MAG isa na naman nakaupo si Farriana sa garden ng eskuwela. Dala-dala ang mga makakapal nitong libro na related sa kanyang kurso, ang itim na bagpack niya ay nakalagay sa kanyang tabi, ayaw niyang magkaroon ng space ang bench na inuupuan niya sa dahilang ayaw niyang may maupo rito bukod sa kanya, suot suot ang itim na t-shirt na may tatak na 'Gothic is Sexy', short na puti, at gladiator na sandal hanggang binti.
"Hello." Nag angat siya ng tingin para tignan kung sino ang nagsalita.
Bumungad sa harapan niya ang isang lalake na nakangiti with braces, halatang mayaman dahil makinis, maputi and not to mention, gwapo. Maganda rin ang pagdadala nito ng damit na siyang dahilan ng pagtaas baba ng tingin ni Farianna na tila ba'y ini scan niya ito na parang gamit.
"Yes?" Takang tanong niya. Her voice is full of confusion since hindi niya kilala ang lalakeng nasa harapan niya.
"Am I disturbing you?" Takang tanong ng lalake. Tumaas ang isang kilay ni Farriana dahil sa narinig.
"Yes, what do you want?" Saad ng dalaga sa tuno ng pagkairita tsaka niya pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Can you help me? I think nawawala ako, transferee lang ako, hindi ko mahanap ang building ng Architecture." Kwento ng lalake. Natigil ulit sa pagbabasa si Farianna at tinignan ang lalake.
"Really?" Sarkastik na tanong ng dalaga. Tumayo na siya at kinuha mga gamit. Nagtataka naman ang lalake kung tutulungan ba siya ng dalaga o aalis na?
Naglakad ang dalaga pagkatapos bitbitin ang mga gamit. Naiwan naman nakatayo ang lalake habang nakanga-nga, hindi makapaniwala na may tumanggi sa kanya, na may babaeng nag walk out sa kanya.
"Ano, sasama kaba o tatayo ka nalang diyan?" Wika ni Farianna, lumiwanag naman ang mukha ng lalake tsaka sila naglakad.
Habang sila'y naglalakad ay panay tanong ang binata tungkol sa eskuwela, mga buildings na bawat madaanan nila, at saan ang canteen at kainan. Kahit nagsusungit si Farianna ay panay tanong parin ito. Dahil sa kakulitan ng binata'y wala ng choice si Farianna kundi ang itour niya ito para manahimik na.
She's Farianna Syniatiac, tahimik na tao. Ayaw sa mga tao at ginagawang self defense ang kasungitan para walang mag take for granted sa kanya. Kahit na ang totoo ay mabait at may ginintuang puso ito. She hates only herself for being too good with others kaya naman gumawa nalamang siya ng harang, that's why she's always alone and has its own company.
"Maraming salamat, I'm Leanard Wizerd." Pakilala ng binata sa sarili habang nakatayo sa dean ng building ng architecture.
"I'm not interested, btw you're welcome."
Pumasok na si Farianna sa second class niya since 7 minutes nalang before ang klase niya. Pansin niya na bumubulong ang kanyang mga kaklase, tila ba'y naging pugad ng buboyog ang kanilang silid. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagbabasa ng libro na naudlot kanina.
"Hay naku, uma aura na naman ang mga malalandi ngayon. Tag ulan na kase kaya kumakati na, diba Farianna?" Natigil siya sa pagbabasa para mag angat ng tingin.
Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ng kaklase. Hindi niya alam kung ano ang irereact, kung tatawa ba siya o kakalmado?
What the hell? She thought
"Pardon?" Yan na lamang nasabi ni Farianna, hindi parin kase nagreregister sa kanyang utak ang narinig. Hindi siya tanga para hindi mahalata na siya ang pinaparinggan tsaka alam niyang galit sa kanya ang kaklase. She's even wondering kung panu nila nalaman na may kasama siya kanina?
"Hindi na ako magtataka, malandi ka nga talaga. Pati boyfriend ko sinulot mo tapos isusunod mo si Leanard? You're a slut! Gabi gabi kayo nagkakasama ng boyfriend ko nun diba?! Ikaw pa nga pumupunta sa bahay nila! I wonder kung gaano na kaluwang yan makati mong gitna." Galit na tanong at wika na nito. Tumaas na ang kilay ni Farianna dahil sa inasta sa kanya ng kaklase, ang ayaw niya sa lahat ay ang tinatawag siyang tanga at malandi.
"Edi lamunin mo. You don't even have the right to accuse me by the way, I expect something more about you since you're a Political Science student right? Before you open up your dirty mouth make sure everything you will say are accurate and facts and evidence are available. What a shame. College kaba talaga o high school? Or elementary na naligaw dito sa College?"
Akmang sasampalin na siya ng kaklase kasu may humawak sa kamay nito na siyang dahilan ng di pagkatuloy. Pagtingin nila kung kaninong kamay iyon ay napanga-nga sila. It was Garren Shoun, ang isa sa sikat sa campus. Ang ex ni Cherisity.
"Subukan mo. Makakatikim ka sakin kahit babae ka." Matigas na wika nito. Mas lalung nagkasalubong ang kilay ng kaklase ni Farianna nasi Cherisity dahil sa inasta ni Garren, ex niya.
"Ano? Ipagtatanggol mo pa siya? Bakit?! Kung sabagay, naghiwalay tayo dahil sa babaeng yan!" Halos mangiyak iyak na wika ni Cherisity.
"Isa pa Che! Masasampal na kita! Duty ko na ipagtanggol ko siya!"
"At bakit?!"
"Because she's my cousin!" Nag react ang lahat ng marinig ang wika ni Garren. Hindi sila makapaniwala.
"She's your.... WHAT?!"
