8:00 P.M
Gywenneth's POV
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam na ako ng init. Pagkadilat ko nakita ko agad ang mukha ni Bianca na nakatingin sakin. Napansin ko na nasa ibang lugar kami. Nasa Classroom kami pero ibang-iba 'to sa classroom namin. Medyo madilim yung paligid at sobrang init.
Nasaan ako?
Tinulungan akong makaupo ni Bianca. Nang makaupo na, nakita ko pa ang iba kong kaklase at kita mo sa mukha nila ang bakas ng takot.
"Nasaan tayo? Hindi ito yung classroom natin ah. Tsaka ano yang suot-suot mo sa leeg? Ngayon ko lang yan nakita ah. Bagong choker mo ba yan?" Tanong ko kay Bianca.
"Hindi ko alam kung nasaan tayo pero mukhang classroom 'to na inabandona. Tsaka hindi lang ako yung may suot ng itim slash bakal slash mukhang collar ng aso na choker, lahat tayo"
Kinapa ko ang leeg ko at naramdaman ko ang lamig nito. Nang naramdaman ko na may 'choker' din ako, bigla na lang akong nairita. Parang may sumasakal sakin na ewan. Pinilit ko siyang tanggalin pero mukhang imposible dahil habang tinatanggal ko parang mas lalo akong naiirita.
Kung titingnan mo mabuti yung 'choker' parang collar nga siya ng aso na may tatlong maliliit na butas. Sa gitna naman parang may pulang crystal na nakadikit.
"Biancs, pano ba tayo nakapunta dito?" tanong ko ulit sakanya.
"Gywen, pwede bang wag ako yung tanungin mo kasi wala din akong masyadong maalala"
Sinubukan ko alalahanin lahat ng nangyari kanina. Naka school uniform pa kami kaya maaring nag-klase kami.
Teka, asan yung bag namin kung ganun?
Ang alam ko lang nilagay ko yung bag ko sa bus.
Bus?
.
.
.
.
Tama! Sa bus.
Ang naalala ko lang ay kagagaling lang namin sa field trip. Pero may parte talaga ng alaala ko yung malabo eh. Tulad na lang ni Bianca na natutulog sa tabi ko, si Niccolo na sinisiko yung bintana at yung lalakeng nakatayo sa harapan.
Siguro maalala ko din maya-maya.
Tiningnan ko pa ng mas mabuti yung classroom. Makakapal na yung alikabok sa mga gamit tulad ng teacher's desk, upuan, kabinet, etc.
Mukhang tinambak kaming Pascal dito sa likuran ng room para walang gamit na magulo. Maalikabok nga ang paligid pero nasa posisyon parin ang lahat. Nakasarado ang mga binta at pinto kaya siguro sobrang init dito sa loob.
Nasa horror film ba kami o ano?
Baka hinahanap na ako ni mama at ni papa. Mapapagalitan talaga ako nito pag nakauwi ako eh. Yun ay kung makakauwi pa ako.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko at mukhang walang isa sakanila ang gustong magsalita. Nakatulala lang yung iba at ang karamihan sa kababaihan ay nanginginig. Marahil dala ito ng takot o kaba. Napag-isipan ko na tumahimik na lang din pero maya-maya lang biglang may nagsalita.
"Uhm, excuse me but what are we doing here?"
Nilingon ko siya at nalamang si Christian pala. Nakatingin ang buong Pascal sakanya dahil sa siguro sa pagbasag niya ng katahimikan. Lumipas ang minuto at walang isa sa amin ang sumagot kaya sumandal na lang uli siya sa pader at nagsimulang magsalita mag-isa.
*BLAG*
Nagulantang ang buong klase sa biglaang pagtalsik ng pintuan sa harapan namin.
Kasunod nun ay ang pagpasok ng apat na armadong sundalo na nakalinya. Nang matapos na ang martsa nila biglang may sumunod na lalake na naka teacher's uniform. Mataba siya at mukhang may edad na.
Pamilyar sakin ang balangkas ng mukha at katawan niya.
"Gywen, Si Sir Reyes ba yun?" bulong na tanong sakin ni Bianca.
Tiningnan ko pa siya ng mas maigi at tama nga siya.
Humarap na sa amin si Sir Reyes at biglang tumawa ng pang demonyo.
32 students remain
YOU ARE READING
Pascal (Ongoing)
FanfictionBe sure to show no mercy in this game called Battle Royale. Kill or Be Killed
