Kabanata 1

20 2 0
                                    

---
I was alone when I got out from my classroom. It's still class hours but my teacher allowed me to go out since I am done answering the quiz. Wala ni isang estudyante ang makikita sa pasilyo ngunit naririnig ko ang kanilang pag-iingay sa bawat silid-aralan na madadaanan ko. May nakikita pa akong mga lalaking binubully ang isang kaklase nilang lalaki na may maitim at makapal na salamin na nakayuko habang tinatakpan ang kanyang ulo. May mga babae ring kinukulayan ang kanilang mukha sa pamamagitan ng make-up at ang iba ay nagbabasa ng aklat o di kaya'y natutulog lamang. A very typical behavior of a student. Ito ang masasabi ko sa kanila. Base sa nakikita ko, maaaring hindi sila pinasukan ng kanilang guro kaya ito ang nagiging kahihinatnan ng mga estudyante rito.

Narating ko ang aming canteen makalipas ang ilang minuto. Our canteen is being filled with noises from the loud mouths of the college students. Most of them are having chit chats from their friends, telling them their corny jokes and stories, and some were doing their monkey business. I guess, they were having their vacant time and it is their way to kill it. Oh well. None of my business.

Pumunta ako sa counter and bought my usual food. After that, I roam my eyes from the whole canteen hoping that there still a vacant table and chair to occupy with. Fortunately, there's one. However, as I walk my way, someone grab the chair and comfortably sits on that thing. Just seeing his brown hair with red highlights are enough to make me feel irratated.

"Too slow, Ugly. Naunahan tuloy kita" he said and showed me his smirk. Oh I love to erase that smirk on his face. Instead of talking back, I show him no expression in my face and started walking away. Wala akong oras sa mga taong katulad niya. Siya si Edward Madrigal, karibal ko raw. He just announced to everyone that I am his rival in everything. Who cares anyway? He's just one of those ordinary men in this world.

Hindi ko alam na break time na pala ng mga highschool students. Kaya pala parami nang parami ang mga taong pumupunta sa canteen.

"Ignoring me again, huh?" I heard him as he blocked my way. "Why are you ignoring me, Ugly? Are you that scared that you keep on walking away from me? Bumahag na ba 'yang buntot mo? Hahaha" Now, all eyes are on us. The noises from this canteen recently have vanish instantly. I hate this. Again, I find my way to take my leave but he will just keep on blocking my way. I let out a deep sigh and look into his eyes.

"You're not worth of my time. Excuse me." Napahinto siya sa sinabi ko so I take that chance to went out of the canteen. Luckily, nakalabas ako ng maayos nang walang humaharang sa aking dinadaanan.

Hawak ang binili kong pagkain, nagpunta ako sa rooftop. Dito mas tahimik, walang nanggugulo, at walang tao.

Humanap ako nang magandang puwesto at sinimulang kainin ang pagkaing dala ko. Umiihip ang malakas na hangin kaya kaagad kong hinawi ang buhok kong nakalugay na tumatakip sa mukha ko.

Binuksan ko ang coke in can at saka ininom habang pinagmamasdan ang kabuuan ng buong campus na makikita ko rito sa rooftop. Tanaw ko rito ang mga estudyanteng naglalakad na masayang kakuwentuhan ang kanilang mga kasamang kaibigan. Mga kaibigan na kailanman ay hindi ako nagkaroon at wala akong planong magkaroon.

Inubos ko ang iniinom ko saka ito tinapon sa kung saan. Hinintay kong tumunog ito ngunit wala akong narinig na tunog galing dito. May narinig lamang akong pag ungol kaya hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

Una kong nakita ang can ng coke na siyang tinapon ko kanina. Sunod kong nakita ang isang lalaki na nakahiga habang hinihimas ang kaniyang noo. Marahil ay natamaan ang parteng iyon sa ibinato kong lata. May magulo itong buhok, maputi, at hula ko nasa 6'0" ang tangkad nito.

Umalis ako matapos kong tingnan kung okay lang ba ang taong iyon at sa nakikita ko, hindi naman kritikal ang kondisyon niya. Kaya na niya ang sarili niya.

"Nakahighschool na uniform, medyo mature ang mukha, matangkad. Nasa grade  11 kana siguro, miss." Saad nito. Medyo humarap ako sa kanya habang walang emosyon ang mukha ko.

"Tama ba ako?" Tanong niya saka siya tumawa. Baliw. Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad.

I didn't know na basehan na pala ngayon ang height at ang mukha para masabing senior high school student ako.

"Hindi ka ba mag so-sorry, miss?" Tanong nito. I just waved my hand at him habang nakatalikod at patuloy pa rin sa paglalakad ko. Nabigla ako nang may humawak sa balikat ko. Nasa likod ko ang lalaking iyon kaya humarap ako sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napatingin ako sa mukha niya.

"Oh? What's with that face? Bakit natulala ka sa akin,miss? Nabighani ka ba sa ka gwapohan ko?" Daldal nito at nag pose pa ng kung ano-ano.

"You have some lines in your face." I said. Bigla siyang napahawak sa kanyang mukha. "That means you were having a deep sleep before you were hit by the can. Your breath is somewhat like ... near to stink. So, I am deeply sorry for interrupting your deep slumber." I politely said. Saka na ako umalis at iniwan siya doon.

Kailan ba matatapos ang araw na ito? Gusto ko nang umuwi at matulog sa malambot kong higaan. Nakakainggit iyong lalaking yun. Nakakatulog siya sa kung saan. Tsk. Nakakaantok na rito sa paaralan. Napahikab ako ng wala sa oras.

"Sandali!" Sigaw nung lalaki nang medyo nakakalayo na ako. Lumingon ako ng bahagya sa kanya.

"What's your name?" He asked. Umihip muli ang malakas na hangin na siyang naging dahilan ng pagtakip ng aking buhok sa aking mukha. Hinawi ng lalaki ang buhok ko na ikinagulat ko. Umatras ako ng ilang hakbang at saka siya tiningnan ng masama.

"You don't need to know." I answered back and walk away.

___

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 30, 2021 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Unveiling the MaskOnde as histórias ganham vida. Descobre agora