Pag baba ko dumiretso ako sa music room namin.
Wala pa yung mga kasama kong magpapractise pero nandun na ko at kumakanta.Kung ano anong kanta ang kinanta ko.Ganon ako malungkot man o masaya kumakanta ako.
Hanggang sa biglang nakanta ko yung kanta ni Nina title sayang naman.Umiiyak nanaman ako,para akong tangang umiiyak magisa.
Di ko malimutan
ang mga sumpa sa akin
na di iiwan
ako ay naniwala
at sayo ay nagtiwala
na ako lamang nasa buhay mo...
Tandang tanda ko pa
nang sabihin mo sa akin
na ayaw mo na
ang mundo ko ay gumuho
at ang luha 'y biglang tumulo
ang mga pangarap ko 'y naglaho..
Ano pa ba ang aking magagawa?
siguro nga'y hindi tayo
para sa isa't isa..oooohhh..
sayang naman ang pag ibig
na binuhos ko sayo
sayang naman ang mga panahon
na ginugol ko sayo
kung maibabalik ko lang
ang ating nakaraan
di na sana dadating sa ganitong
kalagayan..
di ko matandaan
Bigla akong napahinto ng kanta kasi pumasok siya.
Naka t shirt na lang siya na white,wala na yung mga dugo pero halata pang napaaway siya.
Lumapit siya sakin.
"Bianca sorry,maniwala ka di ko gusto to..."tapos hinawakan niya ko.
Gusto ko man siyang yakapin at tanungin kung ok lang siya.Di ko kaya dahil galit ako.
Inalis ko ang kamay ko sa paghawak niya at humarap ako sa kanya.
"Sorry? bakit? wag na tayo maglokohan dito, nakita ko na yung totoo ...Sana sinabi mo nalang na ayaw mo na!hindi yung mukha kong tanga! "
"Hindi ganon yun bianx".
"Ganon yun!!tutal,may bago ka na pala e di maghiwalay na tayo...Para di ka na mahirapan."
Pagkasabi ko nun,bigla siyang tumayo at mabilis na lumabas ng pinto.
Gusto ko sana siyang habulin at bawiin yung sinabi ko pero vmas nangibabaw ang pride ko.
Kasi alam ko na yun nalang ang meron ako ngayon.
~~~~~~~''
Wala ring practise ng choir ngayon kaya kumain nalang ako.nandun na sila Mark at binilhan ako ng scramble.Gamot daw sa tanga sabi niya.Tapos ay inakbayab ako at hinimas himas sa ulo.
Buti nalang talaga at nandito sila kung hindi ewan ko kung ano na ko.