"Don't worry, Miss Sy. This is only a warning."pukaw niya sa isipan kong naglalakbay. Without saying anything more, tumalikod na ako. "And can you check the last page, please?"

I stopped. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Written in bold letters, the statements say: I LOVE YOU. I WILL, G. Always.

Hindi ko magawang humarap sa kanya matapos basahin 'yon. Lecheee. Pati mga daga sa dibdib ko, nagrarambulan na. Ugh. Hindi ko rin magalaw ang paa ko. Umiinit ng sobra ang pisngi ko. Ano'ng nangyayari sa'kin?

Tinatanong pa ba 'yan G? Like seriously?

"Brown eyes."

Damn. Damn. Ano na???? Napapikit na lang ako nang naramdaman ko siyang nakayakap na sa'kin from behind. A pair of tears fell off from each corner of my eyes.

"Please... Don't go away. Stay in my life, brown eyes."

"RC. Stop this, will you?"

Sa sobrang inis ko ay wala akong ibang nasabi. Bagkus pa ay umiyak na lang ako.

"G... alam ko namang mahal mo parin ako eh. Look. Of all people, it's you who can understand better what I feel towards you. Naranasan mo rin 'to diba? I just can't ignore it. Hayaan mo naman akong mahalin ka---"

"Hindi na nga pwede! Ano ba'ng mahirap intindihin do'n! Hindi na pwede, Cynth. Kaya tumigil ka na oh. Things are different now."sumamo ko nang harapin ko siya. "I don't want to hurt my fiancé so please... tigilan mo na ako."

Bago pa niya ako mapigilan, tumakbo na ako palabas ng office. Umiiyak akong dumiretso sa CR. Doon na ako humagulhol ng malakas. Dapat masaya na ako ngayon. Mahal ako ng taong mahal na mahal ko... Pero hindi ko magawang magsaya. Hindi ko kayang maging makasarili. In the first place, ako mismo ang pumasok sa gulong 'to. I was too broken last time that made me ask Fyle to marry me. That was really crazy, wasn't it? Pero gusto kong panindigan ang sinabi ko sa araw na 'yon dahil ayokong may masaktan na namang ibang tao.

xxx

One week more to go and it will be our graduation. Finally, makakawala narin ako sa pangungulit niya. Yes. Our last encounter at the Student Affair's Office didn't stop him from badgering me, which was so annoying. Feeling ko, kunting push nalang niya, tuluyan na akong mawawala sa katinuan ko.

Hindi niya alam kung gaano kahirap balewalain siya. Siya na nag-iisang minahal ko sa loob ng mahabang taon. Siya na nakakapagpasaya sa'kin ng sobra without even doing anything. Siya na... mundo ko.

"Miss Sy!"gigil na asik nong matandang guro namin na siyang nagsusupervise ng graduation practices namin.

Ayan bess. Kita mo na? Pahamak lang sa'yo 'yang RC na 'yan eh. Naiwan na pala kasi ako sa linya sa kakaisip ko sa nakakaasar na nilalang na 'yon.

"G? Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ni Khei sa'kin during breaktime. "Bigla kang natutulala."

"Okay lang ako. May naisip lang."

"May ipagtatapat nga pala ako."saad niyang nagpakaba sa'kin. "Ayokong maulit ang nangyari dati sa'tin. Kaya kahit na anong mangyari, gusto ko lang na... alam mo 'yong totoong nararamdaman ko."

"Hindi na 'yong mauulit pa, bess."

"Well. I hope so... ang totoo kasi G... just last week when Fyle wasn't able to fetch you, he was with me. Naglasing ako and I was so scared dad might know. Siya 'yong natawagan ko."

I don't know where she's leading me to but...

"G. I kissed him... I kissed your fiance. Nothing happened to us more than that. But that night made me recognized the pain I was feeling. Partly, it's because of RC. Pero nakapa ko sa dibdib ko, G... I like him. I like your fiancé."she courageously confessed.

Desperately In Love°[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now