“So, what can you say about Aga’s world? I mean… you know, you’re a workaholic man and this girl *turo kay Lira* is such a party animal.” curious na tanong ni Dylan

“Yeah, yeah. Hahaha. Actually it’s kinda awkward especially when everybody is approaching us and I never thought she is friendly.” sabi naman ni Liam

“Hahaha. Hindi sya friendly Liam, madami lang talaga nakakakilala sa kanya, hello? Sino ba naman kasing hindi makakakilala dyan eh halos lahat na ata inendose nya.” natawa naman kaming lahat sa sagot ni Nats

“Actually Liam we are glad that you came, even if socialization is not your forte.” pang-aasar ni Dee kay Liam

“Hey, tigilan nyo na si Liam baka mamaya biglang umalis yan” sabi ko naman para tumigil na sila

“Pinagtatanggol” pang-aasar sakin ni Cams

“Oo nga naman guys, baka nga naman biglang umuwi si Liam at sumunod sya, alam nyo na, mahal eh.” sabi ni NAts

Nagtawanan lang sila at ako naman tinignan ko nang masama si Nats, habang tinignan lang ako ni Liam. Err. Ang daldal talaga ni Nats. Tinignan ko si Liam

“What?” inosenteng tanong ko sa kanya

Tinignan ko naman ulit yung mga kaibigan ko at sinabi kong.

“Duh? Natural susunod ako kapag umalis sya, wala kaya akong kotseng dala.” sabi ko sa kanila na tinawanan lang ako.

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan at minsan ay may mga random media na mag-iinterview samin ng konti tapos aalis na. Yung iba naman kukuhanan lang kami ni Liam ng pictures. Ipinakilala ko din si Liam sa ilang nakatrabaho ko na. Syempre hindi naman pwedeng tumanggi si Liam dahil kasama sa L&L terms and conditions namin na kapag may media, ngingiti sya.

Nung napagod at medyo nagutom na kami sa pakikipag-usap. Kumuha na kami ng pagkain at nagpunta sa isang table. Since busy naman yung friends ko na makipag-socialize kaya naman kaming dalawa lang ni Liam yung magkasama. Siguro kung ako lang mag-isa kanina ko pa naikot yung buong venue at nakipag-usap sa lahat. Dahil nga sa dami ding nakakakilala sa akin kaya kahit saang table ako umuupo.

“Bakit hindi mo samahan sina Dione?” tanong nya nung nasa table na kami

“Andyan lang sila, saka kalat kalat naman talaga kami kapag sa mga ganitong event, alam mo na, wala ka dapat pinipiling samahan kapag nasa isa kang malaking event.” Sagot ko sa kanya at kumain

“Bakit naman?” curious na tanong

“Hindi pwede ang loner dito at may sariling mundo. You will only look stupid. Why? Kasi bakit ka pa pupunta sa isang social gatherings kung hindi ka makikipag-socialize. Right?” sabi ko sa kanya

“So you mean we look like stupid right now?” tanong nya

Nagtaka naman ako sa tanong nya. “I don’t get it” sabi ko

Tumawa muna sya bago itinuro yung pwesto namin. Nasa pinaka dulo pala kami at corner pa. Medyo malayo sa lahat kaya naman pala medyo nawala yung mga media at medyo tumahimik din.

“Tss. Except us of course.” sabi ko na lang

“You know what?” sabi nya ulit

“What?” sagot ko

“Thank you for bringing me into your world Lira” seryosong sabi nya

“Thank you for accepting my crazy world Liam” sagot ko naman sa kanya

“By the way, magkakaroon ka ulit ng photo shoot para sa hotel” sabi nya sa akin

“Sure, dahil technically you’re my husband kaya bibigyan kita ng discounts” sabi ko sa kanya

“Tss. Kaya lang ok lang ba sayo kung kasama ako sa photo shoot?” tanong nya

“Bakit? Para san ba yan?” tanong ko sa kanya

“For the month of June, you know. You need to wear a bridal gown and --“ pinutol ko na yung sasabihin nya

“You mean, June bride? Ganon?” paninigurado ko

“Yep. So ok na? Sabihin mo na lang sakin kung kelan ka free para mag-start na” sabi nya

“Hey, di pa ko pumapayag” sagot ko naman.

“Nag-yes ka na kaya” sabi nya

At nung aapela pa sana ako. Isinubo nya sa akin yung cake. So wala na akong nagawa kundi kainin yung cake na sinubo nya sa akin. tss.

Nag-kwentuhan pa kami ni Liam hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na muna kami umalis kaya naman hindi na namin napansin na niligpit na lang nung waiter yung pinagkainan namin at inalok kami ng maiinom na kinuha naman namin. Hindi ko akalain na ma-e-expirience kong magkaroon ng sariling mundo sa ganitong klaseng event. LV event to. LOUIS VITTON EVENT. Isa sa mga pinapangarap nang madaming model na event na puntahan. Syempre naman malaki ang possibilities na maging endorser sila or kahit man lang magkaroon ng libreng bag na worth a million pesos.

But here I am, stuck with my Mr. Boring, whose worth than a million pesos. Breaking the walls between us and starting to build a sweet memory.

Not until someone from nowhere spoke

“GOOD EVENING EVERYONE”

And then every sweet memory we built vanished into a thin air.

Sabay kaming napatingin ni Liam sa nag-salita. Napatayo pa nga si Liam e.

“Lana” sabi nya

Napatingin ako kay Liam na hanggang ngayon nakatingin sa nagsasalita at hindi nya ata namalayan na naglalakad na sya papunta sa harapan. Leaving me behind, of course. Good evening pa lang yung sinabi ni A.D iniwan na ako ni Liam, pano pa kaya kung mas madami na dun ang sinabi nya? Hindi ko pa nga na-aamin sa sarili ko na mahal ko na si Liam, talo na ako.

Sinundan ko lang ng tingin si Liam habang sumiksik sya sa mga tao, napansin ko namang nakatingin sina Dori akin and they mouthed “are you ok?” at ngumiti ako sa kanila at tumango.

Yeah. I think I’m ok o kinukumbinsi ko lang yung sarili kong ok ako? Hindi ko alam bakit parang biglang bumigat yung pakiramdam ko nung nagpunta si Liam sa harapan at iniwan ako.

Mahal ko na ba talaga sya? Wala akong idea kung ano ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal.

I’ve never been in love.

Susundan ko ba sya?

****************************************

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin