Chapter 7: Forgetting Thank You

436 6 0
                                    

Chapter 7: Forgetting Thank You

Estella's Point Of View

Trinay kong paandarin ang kotse ko kaso parang flat na yung mga gulong sa likod. No, hindi ito pwede.

" Miss, buksan mo na tong bintana mo. Usap naman tayo." Sabi niya. Pero hindi ko sinunod ang gusto niya.
" Ayaw mo talaga." Inis na sabi niya akala ko aalis na sila kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero mali pala ako, lumayo lang siya para kausapin ang mga kasama niya.

At mukhang may masama silang balak.

Unti unti silang lumalapit at binasag yung binatan at binuksan yung pintuan.

Nilapitan ako ng isang lalaki at hinawakan ang buhok ko.

" Bagay ang kulay ng buhok mo girl. Anong kulay yan." Sabi niya.

" G-golden b-brown... b-bakit?" Kabang sabi ko.

" Wala lang. " at may pakembot pang nalalaman ito. Akala ko lalaki. Bakla pala. Jusko.

" Hayaan niyo siya. Akin na yang phone mo pati yung susi ng kotse. Kung ayaw mong masaktan." Pananakot niya saakin. Hindi ko pwede ibigay yung kotse, gift yan saakin ni mommh at daddy eh. Yung phone ko sarili kong ipon 'to.
" Bingi ka ba o sadyang nag bibingi bingihan? Sabi ko akin na yang susi mo at phone mo." Mahinahon niyang sabi pero para saakin hindi iton mahinahon.

" Bro, chill lang. Ano bang pangalan mo miss?" Sabi nung lalaking naka poker face.

" E-estella." Nginig kong sabi.

" Estella, pwede bang ibigay mo na lang ang gusto niya para hindi ka na masaktan." Mahinahon din niyang sabi.

Pero umiling ako, agad akong sinampal nung kaninang lalaki na kumausap saakin sa bintana. Super sakit niyang manampal. Feel ko namamaga na ang mukha ko.

Sinipa ko yung lalaking naka hawak saakin, kaya nag karuon ako ng chance para maka takas. Pero mabilis din akong nahuli.

" At susubukan mo pang tumakas." Sabi nung lalaking naka poker face.

" Please naman oh, patakasin niyo na ako. Wala naman kayong makukuha saakin." Pag mamaka-awa ko.

Nang may nag salita sa likod.

" Mga bakla ba kayo !" Sabi nung lalaking nag salita sa likod.

" Basta ako, bakla ako." Sabi nung baklang nasa gilid napa tawa naman ako.

Akalain mo iyon, nasa gitna na ako ng kapahamakan nakuha ko pang tumawa.

" Walang kamuang muang na babae ang pinapatulan niyo. " Malungkot na sabi niya. Ano bang ginagawa niya. Pa easy easy pa siya. Nasa panganib na ako.

" Sino ka ba? Na ngenge-alam ka eh." Sabi nung lalaking mukhang adict. Pero nginisian lang siya, hindi ko alam kung nainis o napikon yung lalaking adict pero agad niyang sinuntok yung lalaking nag salita sa likod.

" Ginagago mo ba ako? " sabi niya ulit at nag suntukan na silang lahat.

Lahat sila na patumba ng iisang lalaki.
" Ano ikaw! Gusto mo rin bang masaktan?" Tanong niya duon sa dalawang lalaking nakahawak saakin. Pero sa huli tumakbo na lang sila na parang mga lokolokong duwag.

" Miss nasaktan ka ba?" Alalang tanong niya.

" Ano sa tingin mo? Hindi?" Mataray na sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang

' Siya na nga ang tinulungan siya pa ang may ganang mag taray'

Parang ganun ang awra na mukha niya eh.

" Seryoso ako, okay ka lang ba." Parang nawalan ako ng boses at tumango tango na lang ako.
" Aray." Tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa tyan niya.

" Oh My God. May tama ka. " gulat na sabi ko, kaya nahawakan ko ang kamay niya kayanag karuon ng dugo ang mga kamay ko.

Nakikita kong unti unti siyang nang hihina. Kaya dinala ko na siya si pinaka malapit na hospital.

" Doc, kamusta na po yung patiente?" Tanong ko.

" He's fine. Sa totoo lang maswerte ang boyfriend mo at hindi malalim ang sugat niya. Pwede na siyang umalis bukas." At umalis na yung doktor. Ano daw? Boyfriend?... malabo yatang mangyari iyon.

Pumunta ako sa room nung lalaki at nakita ko siyang tulog. Kaya umalis na rin ako.

Pinagawa ko yung kotse ko, kaya nag taxi na lang ako.

Pagdating ko sa bahay at pagka pasok na pagka pasok ko. Bumungad agad sila mommy at daddy idagdag mo pa si Kuya.

" What happened?" Tanong ni mommy.

" Bakit ngayon ka lang naka-uwi?" Tanong din ni kuya. Si daddy easy easy lang. Buti nga hindi pa sumasabog ang bulkan eh.

" B-bakit ka mau dugo." Gulong tanong ni mommy.

" Im sorry, but I have a long day. I just need some rest. Ikwekwento ko na lang sa inyo yung ngyari mamaya. " at umakyat na ako sa taas. Naligo muna ako at natulog.

Pero bago iyon, naisip ko ulit yung lalaki na sumagip saakin kanina.

I forget to thank him, hindi ko rin nakuha yung name niya. Pero maswerte ako, dahil kung hindi siya dumating baka nasaktan na ako or worse baka wala na ako.

The Billionaire's DaughterWhere stories live. Discover now