Masaya sa Umpisa

377 1 0
                                    


Masaya tayong nag-simula

Pero malungkot tayo nag-tapos.

Ang mga sakit na sa'yo nag-mula

Heto parin ako't naka-gapos.

Malayo ang ating nilakbay

Sa pagmamahalan ay natangay

Ng biglaang lungkot at lumbay

Bakit ka nga ba nakipag-hiwalay?

Batid nating malayo ka at malayo ako

Pero wala tayong hindi kinakaya sa ganito

Inisa-isa 'kong mga pangako mo.

Pero 'di natupad gaya ng sinabi mo.

Ngayon at nasaan ka na?

Saan ka nga ba pumunta?

Hinahanap-hanap parin kita.

Kahit alam kong ang sakit-sakit na.


FB #HesperConstantine :)

Tula na galing sa pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon