Chapter 1

71 3 0
                                    

Lorenz Ivan Cruz

      Edukasyong pagpapakatao class today. Boring na naman 'to tulad last year. Tsk!

"Class, may ibibigay akong task sa inyo na kakailanganin nyo para mapirmahan ang clearances nyo."  sabi ni sir four eyes.

"Ano na naman kaya yun?" sabi ng mga kaklase ko.

"So, I'll be giving you the will to choose your partner and ang task nyo ay alamin ang kwento ng buhay ng magiging partner nyo."  Is he kidding? Seryoso ba sya? Kailangan ba talagang gawin yan? Eh kay Ma'am Charo Santos nga di ko kinekwento ang buhay ko, sa ibang tao pa kaya?

"Ivan! Ako na lang partner mo please!"  classmate # 1

"Hindi kayo bagay no! Kami ang bagay kaya, Ivan my love me please?"  classmate # 2

Ang ingay ng mga babaeng 'to. Mga Assumera. Paa at kuko ko nga di bagay sa inyo, buong ako pa kaya? Tss... Anong kalokohan ba kasi 'to? -____________-"

"Mr. Cruz, you may now choose your partner." sabi ni prof na apat ang mata.

Hmmm... Sino ba? Kapag lalaki, wala kaming masisimulan nito dahil malamang magpupustahan lang kami sa dota or other games. Kapag babae naman, manlalandi at mangfe-flirt lang... Sino kaya? *tick tock tick tock tick tock tick tock* Alam ko na! Si Ramirez!

"Sir! I want ms. Ramirez to be my partner." I said.

"What?!?"  classmate # 3

"Gosh! She's lucky." classmate # 4

"That nerd?!? Seriously?!?" classmate # 5

"Nice decision Mr. Cruz." sabi ni prof. Then nagsihanapan na ng partner yung iba.

"And bago ko pala makalimutan, kailangan nyo ring gumawa ng portfolio na naglalaman ng mga nalaman at natutunan nyo sa partner nyo. And para ipasa ko kayo, bago mag 2nd sem, I want you to showcase your talents as partners."

Pagkasabi nya nun, napatigil ako.... May talent kaya 'tong si Ramirez?

*RINNNNNGGGGGGGGGGGGG* Okay, dismissal na...

Habang nagsisilabasan na yung mga kaklase ko, napansin ko si Ramirez... Ang tahimik talaga ng babaeng to... Ang weird nya... Para syang may sariling mundo... Hindi ko tuloy maimagine kung may kaibigan to or wala...

"Ivan." sabi nya sabay lapit sa akin.

"Bakit Ramirez?" sagot ko.

"Bakit ako yung pinili mong partner?"

"Choosy ka pa.. Yung iba nga dyan nagmamakaawang piliin ko pero hindi ko pinili.. Tapos ikaw na isang tahimik na nilalang ang pinili ko... Wag ka na ngang maarte Ramirez."

"Don't call me Ramirez."

"Eh sa hindi ko alam first name mo eh. Edi surname na lang."

"Sabrina Ericka ang first name ko okay?"

"Okay fine."

"Kelan pala tayo magsisimulang gawin yung task?"

"Bigay mo na lang sa akin number at address mo."

"Huh?!? Bakit?!? Pwede namang sa library na lang tayo gumawa ah."

"Sa tingin mo ba may magagawa tayo kung merong mga babaeng aali-aligid at mangungulit?"

"Wala..."

"Wala pala eh... Edi sa bahay nyo na lang."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ganun yung mga pinagsasasabi ko. Pero she gaved her phone number and home address...

Isang tahimik na nerd kikilalanin ng isang gwapong sikat na estudyante... Sounds interesting!

*Insert any ringtone here xD*

MONIQUE (+639991234567) Calling...

>>Accept<< >>Decline<<

Decline!

Ano pa bang gusto ng babaeng 'to? Makapagpalit na nga ng number. Ayoko ng balikan ang past.

A Former Heart Breaker's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon