MALDITA 17

920K 23.4K 4.7K
                                    

MALDITA 17

Isang linggo na ang nakalipas magmula noong naka-encounter ko ang mayabang na lalaking 'yon. Buti na lang at hindi ko na sya ulit nakita magmula noon. At ngayon lang ako magpapasalamat sa School ko for keeping me busy for a week. Kahit paano, na-divert ang atensyon ko sa mga paper works at paghahabol ng deadlines ko. Sandali kong nakalimutan ang pag-alis ni Avy at kung anong ginagawa nya sa buhay nya.

This is my last semester kaya buong isang linggo akong nakipag-face to face sa monitor ng laptop ko at mga libro. I need to graduate in time and with flying colors. Though I know, that my parents wouldn't care if I did. Well, I am not doing this to impress them, I am doing this for myself. Ayokong maging taong grasa habangbuhay.

The next day I went to School early. Halos lahat nagulat dahil hindi ako late. Mikee couldn't believed to see me seated when he arrived. He even gave me a round of applause. Ok that hurts. Wala na ba akong karapatang maging maaga? I rolled my eyes at that thought. I need to be early today dahil ngayon ang deadline ng mga final projects ko. Bakit kasi sabay-sabay magbigay ng deadline ang mga Professors sa mga estudyante nila? Para silang nag-usap-usap.Kung tutuusin, kayang-kaya ko namang gamitin ang pagiging anak ng may-ari ng School na pinapasukan ko para mapadali ang buhay ko, but it's not fair. I want to graduate fair and square. Maldita lang ako, hindi ako nanlalamang.

After class sabay kaming pumunta ni Nerd sa mga professors namin para magpasa ng papers. Pagkalabas namin, kinuha nya ang hand bag ko na ipinagtaka ko.

"What are you doing?" I asked confused.

"Carrying your bag." She said.

"I can see that. Why?"

"Because I'm your slave." Sabi nya. Kinuha ko naman 'yong hand bag ko sa kanya.

"Not anymore. You're my friend, remember?" I smiled at her. Bigla naman nya akong niyakap dahilan para ma-off balance ako.

"Oppss. Sorry." She said giggling. Who would have thought that we would end up being friends?

-

After a very tiring day, we decided to go shopping. Sa sobrang tuwa ko na makapag-shopping ulit pinag-shopping ko si Nerdy. Hindi umubra ang pagkamatigas ng ulo nya sa akin, itinulak ko sya sa fitting room at sinabi kong huwag syang lalabas doon hangga't hindi ko sinasabi.

She kept on asking kung ok na ba, kung matagal pa ba ako, kung pwede na syang lumabas at kung ano-ano pa. Iisa lang naman ang sinasagot ko sa kanya.

'Shut up.'

Kuha lang ako nang kuha ng mga damit na alam kong babagay sa kanya. Pinagbitbit ko 'yong saleslady na nag-a-assist sa akin. Sya na din ang pinag-abot ko ng mga damit para ibigay kay Nerdy at isuot 'yon.

"Seryoso ka bang kaibigan mo na ako?" Sigaw ni Nerdy sa loob ng fitting room.

"Bakit?"

"God Avah! I'm not your paper doll! Mas malala ka pa kay Frances. Ayokong lumabas."

Natawa naman ako sa pagtatantrums nya. Para talaga syang bata.

"Para naman magmukha kang tao. Lumabas ka na dyan, ang dami mong arte."

Ilang minuto pa ang lumipas noong marinig ko ang pagbukas ng pinto ng fiiting room nya. Nakayuko syang naglakad, pilit ibinababa ang above the knee shorts na suot nya at tinatakpan ng magulo nyang buhok ang labas na balikat nya sa suot nyang off-shoulder na blouse.

"Turn around." Utos ko, sumunod naman sya. Not bad. May curves din naman pala ang katawan nya at makinis ang binti nya. Bakit puro mahahabang palda ang suot nya? Kung ibang tao lang siguro ang may katawan na katulad nya, baka mas maikli pa sa suot nya ang isuot.

"Ang pangit ko." Halos mangiyak-ngiyak nyang sabi.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kanya. Iniangat ko ang mukha nya, inayos ko ang mahaba at kulot nyang buhok saka ko inilagay sa likod para hindi matakpan ang mga balikat nya. Nakatingin sya sa sahig at nasa harapan nya ang kamay nya habang kinukutkot ang mga kuko nya sa kamay. Tinignan ko sya sandali then I let out a sigh.

"Oo nga, ang pangit mo." Sagot ko.

Bumagsak naman ang balikat nya at lalong nalungkot ang mukha nya.

"Oh, may se-self-pity dito, palakpan nyo." Sigaw ko pa sa loob ng boutique. Napunta naman ang atensyon ng lahat sa amin.

"Akala ko ba kaibigan kita?" Mahinang tanong nya.

"Oo nga. Kaya nga I'm slapping you with the truth 'di ba?"

"So, pangit talaga ako?"

"Oo. Pangit ang tingin mo sa sarili mo eh di pangit din ang tingin naming lahat sa'yo. Magpalit ka na, wala ka ng pag-asang gumanda. Kung ikaw mismo hindi ka naniniwalang maganda ka, hindi ka na talaga gaganda sa paningin naming lahat." Sagot ko sa kanya. Kinuha ko na ang bag ko at handa ng umalis pero nanatili pa din syang nakatayo.

"Tara na." Sabi ko pa.

Ilang segundo din ang nakalipas bago sya sumagot.

"P-Pwede pa ba akong mag-try ng ibang damit?" She bit her lower lip and look at me shyly. I rolled my eyes at her saka ko ibninaba ulit ang bag ko at umupo.

"Oh? Aarte pa?"

Pumasok naman agad sya sa may fitting room. Hindi katulad kanina na nakayuko syang lumabas, ngayon she's enjoying herself.

Habang naglalakad, may nadaanan kaming optical shop. Walang sabi-sabi akong huminto at humarap kay Nerdy saka ko tinanggal ang salamin nya sa mata na ikinagulat nya. Binali ko 'yon sa harapan nya na mas ikinagulat nya.

"Anong ginawa mo?" Gulat na tanong nya. Hindi ko sya sinagot at hinila ko na lang sya papasok ng optical shop.

"Hindi ako makakita." Sabi pa nya.

"Huwag mo akong artehan, malabo lang ang mata mo, pero hindi ka bulag." I said rolling my eyes heavenwards.

Pina-check up ko ang mata nya at ibinili ko sya ng contact lens. Naka-ilang tanong pa sya sa optometrist kung masakit ba ang paglalagay noon at worried sya na baka masundot ang mata nya at tuluyan syang hindi makakita. Kahit kailan talaga, para syang bata to think na 19 years old na sya.

Papaalis na kami ng Mall noong huminto si Nerdy sa isang boutique at pinagmamasdang ang isang cocktail dress na suot ng manequine.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko, pero hindi para sakin. Gusto ko para sa'yo." Sabi nya.

Tinignan ko naman 'yong dress. Kulay purple; which is my favorite color. Tube dress na maikli sa harapan at mahaba sa likuran. May mga Swarovski beads din sa may bewang. It's simple yet elegant.

"Maganda sya. Kaya lang wala naman akong paggagamitan nyan. Besides, ang dami kong dress sa bahay."

"Edi isuot mo sa graduation natin!" Suggestion nya.

Oo nga pala, graduation na namin in three weeks. Hindi ko namalayan na malapit na palang matapos ang buhay kolehiyo ko. Buti pa sya mukhang excited, samantalang ako, parang wala lang ang araw na 'yon.

"Wala akong balak um-attend. Tara na." Pag-aaya ko sa kanya at nag-umpisa nang maglakad.

"Huh? Bakit naman?"

"Ayokong mapagod." I gave her a fainted smile.

Lumabas na kami ng Mall bitbit ang ilang shopping bags. This is the first time na nagpunta ako sa Mall at wala akong binili para sa sarili ko. This is the first time na gumastos ako para sa ibang tao at hindi ko pinagsisisihan 'yon. In fact, masaya ako.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon