Chapter 5: First Battle Part 2

88 14 18
                                        

First Battle Part 2

Sabay-sabay kaming pumunta sa gitna ng black arena at ngayon ay kami'y magkakatapat na. Nakangising-nakangisi si Nate sa akin samantalang si Wolf o Drexus naman ngayon ay parang kalma lang at tila hindi man lang nakakaramdam ng kaba.

Ako? Sobrang kinakabahan ako. Ayoko lang ipahalata dito sa mga kalaban ko dahil baka i-underestimate nila ako. Kailangan makita nila na matapang ako.

“Ngayong kumpleto na ang bawat representative ng bawat teams, simulan na natin ang laban!" Naghiyawan na ang mga tao. “Sa unang round, kailangan nilang pumili ng isa sa dalawang weapons na hawak nila."

Tinigna ko ang mga weapons na hawak ko. Alin kaya sa dalawang ‘to ang puwedeng gamitin para sa first round?

Tinignan ko si Nate at isang sword ang hawak niya. Samantalang si Wolf, walang armas na hawak. Ba't wala siyang hawak na armas? Don't tell me lalaban siya ng walang kahit anong armas?

Dahil nakasword naman si Nate at wala yatang balak na gumamit ng armas si Wolf, mas pinili ko na lang na piliin ang Katana.

Pumwesto na kaming tatlo. Nakatitig sa bawat isa. Nakangising-nakangisi si Nate habang si Wolf ay kalmado pa rin. Sigurado akong ako ang susugurin ni Nate. Halatang-halata sa mukha niya na gustong-gusto na niya akong patayin. Si Wolf? Hindi ko makita sa mga mukha niya ang gagawin niya. Ang hirap niyang basahin.

“Sa Round na ito, one will die at ang matitira ay maglalaban para sa next round." I must win. Kailangan kong manalo para mabuhay ako. “SIMULAN NA!"

Pagsigaw na pagsigaw ng announcer, agad akong sinugod ni Nate. Dahil alam ko na ito ang gagawin niya agad naman akong nakailag. Patuloy siya sa pag-atake sa akin. Gigil na gigil siya na mapatay ako. Halata ito dahil ang lakas ng impact ng espada niya sa katana ko. Kung hindi ko nga hahawakang mabuti ‘tong katana baka ito'y mabitawan ko.

“I will kill you bastard!" Galit na sinabi nito habang patuloy akong inaantake. Ako naman ay patuloy sa pag-ilag at pagsangga sa mga pag-atake niya. Hindi ba siya napapagod? Fuck! Ang lakas niya. Pero hindi ko siya nakikitaan ng bilis. Siguro iyong ang advantage ko sa lalaking ito.

Saglit akong napatingin kay Wolf. Napakunot ang noo ko nang makita siya na nakaupo lamang sa sahig. Uupo lang talaga siya? Wala siyang balak na sumali sa laban na ito?

Muli kong binaling ang atensiyon ko kay Nate, nang makakuha ang ng tiyempo, sinipa ko siya ng malakas sa kaniyang tiyan at napapulupot siya sa sakit. Agad akong lumayo sa kaniya para kahit saglit ay makapagpahinga habang nag-iisip ng puwedeng gawin.

“Kahit anong gawin mo, hindi mo makakayang patayin ako. Mahina ka! Mahina ka!" Sigaw nito.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Tinitignan ko ang paligid. Humahanap ng puwedeng magpahina kay Nate. Sa hindi kalayuan, may isang malaking butas. Tama! Iyon nga ang gagawin ko.

“Hoy panget!" Sigaw ko kay Nate. Napatingin naman siya agad sa akin habang hawak pa rin ang kaniyang tiyan.

“Papatayin mo ako hindi ba? Halika, patayin mo na ako!" Pang-aasar ko dito.

Mukha namang effective ang pagtawag ko sa kaniya ng panget dahil muli siyang umayos sa kaniyang puwesto at muling hinanda ang espada niya. Hinabol na niya ako at ako naman ay mabilisna tumakbo. Tulad ng inaasahan ko, mabagal nga siya. Malakas lang talaga siya.

Malawak ang arena na ‘to kaya naman hindi agad ako makarating sa butas na nakita ko. Nilingon ko ko sandali si Nate at patuloy lang siya sa pagtakbo. Halata sa mukha niya na napapagod na siya. Iyan! Tama ‘yan, mapagod ka. Nahagip ng mga mata ko si Wolf na nakaupo pa rin habang pinapanood kami. Ano bang plano niya? Bakit hindi siya kumikilos?

Muli akong tumingin sa aking dinadaanan. Ayan na! Malapit na ako! Binilisan ko ang pagtakbo at nang malapit na ako sa butas ay agad akong tumalon ng malakas upang makalagpas dito. Humarap ako kay Nate na malapit nang mapunta sa butas. “Halika dito! Patayin mo na ako!"

Nang makalapit na siya sa butas, ang akala ko ay mahuhulog siya, pero nagkamali ako. Tumalon din siya ng malakas at mula sa ere, kitang-kita ko na inihanda na niya ang kaniyang espada habang may nakakatakot na ngisi sa kaniyang labi.

Nakatulala na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko ngunit parang nakadikit ang mga paa ko mula sa lupa at hindi ko ito maigalaw.

“AILEY!" May boses akong narinig. Alam ko kung kanino ‘yon. Kay Chandler.

“WAAAAAH!" Narinig kong sigaw ni Nate na palapit na sa akin. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay na maramdaman ang pagtama ng espada sa katawan ko.

“Argh!" Napamulat ako nang marinig ang malakas na daing ni Nate. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Wolf sa harapan ko na hawak na ngayon ang espada ni Nate at nakapasak na ito sa leeg nito.

P-patay na si Nate. Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga manonood. Dahan-dahan akong lumayo kay Wolf. Natatakot ako na baka ako ang isunod niya. Nang makalayo ako sa kaniya, nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya sa akin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Gusto kong lumayo pero parang may pumipigil sa akin. Bawat yapak niya, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Habang lumalapit siya ramdam ko na tumatahimik ang buong paligid.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nagtitigan lang kaming dalawa. Hindi ko alam ang gagawin niya. Papatayin niya ba ako? O unti-unti niya muna akong sasaktan?

Nagulat na lang ako ng nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga saka bumulong. “I won't kill you. No one will die between us." Lumayo na ulit siya at saka hinintay ang sasabihin ng announcer. Walang mamamatay sa aming dalawa? Pero paano? Kailangang may mamatay sa aming dalawa para matapos na ang laban na ito.

“Ngayon naman, kailangan niyo ng palitan ang mga armas na gamit niyo." Lumapit ako sa bow and arrows ko at kinuha ito. Tinignan ko si Wolf. Muli, wala na naman siyang hawak na kahit ano. Pumwesto na ako. Magkatapat na kami ngayong dalawa.

Iniisip ko kung paanong walang mamamatay sa aming dalawa. May balak ba siyang gawin? May pinaplano ba siya?

“SIMULAN NA!" Sigaw ng announcer. Anong gagawin ko? Aatakihin ko ba siya? Bigla siyang tumango na parang sinasabi niya na atakihin ko siya. Kaya naman puwesto na ako at saka itinutok sa kanya ang bow. Sunod-sunod ko siyang inatake ng mga arrows ko ngunit lahat ay pumalya na tumama sa kaniya. Ang bilis niyang umilag.

Tumakbo ako palapit sa kaniya habang patuloy na pinapaulanan ng aking mga arrows. Patuloy din naman niya itong naiiwasan. Nagulat na lang ako nang bigla siyang mawala sa harapan ko. Ilang saglit pa, may brasong pumulupot sa likuran ko.

“Umarte ka na nasasaktan ka. In a few minutes, aalis tayo dito." Aalis? Saan naman kami pupunta? Paano kami makakaalis? Sa dami ng tao at dami ng guards, imposibleng makaalis kami dito sa arena.

“Alam ko kung anong iniisip mo. Trust me Ailey, we can go away from here." Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Iba na kasi ang impression ko sa kaniya. Para sa akin, hindi siya puwedeng pagkatiwalaan. Para sa akin, may mga hidden agenda siyang tinatago. Urgh! Bahala na nga!

“AAHH!" Sumigaw ako na para talaga akong nasasaktan. “Bitawan mo ako!" Dagdag ko pa.

“Good Ailey!" Narinig kong bulong nito. Hindi niya ako binitawan. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko. What the?! Akala ko ba hindi niya ako papatayin?!

Pinipilit kong makawala pero masyado ng mahigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa leeg. Isang paraan na lang ang naiisip ko. Ang sipain ang pagkalalaki niya. Bubuwelo na sana ako para sumipa nang biglang nabalot ng napakakapal na usok ang buong arena.

“Let's go!" Naalis ang pagkakapulot ng braso sa akin ni Wolf. Hinila niya agad ako palabas ng black arena.

Saan kami pupunta? Saan niya ako dadalhin?

💣💣💣💣💣

Pasensiya na sa fight scene na nagawa ko. First time ko kasi gumawa ng ganoong scene. I promise na sa next fight scenes na gagawin ko, mas papagandahin ko pa. Thank you!

Doom UniversityWhere stories live. Discover now