Chapter 3: Mr. Potato

12 2 0
                                    


Narrator's P.O.V

Pagkatapos maligo ulit ni Happy ay agad siyang humiga sa kama at tumingala sa kisame ng kwarto niya. Kung ano anong mga bagay ang pumapasok sa isip niya ngayon, na kesyo kung magiging epic nanaman ba ang araw niya bukas o sa mga sumunod na araw o kung mapapanaginipan niya ba ulit yung 'Prince Charming' niya sa panaginip niya o kung makikilala niya na ba kung sino ba talaga yung 'Prince Charming' niya...

Habang tulala at lutang na lutang ang kaluluwa at isip ni Happy ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya, mukhang may nagtext yata sakanya...

...

Happy's P.O.V

Lutang na lutang sa kawalan ang pag iisip ko sa mga bagay bagay ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nakalagay lang pala sa may bulsa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang message na natanggap ko...

From: Bespren Damulag :-P

Oy bespren! Nakauwi na pala ako, kamusta na? Namiss kita tomato! Haha \\//

Yan nanaman siya sa 'tomato' call sign nya errrrr! Alam niyo kasi kaya ako tinawag na tomato ng damulag na yan eh dahil daw kapag kinukurot niya ang pisngi ko eh ang cute daw, parang kasing pula na daw ng kamatis ang itsura ng cheeks ko! Huhuhu brutal yan kung kumurot sa pisngi ko eh!

Nagreply naman agad ako sa text ni damulag...

To: Bespren Damulag :-P

Oh buti naman at nakauwi ka na damulag! Nga pala yung pasalubong ko ha? Haha bigay mo na lang sa akin bukas sa school! Btw. Namiss din kita mokong kaa!

Sinend ko kaagad ang message ko kay bespren, infairness halos two weeks din pala siyang nawala at namiss ko rin 'tong damulag kong bestfriend... Nagreply ulit siya sa text ko...

From: Bespren Damulag :-P

Tsk! Namiss daw? Baka nga namiss mo lang yung pasalubong ko at hindi ako Hmp! Di kita bigyan dyan ng pasalubong tomato eh!

To: Bespren Damulag :-P

Hoy! Grabe ka naman! Totoo kayang namiss kita damulag ka! Drama mo dyan eh!

From: Bespren Damulag :-P

Psssh! Oo na, namiss mo na. Bibigyan naman talaga kita ng pasalubong kahit 'wag kang magsabi. Oh sya matulog na nga tayo tama na emote mo dyan! Baka malate ka nanaman bukas! Hahaha.

To: Bespren Damulag :-P

Hoy damulag na patatas! Sinong nag e'emote? Tss di naman ako nag e'emote dito! O.A ka para kang si kuya. Oh sige na nga tama na to! Tulog na tayo! Istorbo ka Mr. Celestine! Haha

From: Bespren Damulag :-P

Wushuu! Istorbo daw eh namiss naman! Haha oh sige na Good Night na Ms. Tomato! Haha sweet dreams! Kitakits nalang bukas!

To: Bespren Damulag :-P

Tss! Sige na Good Night na din Mr. Potato! See you tomorrow! Yung pasalubong ko ha? 'wag kakalimutan haha lol.

Pagkatapos ng nakakabaliw na conversation namin ng bestfriend kong damulag na patatas malamang sa malamang eh nagtataka kayo kung saan ba siya galing or kung saan siya pumunta at higit sa lahat kung bakit damulag na patatas ang tawag ko sakanya (dahil kanina kinwento ko na kung bakit tomato ang tawag niya sa akin kaya ayun haha) well... Kaya damulag na patatas ang tawag ko sakanya eh kasi di ba TOMATO ang tawag niya sa akin well naisip kong POTATO nalang para POTATO+TOMATO.....Boom! Perfect combination! Oh di ba? Pwede na kaming lutuin noh? Haha sorry minsan weird kami nun ni Mr. Patatas hahaha tsaka pala kaya halos two weeks siyang nawala eh nagseminar sila ng mga ka'journalist niya at ng school paper adviser nila sa Tagaytay, kaya kakauwi niya palang kanina. Ang bongga nila noh? Magseseminar lang naman eh sa Tagaytay pa? Hahaha Pero atleast may pasalubong siya sa akin at galing pa yun sa tagaytay kaya waaahh super excited na talaga ako para bukas ahahaha sige ako na atat! Haha..

Buti naman makikita ko na ulit si damulag na patatas sa school namiss ko talaga kakulitan nun pati na rin yung mga trip namin... Haha super excited na akong makita ulit yung bestfriend kong baliw hahaha...

Waaaaah! Bespren kong Damulag na patatas! Namiss kita! Hahaha! Sa wakas! Makikita na rin ulit kita bukas! Bwahahaha

I'm Stupidly Inlove with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon