RUNDOWN

67.8K 1.7K 77
                                    

Napatitig si Amelia sa mga gamit niyang isa-isang hinahagis palabas ng sorority house ng Sigma Pink Society. Wala siyang magawa upang pigilan iyon dahil hawak hawak siya sa magkabilang braso ng dalawang 'sisters' niya.

"Stop it, please." mahina niyang pakiusap sa President ng SPS na si Paulina.

Umirap sakanya ang babae at maarteng naglakad patungo sa kinaroroonan niya. "Stop?" Paulina scoffed. "Did you stopped when you flirted with Steven?" asik nito sakanya at tinulak-tulak pa siya nito sa kanyang balikat gamit lamang ang hintuturo nito. Medyo nasasaktan na siya sa ginagawa ni Paulina dahil sa haba rin ng kuko nito.

"It's not what you think, Paulina. Steven was just asking me some questions." she reasoned out.

Steven Alan Herrera is a Mass Communication student. Last year na nito sa Vandelbilt University at nagkataon na nakita sila ni Paulina, na kasalukuyang girlfriend nito, na nag-uusap. Steven was just asking her some questions about her stay in the university. Gumagawa kasi ito ng film para sa project nila this semester.

Paulina was furious kaya sinugod sila nito. Pinagsalitaan siya ng masama at dinuro-duro. Steven stopped her but Paulina was hard to stop kaya naman hinila ito palayo ni Steven and she's guessing na nag-break ang dalawa dahil pinapalayas na siya ngayon sa Sorority House.

She's an Art student, currently on her second year. Last year, she was recruited by Sigma Pink Society. Hindi niya alam kung bakit siya ang napili dahil hindi naman siya tulad ng mga miyembro nitong mga socialites na tipong mga ka-aurahan ni Paris Hilton. Simple lang ang initiation na pinagawa ng mga ito sakanya at iyon ay ang pagdecorate ng buong sorority house. It took her almost two months to finish the murals, paintings and crafts she made for the sorority at sa isang simpleng misunderstanding, pinapalayas na siya.

"Steven broke up with me because of you. Sino ka ba ha? You're just a low class bitch that we accepted because we're in need of a renovation of the house. We don't need you anymore, Amelia. So please lang, pulutin mo na isa-isa ang mga cheap mong mga damit at lumayas ka na." mariin at galit na sabi sakanya ni Paulina bago siya talikuran. Sinundan ito ng iba pang mga miyembro na masasama ang mga tingin sa kanya.

Bumuntong-hininga nalang si Amelia at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na damit niya nang may isang lalaking lumapit sakanya at tumulong sa pagpulot ng mga damit niya.

Napatda siya ng makita si Jaxon na tahimik na pinupulot ang mga damit niya. Naka-earphones ito at naka-varsity jacket. Marahil ay galing ito sa practice.

Sikat si Jaxon Levi Ortega sa Vanderbilt dahil bukod sa gwapo at mayaman, lagi itong gold medalist sa mga swimming competitions na sinasalihan nito. Sabi ng iba, masungit at may sariling mundo raw ito pero kahit na ganoon pa ang lalaki, marami talaga ang nagkakagusto rito.

"Salamat." mahina niyang sabi rito nang ibigay nito sakanya ang isang duffel bag niya na may lamang mga damit niya.

Hindi kumibo si Jaxon at basta-basta nalang naglakad palayo sakanya. Naupo muna siya sa isang coffee shop na nadaanan at tinawagan ang kaibigan at kaklaseng si Lalaine.

"Ano? Nasaan ka? Susunduin kita." sabi ni Lalaine nang ikwento niya ang kanyang sitwasyon. Sinabi niya ang lugar kung nasaan siya at maya maya lang ay tumatakbong lumapit sakanya si Lalaine. Mukhang galing ito sa bar. Party girl kasi 'tong si Lalaine.

"Pinalayas ka ng bruhang Paulina na 'yon?! Eh girl naman kasi, sa dami ng lalaking lalandiin mo, ba't si Steven pa?" sabi nito at humugot ng sigarilyo sa bag nito at sinindihan iyon.

"Hindi ko naman nilandi si Steven. Nagtatanong lang talaga siya. First time nga namin magkausap nun. Ano na gagawin ko, Lalaine? Wala na akong bahay. Kakasimula palang ng school year."

ZWCS#2: Hot TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon