"You're weird," natatawang sabi ni Rhea. "Oh, Reah! Nandito ka rin pala!" Rheallyn smiled softly at me. Kaagad ko namang hinawi ang luha ko bago ngumiti.

"Yeah..." tipid akong ngumiti at kinagat ang labi ko.

"Dash, babe," ani Rheallyn.

"Hmm?" Paglingon ko kay Dash ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at bumaling kay Rheallyn.

"Isn't it amazing, we have the same nickname!" she exclaimed. Mabilis na bumaling pabalik sa akin si Dash bago tumango.

"Yeah..." I saw a glint of unknown emotion in his eyes.

"Bakit nga pala kayo magkasama?" aniya.

"Uh..." napatingin ako kay Dash at tumikhim siya bago bumaling kay Rheallyn.

"Nothing, babe, she just asked me where Thallia is..." Napatungo ako sa sinabi niya. "Right, Reah?" He asked me. Marahan akong tumango at tipid na ngumiti sa kanila.

"Y-yeah, tinanong ko lang," I shrugged and took a glance at Dash who was biting his lip. "Sige, mauuna na ako," paalam ko bago tumalikod sa kanila.

Habang papalayo pa ako ay narinig ko pa ang pag-uusap nila.

"Babe, hatid mo ako sa sasakyan?" ani Rheallyn sa malambing na tono.

"Sure," he answered.

Tumigil ako saglit para sumulyap sa kanila at napapikit na lang nang makitang magkahawak ang kamay nila habang papaalis.

Pagkasara ko pa lang ng pinto ng kwarto ko ay nagsibagsakan na ang mga luha ko kaya pumunta ako ng banyo para roon umiyak.

It hurts me because I was in front of him but he can't recognize me pero hindi naman niya kasalanan. I lied so I won't blame him for all of this.

That's the consequence of your decisions, Reah. You have to bear that no matter what it takes, para sa sarili mo, para kay Dash.

I closed my eyes, sighing hard as the tears fell on my cheeks again.

Isa sa masakit ay 'yong makita silang harap-harapan na masaya sa isa't-isa at 'yong pagkakataon ko na para umamin pero hindi ko masabi sa harapan nya, hindi lang dahil sa ayokong masira sila, ayoko ring kamuhian niya ang ala-ala noong wala pa siyang makita at niloko namin siya.

I want him to feel loved kahit noong ganun pa ang sitwasyon n'ya because I really did love him. Ayokong mapalitan ang mga ala-alang iyon at kung sakaling ikasal na sila ni Rhea, gusto kong isipin niya na ito ang nag-alaga sa kanya. So he'll cherish it.

Kinabukasan ay wala sa bahay si Dash, I just found out he went to his office with Zeijan.

Tumulong ako sa pag-aayos ng bahay kahit hindi nila ako pinapatulong. May pasok na rin ako bukas kaya kailangan kong tumulong hangga't may oras pa.

I helped clean the dishes when Sir Ejercito approached me.

"Sir!" I smiled at mabilis na naghugas ng kamay.

"Hija..." He smiled, his soft features reminding me so much of Dash when he's being sweet.

"Pasensya na po, naghuhugas po kasi ako." Ipinunas ko ang kamay ko sa may punasan roon bago ko siya hinarap.

"Ayos lang, hija," sabi niya at iniikot ang paningin. "Bakit nga pala ikaw ang naghuhugas? Nasaan 'yong iba? You're a guest here so you don't need to work..."

"Naku po, ayos lang po. Kaya ko naman," sagot ko sa kanya.

mas lumambing ang tingin niya at tumango.

"Anyway, hija, pwede ka bang makausap?" Tumango naman ako sa kanya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon