Ganti

4.6K 90 0
                                    

Chapter 4

Natatakot na si Alfonso, Jane at Amanda na baka isunod na sila ng anino ng babae na pumapatay.

Alam na alam nilang ang babaeng yun ang pumapatay dahil bago pa man sya papatay nag papakita sya sa kanila.

Nag simba sila Alfonso at Amanda at pagkatapos ng simba ay kakain sila sa labas. May malakas na puwersa na humihila kay Alfonso papasok ng simbahan. Tumatakbo si Amanda para pigilan nya ito at mahawakan ang kamay ni Alfonso pero hindi nya ito naabot.

Na punta sila sa taas ng simbahan sa may kampana. Nag sara ang pintuan doon at hindi nakapasok si Amanda at tanging si Alfonso lang ang nasa itaas.

Umiiwas si Alfonso na baka itulak sya ng anino ng babaeng yun sa may bintana kaya lagi syang nasa gitna at sinusubukan nyang buksan ang pinto para makalabas sya.

Sa pag pilit nyang pihitin ng pihitin ang door nob ng pinto ay sumama ang door nob sa kamay nya at tamang-tama ang pag swing ng kampana at tumama ang matulis na bahagi ng kampana at nagilitan sya sa leeg hanggang sa naputol ang ulo nya.

Nahulog ang katawan nya sa bintana at naiwan naman ang ulo nya sa itaas. Iyak ng iyak si Amanda sa sinapit ng kasintahan nya.

Sa araw din na iyon ay binurol nila si Alfonso. Nandoon din sila Jane at Bernice na nakiramay. Hindi nila malaman kung bakit may ganito na nangyayari sa mga kaibigan nila. Hindi rin umuubra ang bigay ng mang ga-gamot sa kanila na panguntra.


GantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon