hindi ko inaasahang naka-idlip pala ako.

"Gising na, Pangga." Inalog-alog niya pa ang kaniyang likuran dahilan upang magising ako. Nakarating na pala kami nang hindi ko namamalayan. Gabi na rin kaya madilim at tahimik na ang buong paligid.

Pinagmasdan ko ang buong lugar sa abot ng aking makikita. Kitang-kita ang maliwanag na buwan sa aming puwesto. Tahimik na rin kahit sa iilang bahay-bahay na lalo pang nakapagpalamig sa simoy ng hangin.

Nakaupo lang ako sa motor katabi si John nang tawagin siya ng kaniyang pinsan upang iharim ang cellphone. Gagamit daw doon ng Calculator.

"Pasuyo naman kay Ate, Gah."

Random Stories Compilation.Where stories live. Discover now